Chapter 25

704 19 4
                                    


Magkapares

Chriscely's Pov:

Pagkagising ko kaninang umaga, namumugto ang mga mata ko. Leche! 'Yung eyebags ko! Ang kapal! Ang kapal niyang manatili sa mata ko! Eyebags nalang ba ang meron ako?! Kasi wala ngayon si Stanley tabi ko?!

Ang pangit ko! Ang pangit ko! Kaya ba sila na ni Bianca ang magkasama ha?! Kaya ba?! Kaya ba sila kumakain doon sa mamahaling restaurant kasi, nagdedate sila?!

Nakasimangot akong nakatingin ngayon sa salamin. Ano nalang mukha ang ihaharap ko ngayon sa event ng pamilya Javier kung ganito ang mukha ko? Hindi pa naman ako marunong mag make up!

Bahala na! Bahala nang magmukhang basura ulit sa paningin nila mamaya. Tutal, 'yun naman talaga ang unang pagkakilala ni Stanley sa akin. Kaya bakit pa ako mahihiya diba?!

Eh ano ba kasi ang iniiyak iyak ko? Eto naman ang gusto ko diba?! Bakit pa ako iiyak iyak?! Nakakainis! Leche! Gusto ko tuloy kumain ng leche flan! Kasu wala akong pambili. Huhu.

Makapagbihis na nga at para akong mababaliw dito sa apartment ko! Apartment na kasama ko mga daga! Pero mas mabuti nalang na dito ako. Kesa naman ang makasama ko si Daddy at ang demonyang madrasta ko.

Nag-ayos ako. Naglagay ng maraming concealer para hindi maging stress ang mukha ko. Malay ko ba kung pagtawanan ako ni Stanley? O di kaya ng impaktang Bianca diba? O edi iisipin ng babaeng 'yun na siya ang nanalo.

"Girrl! Megesh!" malakas na sigaw ni Pepay.

Napairap ako. "Ano nanaman?"

"Woah! Highblood ka? Mag maintenance ka na!" nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Inis ko siyang tinignan. "Pwede ba Pepay? Kung wala ka lang namang sasabihing maganda sa akin, lumayo ka sakin."

"Ay ang taray! Hmp! Akala mo hindi ko pansin?! 'Yang mga mata mo, may nakakabit na eyebags oh! Megesh!" at tumaas ng sobra ang isang kilay niya.

Umiwas ako ng tingin. "W-Wala 'to. Nasobrahan lang sa tulog."

"Nasobrahan? O..." binitin niya ang sasabihin at may ibinulong. "Nasasaktan?"

"Ewan ko sayo!" nakakainis! Hindi.

Hindi dapat ako umamin kay Pepay na nasasaktan ako ngayon. Kasi kapag sinabi ko nanaman sa kanya na si Stanley ang dahilan, magmumukha akong katawa tawa kasi ako naman ang may gawa kung bakit nangyayari ito.

"Ay girl! Kung 'yan lang ang sasabihin mo sa akin, aba! Hindi 'yan pwede ano! You know.. you can tell me everything."

"Pasok nalang tayong classroom Pepay." seryoso kong sambit. Ewan ko ba. Parang ayokong magsabi. Lalo na't tungkol 'to kay Stanley. At sa babaeng may gusto sa kanya. Si Bianca.

Huminga ng malalim ang kaibigan ko. "Basta Chris ha? Kapag kailangan mo talaga ng kausap, nandito lang ako." seryosong sabi ni Pepay na nakapagpangiti sa akin.

"Oo naman." sagot ko na may halong lungkot.

Dahil kahit na ipagsabi ko pa ang tunay kong nararamdaman ngayon, wala ng makakapagpabago pa na baka mahulog si siya sa iba dahil wala na ako sa tabi niya.

"Tara na sa canteen girl!" sabi ni Pepay at hinila ako.

Kakatapos lang ng klase namin. Nagtaka lang ako kanina kasi wala si Steven. Pero ngayon napag-isip isip ko na baka busy siya para mamaya sa event nila sa bahay nila. Pero ang ipinagtataka ko ng husto ay ang pagkawala ngayon ni Stanley. Bakit siya absent? Diba sabi ni Steven, hindi makakapunta ng event nila si Stanley? Bakit wala siya ngayon? May pinuntahan ba siyang importante?

IntricateWhere stories live. Discover now