Chapter 9

1.2K 40 5
                                    


Date

Chriscely's POV:

Sabado ngayon. Walang pasok. Nakahiga ako ngayon sa lumang kama ng aking apartment. Nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang sundin ang inuutos ni Dad. Kung tutuosin nga ay wala siyang kasalanan dito. Parte ito ng aming organisasyon kaya dapat ko siyang sundin dahil siya ang namumuno rito. Noon pa man, sinunod ko ang bawat utos niya. Mga utos niyang kayang sikmurain ng sikmura ko. Pero ngayon alam kong hindi lang siya ang may gawa ng kautosan. Kundi pati narin si Centhia. Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko itong sundin.

Napatingin ako sa sobreng nakadikit lamang sa likod ng aking picture frame. Dito ko ito inilagay dahil wala naman akong mapaglalagyan pa.

Nakaramdam naman ako ng gutom kaya napabangon ako't dumiretso sa kusina para magluto ng makakain na umagahan. May nakita pa akong dalawang itlog sa ref kaya naman ginawa ko itong scrambled egg. Ginawa ko ring fried rice ang natirang kanin kagabi. Nagtimpla din ako ng kape at nilagyan ko ng konting asukal para mawala ang pagkabitter nito.

Matapos magluto ay kumain narin ako. Ilang minuto lang ang tinagal ko't natapos rin ako sa pagkain. Iniligpit ko naman ang sariling kinainan at naligo na sa maliit kong banyo. Pagkatapos maligo ay lumabas na ako para magbihis. Pero napukaw ang atensyon ko dahil merong tumatawag sa cellphone kong nakapatong sa maliit na mesa ng aking silid. Agad ko itong dinampot at tinignan kong sino ang tumatawag.

Kumunot ang noo ko nang mapagalamang unknown number ito. Pero dahil narin sa curious ako ay sinagot ko na ito.

"Hello?" takang sagot ko.

"Hi Mahal." his voice was husky.

Mahal daw--- SI STANLEY!

"Stanley?!" gulat at napasigaw ako.

"Yes Mahal. Stanley the one and only."

Alam kong sa mga panahong ito ay nakangiti siya. Palagi naman eh!

"Saan mo nakuha number ko?! Sabi ko na nga bang stalker kita eh!"

"Kay Pepay mahal. Oo tama ka nga. Stalker mo na ko. Patay na patay na kasi tong stalker mo sayo."

ANG PEPAY NA YUN TRAYDOR!

Hindi ko alam pero napangiti ako sa mga sinabi niyang salita.

"E-Ewan ko sayo! Mabuti't di ka natuluyan!" sigaw ko.

"Siyempre naman mahal. Hindi naman ako papayag na mamatay ng maaga. Di pa nga tayo nagkakaanak eh."

ANAK NG PAKING TAPE?! SAAN NANAMAN YAN NAKUHA HA?! SAAN?! Uminiit ang pisngi ko. Nararamdaman ko!

Bakit ba kasi sa simpleng mga banat lang niya ganito ang epekto sakin?! Hindi naman ako ganito noon ah?! Sa katunayan nga naiinis pa ako sa lalaking to dahil napakahambog! Matulongin nga siya! Pero sobrang mahangin na sa sobrang hangin niya ay kulang nalang lumipad nako sa kalawakan!

"Alam kong kinikilig ka mahal." he chuckled. Umirap ako kahit di niya nakikita.

"H-Hindi ah! Ano bang sinasabi mo dyan?!" pinilit kong ipagalit ang boses ko kasi para talaga akong nangingiti.

KASI LECHE! KINIKILIG NAMAN TALAGA AKO!

"Alam mo mahal, hindi naman masama kung umamin ka paminsan minsan eh."

"K-Kasi n-nagsasabi naman ako ng totoo!" Shet! Nautal pako!

"Ba't nauutal ka?"

"A-Akala mo lang yan!"

"Talaga mahal?"

Shet naman oh! Bakit ba ang kulit ng lalaking to?!

"Ay ewan ko sayo! Kung wala kang sasabihin, mas mabuti pang patayin na natin to!"

IntricateOnde histórias criam vida. Descubra agora