XXVII

2.6K 93 35
                                    

Ang bilis lang talaga ng panahon. Parang kahapon lang, nasurpresa ako nung nagkita kami ni Sebastian sa rest house after two months.

In two days, I will be leaving for Alaska. At hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si Sebastian tungkol dun. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako dahil paniguradong magagalit yun.

"Ate, si Kuya Ian po ba ang maghahatid sayo sa airport?" Tanong ni Maximus habang nagsusuot ng sapatos.

Wala sa sarili akong napangiti ng malungkot. "No...he is busy. He's already working." I said, proudly.

"Naks! Pareho na pala kami, businessmen." He grinned.

I ruffled his hair. "Malapit ka na maging businessman, konteng kembot nalang."

4th year college na kasi si Maximus. Akala ko 1st year siya pinasok ni Tita Anne sa Ateneo pero 4th year na pala. May sapat na rin kasi siyang kaalaman. Maximus is a smart guy.

"I can't wait," He said after tying his shoelace. "sabay ka na sakin, Ate. Hindi ba pupunta ka sa JLCS Building?"

I nodded. "Yeah. You driving?" I asked.

He smirked at me. "Of course! I already have my license. Ikaw, Ate? Diba may lisensya ka na? Bakit di ka pa nagmamaneho?"

"I do, sinamahan ako ni Lolo kumuha ng lisensiya," Sabi ko bago inayos ang bag ko. "but I still don't know how to drive."

"Paturo ka kay Kuya Ian bago ka umalis for Alaska. Dapat marunong ka nang magmaneho pagdating mo dun." He said before fixing his hair.

"Okay..." Wala sa sarili kong sabi. "let's go."

******

"Oh, what a surprise. Did you drive?" He asked before giving me a quick kiss when I arrived in his office.

"No, Max did," I said. "what are you doing?"

He sighed. "Paper works." Sabi niya bago ako hinila papunta sa swivel chair niya.

Umupo siya dun bago ako hinila papunta sa kanya at pinaupo sa hita niya. I blushed when I sat on his thigh.

"Y-You should continue your work. Babalik nalang ako dito mamaya." I said.

"No. I like what you did today," He grinned before kissing my hair. "a surprise visit..."

I smiled. "I'll try to do this more often..." I said.

Liar! How can you visit him if you'll leave for Alaska in two days?! You're going to hell for all the lies you've said, Mya. For sure.

"Hmm, you should." He whispered.

He stopped kissing my hair and stared deeply into my eyes. I admired his beautiful face, everything about him is beautiful. Even though he has an attitude, I still love him. Tanggap ko siya.

Bumaba ang aking mga tingin sa kanyang mga labi. His lips were naturally red, nakakatempt halikan. Kapag talaga kaharap mo ang lalaking ito, magkakasala ka talaga.

Nabigla ako nang halikan niya ako. His kisses were hungry, and he held my waist and pulled me closer to him. Napanganga ako nang kagatin niya ang labi ko.

Nang mapagtanto kong nasa opisina niya kami ay dahan dahan ko siyang tinulak palayo sakin. Hingal na hingal kaming dalawa matapos nung ginawa namin.

Lalaking to talaga!

"W-We're in your office...mahiya ka nga." Hingal kong sabi.

He smirked. "So what? Mabuti na yung may nakakakita satin, para malaman nilang akin ka."

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now