Chapter 34

550 28 1
                                    

Change

Chriscely's Pov:

Nagising ako na parang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nanlalabo ang mga matang inilibot ko ang tingin sa buong kwartong kinaroroonan ko ngayon. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. Bakit hindi ko magalaw ang mga binti ko?!

"Leche!" napasigaw ako sa sobrang frustration. Bakit hindi ko magalaw?! Nasaan ba ako?!

Nang matigil ako at maalala ang lahat ng nangyari sa akin. Ang lahat ng dapat ko pang tapusin. Si Stanley!

Kailangan kong bumangon. Babangon ako sa kamang ito. Hindi pwede! Hindi pwede!

"Chris!" napatingin ako sa taong pumasok sa kwarto. Si Jessica. Puno ng pag-aalala ang mukha.

"Nasaan ako?! Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko?!" malakas na sigaw ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang bumangon o igalaw manlang kahit mga daliri ko.

"Chris kumalma ka muna nasa hospital ka."

"Paano ako kakalma?! Hindi ko maigalaw ang katawan ko! Hahanapin ko pa si Stanley!" kailangan kong makita si Stanley!

"Hindi mo siya mahahanap Chris!" nauubusang pasensyang sigaw sa akin ni Jessica. Hindi siya makatingin sa akin.

"A-Ano?" nauutal na tanong ko habang nakatingin sa kanya--naghihintay ng rason kung bakit. Sari saring nagatibong pangyayari ang sumasagi sa isip ko. Patuloy kong tinitignan si Jessica na ngayon ay hindi makatingin sa akin. Mas lalo akong naiinip! "Jessica! Sabihin mo! Ano na?! Anong hindi ko na siya mahahanap---!"

"Hindi ka makakagalaw Chris! Hindi ka makakagalaw for 1 month! Sir Dizon inject you something! A-And... sabi ng doctor... Y-you're p-paralyzed." tumalikod si Jess matapos magsalita sa harap ko.

Napaawang ang labi ko. "H-Hindi... H-Hindi 'to totoo.." patuloy ako sa pag-iling. Pilit kong isinasaksak sa kokote ko ang lahat ng narinig ko mula kay Jessica. Isang mainit na likido ang kumawala sa mga mata ko.

Mga luha. Mapait akong ngumiti. Well.. siguro ang hina ko nga talaga. Leche!

"LECHE!" sa isip ko pilit kong iginagalaw ang katawan ko sa kagustuhang magwala. Pero hindi ko magawa!

That fvcking animal! I fvcking hate you Lazarus!

Lumapit si Jessica sa akin nang hindi ko alam at niyakap ako ng sobrang higpit. Mas lalo akong naiyak. Parang pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Halo halong emosyon na ang naghahari sa puso ko. Sakit, puot, galit, takot. Takot para kay Stanley. Kamusta na siya? Hindi ko pa siya nakikita pero heto ako ngayon. Talo na! Talo na sa laban, laban sa aking ama.

"I-I'm sorry Chris..." mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mga mata. "Humihingi ako ng tawad kasi hindi manlang kita natulongan. Pero... Kasalanan mo rin naman kasi. Ang tigas tigas tigas tigas ng ulo mo! Una palang sabi ko na sayo na huwag na huwag kang mahuhulog sa kanya. Pero matigas ka. Hindi ka parin sumunod sa akin."

Kinagat ko ang labi ko't nag-iwas ng tingin sa kanya.

Gusto ko namang pigilan ang nararamdaman ko. Pero paano kung pilit siyang isinisigaw ng puso ko?

"Wala nang magagawa ang mga salita mo." matigas kong binitawan ang mga salita. Tinignan ko siya ng seryoso. "Jessica, pwede ba akong humingi ng pabor?" siguro, wala na talaga akong magagawa sa loob ng isang buwan kundi ang humiga sa kama na 'to ang manatili narin sa kwartong puti lahat ang makikita ko.

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon