IX

2.8K 102 25
                                    

Kinabukasan na ako nakabalik sa ospital. Shempre, nagtrabaho muna ako saglit sa mansion. Ayoko naman kasing iwan ang mga gawain ko dun.

"Nay...tungkol sa mga bayarin--.."

"Anak, ayos na." Sabi ni Nanay sabay ngiti ng malungkot sakin.

"Po?" Kunot noo kong tanong.

"Pakisabi nalang kina Donya Tanyang na salamat, ah? Kailangan ko pang puntahan ang punerarya..." Pagod na sabi ni Nanay.

Pero hindi naman ako humingi ng tulong kay Donya Tanyang, ah?

"Nay, ako na. Ako nang bahala, umuwi ka muna at magpahinga." Sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka ba, anak?" Tanong niya.

"Opo, Nay." Sabi ko sabay tango.

Sakto namang dumating na si Maximus, kumunot ang noo ko nang makita kong kasama niya si Sebastian. Anong ginagawa niya rito?

"I saw him on my way here so pinasakay ko nalang." Agad na sabi ni Sebastian nang makalapit sila samin.

Lumapit samin si Maximus at humalik sa mga pisngi namin ni Nanay. Tumingin sakin si Nanay.

"Ito ba yung kasama mo kahapon?" Bulong niya sakin.

"Opo," Sabi ko. "Nay, si Sebastian Lacson po, kamag-anak ni Donya Tanyang. Sebastian, ito ang Nanay ko, si Aling Jackie."

Ngumiti si Nanay sa kanya at naglahad ng kamay. "Nagagalak akong makilala ka, Sir Sebastian."

"Please just call me Ian." Sabi ni Sebastian.

Tumango si Nanay at ngumiti. Nagpaalam na siya sakin at sinabing uuwi na, sinabihan ko naman si Maximus na samahan si Nanay pauwi.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit.

Nagkibit balikat siya. "You weren't at the mansion and I got bored so I came here," Sabi niya. "how's your bills?"

"Binayaran na raw," Kunot noo kong sabi. "impossible naman yun. Wala pa kaming sapat na pera para pambayad tas sabi ni Nanay magpasalamat raw ako kay Donya. Tinanggihan ko naman ang tulong ni Donya dahil nakakahiya na."

"Really?" Nagtaas siya ng kilay.

"Pero...nagpapasalamat ako dun sa taong tumulong samin. Kahit papano ay gumaan ang loob namin ni Nanay." Bumuntong hininga ako.

Nabigla ako nang hilahin niya ako para yakapin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.

"I know you're sad, Mya pero isipin mo nalang na nasa masayang lugar na ang Tatay mo." Sabi niya na ikinagulat ko.

Kumalas ako sa yakap at tumingin sa kanya habang nakanganga. "Ikaw ba talaga si Sebastian? Nanggaling ba talaga ang mga salitang yun sayo?"

Umirap siya. "Whatever! I got that from the internet."

Natawa nalang ako. "Iba ka rin eh."

"At least I made you laugh," Ngumisi siya. "it's good to see you smiling again."

Dahil sayo, Sebastian. Dahil sayo.

*****

Matapos ang ilang araw ng pagpupuyat ay nailibing na rin namin si Tatay. Nakakatuwa dahil maraming bumisita sa kanyang lamay, marami nga talagang nagmamahal kay Tatay. Marami ding nalungkot sa kanyang pagkawala.

Masaya rin ako dahil bumisita ang pamilyang Lacson sa lamay ni Tatay. Sumama rin sila sa kanyang libing.

Ito namang si Sebastian ay halos araw-araw na bumibisita sa lamay. Minsan may dala pang pagkain para samin nina Nanay at Maximus. Si Nanay at Maximus naman ay tuwang tuwa kay Sebastian.

Heart of the SeaМесто, где живут истории. Откройте их для себя