VII

2.7K 100 18
                                    

Buong araw lang akong nakadikit kay Sebastian. Kung san siya pumupunta, kailangan ko talagang sumama. Pwera nalang kung magbabanyo siya, shempre.

"Stay here." Sabi niya bago pumasok sa banyo ng kanyang kwarto.

Nang maisara niya na ang pinto ay agad akong tumakbo palabas sa kwarto niya. Sinigurado ko namang hindi niya maririnig ang mga yapak ko.

Mabilis ang tibok ng puso ko nang makalabas na ako sa mansion. Paniguradong papatayin ako ng lalaking yun kapag nalaman niyang nawala ako.

Agad akong naghanap ng matataguan. Hindi ako magaling magtago kaya mas lalo akong kinabahan. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang sinigaw niya ang pangalan ko.

"Mya!!"

Dali dali akong tumakbo papunta sa garahe. Mabuti nalang at walang tao dito sa garahe. Nandito yung van ni Donya Tanyang kaya dun ako tumakbo. Nakaharap ang mukha ng van sa labasan ng garahe kaya dun ako sa pwet nagtago.

Patuloy pa rin si Sebastian sa pagsigaw pero malayo ang kanyang boses dito sa pinagtataguan ko. Napangisi naman ako dahil naiimagine ko na ang iritado niyang mukha.

Palapit na ang sigaw ni Sebastian dito sa garahe kaya naestatwa ako. Gusto kong sumigaw sa inis nang matamaan ng malikot kong siko ang baldeng nasa gilid ko kaya tumumog ito.

Narinig kong sinigaw niya ulit ang pangalan ko at sobrang lapit na ng boses niya dito sa garahe. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang kanyang mga paa na naglalakad papasok dito.

Sobrang tahimik ng paligid at tanging pintig ng puso ko at tunog ng kanyang mga paa ang naririnig ko.

"Mya," Sabi niya at medyo malapit na siya sa pwet ng van. "I know you're in here. Lagot ka talaga sakin kapag nakita kita."

Hindi ko alam kung bat ako napangisi dun. Gusto ko sanang tumawa pero paniguradong maririnig niya ako.

Habang naglalakad siya ay bigla siyang tumawa. "You're bad at hiding, I can see your arm."

At dahil dun ay agad akong umalis sa pinagtataguan ko at tumakbo. Bago pa ako tuluyang makatakbo palabas dito sa garahe ay nahuli niya ako. Tinulak ko siya para makawala ako sa kanya pero bigla niya akong binuhat na parang sako.

Napatili ako sa ginawa niya. Uminit ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"S-Sir Sebastian!" Sigaw ko. "ibaba mo ako!"

"Nope," Sabi niya. "you're coming with me, woman. You're mine for today." Sabi niya bago naglakad palabas sa garahe.

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Actually, akin ka sa buong bakasyon ko rito sa Hacienda." Sabi niya.

"Ano?!" Inis kong sigaw.

"Lagot ka sakin. Tinakasan mo ako." Parang bata niyang sabi.

Yung simangot ko naman ay unti unting napalitan ng ngiti. Nakakatawa kasi ang tono niya. Para siyang batang inaway.

"San mo ba ako dadalhin?" Mas mahinahon kong sabi.

Wala na akong magagawa. Buhat buhat niya na ako eh at mukhang wala siyang balak na ibaba ako para makatakas ako ulit.

"Kwarto ko," Sabi niya. "I'm going to lock you in my room while I'm thinking about your punishment."

"Ginagawa mo na akong alipin eh!" Sigaw ko.

Nabigla ako nang humalakhak siya. Hindi ko alam kung bakit nakakatuwa ang kanyang tawa. Parang ang sarap pakinggan, nakakawala rin ng pagod.

Heart of the Seaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن