Chapter 41

672 24 0
                                    

Palabas

"Beshy! Mag-usap muna tayo! My ghads! Nakakalerke na ha! 'Yung kilikili ko basa na!" 'Yung bakla habang nakasunod sa aming dalawa ni Clevor.

Kanina pa ako natatawa na naiinis din. Natatawa sa bakla at naiinis kay Clevor.

Kanina pa siya nakasunod sa aming dalawa. Eto kasing si Clevor bigla nalang akong hinatak. At hanggang ngayon ay hawak niya parin ako sa kamay at ayaw niyang bitawan. Sabi niya uuwi na raw kami.

Matapos ng nangyari kanina ay heto kami't naglalakad papalabas ang 'yung bakla naman ay nakasunod parin sa amin at patuloy na sinasabing mag-usap kaming dalawa.

"Clevor! Bitawan mo nga ako! Kakausapin ko 'yung tao." pilit kong binabawi ang kamay ko kay Clevor.

Bigla siyang huminto siya sa paglalakad at ganun din ako. Saktong nagbunggo 'yung bakla sa likod ni Clevor.

"Aray ko pogi! Ang tigas!" sabi ng bakla habang hinihimas himas ang ulo niyang nabunggo sa likod ni Clevor.

Natawa ako.

Hindi siya pinansin ni Clevor. Seryoso lang ang tingin sa akin habang ako naman ay nakataas ang kilay siyang tinitigan.

"Mauna kana sa kotse. Susunod ako." hindi siya gumalaw sa sinabi ko. Tinitigan niya pa muna ang baklang nakatayo sa likuran namin bago ibalik ang tingin sa akin. "Clevor please! Just give me 15 minutes and I'll be there." nauubusan na ako ng pasensiya! Para akong may body guard kahit hindi naman kailangan.

"Fine." sabi niya't umalis.

Guminhawa ako ng maluwag. Salamat naman!

Napatingin ako sa baklang kanina pa pala nakatitig sa akin. Halatang pinagmamasdan ang kagandahan ko. Mukhang natulala na eh.

"Hello?" tawag ko sa kaniya.

Nakapakurap kurap naman siya't tumuwid ng tayo at ngumiti ng magiliw sa akin.

"Hoy! Anong hello? Wala tayo sa telepono 'no!" mataray siyang umirap siya akin.

Ha?

Kunot noo ko siyang tinignan. Telepono? Ano daw?

"Ha?" 'yan nalang ang nasabi ko. Okay. Slow ako. Pasensiya na. Hindi ako marunong makipagsabayan.

"Araaaaay!" umarteng nasasaktan ang bakla habang nakahawak sa may bandang puso niya.

Naalarma ako. Hala! May sakit ba siya sa puso?

"Hala! May masakit ba sayo? Ano bang pangalan mo?" natataranta akong lumapit sa kaniya.

Pagkasabi ko 'non ay kaagad niya akong tinitigan na parang nakakita ng multo. Nanlalaki ang mga mata niya't nakabuka ang bunganga.

"H-Hindi m-mo k-ko k-kilala?" bumilis ang paghinga niya na para bang nahihirapan.

Oh-no! Anong nangyayari sa kaniya?!

"Hindi eh." maliban nalang kung magbestfriend tayo at nakalimutan kita.

"U-Unbelievable k-kalerkeyyyyy m-mamatay n-nako. M-Mamatay n-nako...." huling sambit niya't namutla at nahimatay.

Hala! Nahimatay nga!

Marami na ang nakatingin sa amin!

"Tulong! Tulongan niyo ako!" abala ako sa paghingi ng tulong pero ni isa ay wala manlang may gumagalaw sa pwesto nila.

"Tabi." may malamig na boses ng babae ang nagsalita sa likuran ko.

Lumingon ako at halos maestatwa ako sa uri ng tingin niya sa akin. Sobrang lamig at nakakanginig ng katawan. Bukod don ay ang astig niyang tignan!

IntricateWhere stories live. Discover now