XIX

3K 120 51
                                    

Nakanganga pa rin ako. Baka tumulo pa ang laway ko habang nakatitig sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.

Hindi kaya ako niloloko ng mga mata ko? Baka dahil sa sobrang miss ko siya ay nag-iimagine na ako!

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. Hindi man lang siya gumalaw, sinusundan lang ako ng kanyang mga mata na puno ng galit at lamig.

Nagulat siya nang bigla ko siyang sinampal. Napaatras ako nang gumalaw siya. He touched his now red cheek and looked at me furiously.

"What the fuck was that for?!" Galit niyang sigaw.

Napahawak ako sa bibig ko. "Y-You're real!"

He rolled his eyes. "Why? Do I look like a fucking mannequin to you?" Pilosopo niyang sabi.

"S-Sabi nina Kat...na umalis ka na raw. Akala ko nakauwi ka na sa D-Davao." Nanginginig kong sabi.

Tinaasan niya ako ng kilay. "I went fishing. Nangisda ako kasama si Mang Danilo."

"Nangisda?!" Gulat kong sabi.

So nagdrama ako para sa wala?! Nandito lang pala siya sa Dimasalang?! Leche! Triggered na ako! Nahawa na ako kay Tita Anne!

"Yeah, nangisda. Didn't they tell you?"

"Hindi! Ang sabi nila ay umalis ka na raw! Sabi rin nila na nag-away kayo ni Ate Clementine noon at pinapauwi ka na! Akala ko umuwi ka na sa Davao! Nakakainis ka naman eh! Ang sakit sakit ng puso ko! Akala ko hindi na kita makikita! Akala ko!" Tumigil ako dahil hindi na ako makahinga at mabilis ang agos ng mga luha ko. "nakakainis ka!" I punched his chest.

Nalaglag ang panga niya at mukhang gulat na gulat sa inasal ko. Nahiya naman ako nang mapagtantong sinigaw ko ang mga naiisip ko. Nakakahiya ka, Mya!

"What?" Nakangisi niyang tanong.

"W-Wala! Joke lang--.."

Natigil ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Bumagsak ako sa kanyang dibdib. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at binaon ang kanyang mukha sa leeg ko. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko at namula.

"I hate you so much. What are you doing to me? Binabaliw mo ako, huh?" Mahina niyang bulong.

Lumunok ako. "A-Anong ginagawa mo? A-Akala ko ba g-galit ka sakin? Tsaka hoy! Galit din ako sayo!" Umirap ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Yes, Mya. I am so mad at you. Galit ako dahil iniwan mo ako and you didn't even try to contact me! Wala akong Mya for two months! Two fucking months, Mya! Akala mo ba madali?!" Sigaw niya matapos niyang kumalas sa yakap.

"Galit din ako! Pinaasa mo akong umalis ka na! Umiyak iyak pa ako kanina sa may dagat!" Sigaw ko balik.

"If you're mad then I'm furious! Buti pa yung mga magulang ko, nakita ka two months ago dun sa party niyo. Tas ako?! Naiwan dito! Mag-isa! Walang Mya!" Parang bata niyang sabi.

"Anong mag-isa?! Nandiyan naman si Ate Clementine!"

"I don't need her, I need you!" He groaned before hugging me again. "I will never let you escape from me again. Mahirap na ang dalawang buwan na wala ka. Pano nalang kaya kung sobra pa?" He whispered against my skin.

"S-Sebastian..." Nahihiya kong sabi.

"I should punish you for leaving me, Mya. What should I do now? Tie you in my room again?" He chuckled sexily on my ear.

"Siraulo ka. Ayan ka nanaman, ha. Isusumbong kita kay Donya." Banta ko.

Kumalas siya sa yakap pero hawak niya pa rin ako. Parang wala na siyang balak na pakawalan ako para di ako makaalis.

Heart of the SeaWhere stories live. Discover now