Chapter 2

2.3K 64 5
                                    

Bianca The Bitch

Chriscely's Pov:

"Hoy teh! Anong nabalitaan kong ang haba ng daster mo--- este ang haba ng hair mo ha?!" malakas at mukhang natatarantang sigaw sa akin ni Peter Gonzaga. Short for Pepay. Ang bakla kong kaibigan.

"Magkwento ka sa amin.." seryoso namang sabi sa akin ni Jessica Esguerra. Short for Jessi. Ang babae kong kaibigan.

Hindi agad ako nakapagsalita. Gumugulo parin kasi sa isipan ko ang klase ng titig sakin ni Stanley eh.

Aish! Kainis naman oh!

"Oh? Ano na girl?" pangungulit ni Pepay sa akin. Habang si Jessica naman ay seryoso parin ang mga tingin sakin.

"Kailangan ko pa ba talagang ikwento?" ngumuso ako. As if naman hindi pa nila narinig diba? Sa mga haters ko pa nga lang, paniguradong sabog na sa buong university ang chismis.

"Ay oo naman girl! Ipagkakait mo pa ba samin yan? Kahit Yan nalang talaga! Alam mo namang pagdating kay Papa Stanley, wala talaga akong pinapalampas!"

Napangiwi nalang ako sa sinabi ni Pepay.

Ngayon, sobrang naiintriga na talaga ako. Anong pinakain ng unggoy na Stanley na yun kay Pepay?!

"Ikwento mo na."

Napatingin ako kay Jessica. Napalunok ako. Sa klase ba naman ng tingin niya sakin? Nakakatakot!

Kaya yun nga! Ikwenento ko na. Simula sa pagpasok ni Stanley. Yung mga papuri sa kanya. Nung ako naman ang pumasok, kabaligtaran pala talaga. Tapos napikon ako, sinabihan ko silang "Mga mukhang uod" tapos may biglang umakbay sakin si Stanley pala. Pagkatapos tinawag akong babe at sinabihan akong "I like you at I love you" pagkatapos gagawa kami ng baby. Yun nga. Umalis kami sa lugar na yun. Huminto naman kami sa walang katao tao. Tapos dun nako nainis sa kanya. Sinuntok ko sa mukha tapos sinipa ko itlog niya. Kainis eh. Eh, umepal yung Impaktang Bianca, kundi nagkasagutan kami. Hanggang sa noong hinatak ako ni Steven. Nagkausap kami.

Lahat ikwenento ko. Maliban lang paghabol at paghanap ko kay Stanley dahil sa weird niyang tingin sakin.

Anak naman ng---! Naalala ko nanaman oh! Aish!

"Kyyaaaah giirl! Kinikilig si ako! You know what? Ang haba na talaga ng hair mo! Akalain mong inakbayan kana nga ni Papa Stanley inakbayan kanaman ni Poging Steven! Oh my goodness! Ikaw na talaga girl! Inggit na talaga si ako sayo!" nagtitiling sigaw ni Pepay.

Napayuko ako. Feeling ko namumula ako ngayon. Una sa inis kay Stanley. Pangalawa sa kilig kay Steven. At pangatlo, dahil sa bunganga nitong si Pepay. NAKAKAHIYA kasi naglelecture kami ngayon! And worst ang terror ng teacher namin!

At ang pinaka worst na worst na worst talaga ay kaklase ko pa ang magkapatid! Stanley at Steven!

"Mr. Gonzaga!" galit na galit na sigaw ni Mrs. Criselda sa amin.

Tumayo si Pepay na nagpacute pa kay Stanley. Kinindatan naman siya ni Stanley.
WHAT THE HELL?! NAKUHA PANG MAGLANDI TEH?! DOY?! MUKHA TALAGANG UNGGOY! KAINIS!

"Go to the office! Now!" napatango naman si Pepay. Napatingin naman sakin ng masama si Mrs. Criselda.

Oh no..

"Ms. Dizon! You also!"

"A-ako po?" turo ko sa sarili ko.

Bakit pati ako?

"May iba pa bang Dizon dito?!"

Nagsitawanan ang lahat dahil sa pilosopong Mrs. Criselda. I even saw Stanley. He mouthed: "Goodluck babe" then he wink at me.

IntricateWhere stories live. Discover now