Chapter 4

1.6K 43 3
                                    


Her Life

Chriscely's POV:

"Pepay naman eh! Bakit mo ba kasi ginawa yun!" nagtatuntrum na ako rito.

Pinuntahan ako ngayon ni Pepay dito ngayon sa apartment ko. Sa apartment kong ubod ng liit at sobrang luma na.

"Ginanti lang kita girl! Nakakainis talaga kasi ang impaktang yun!" nakangusong sabi ni Pepay sa akin na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa kong luma narin.

"Sana hindi mo nalang ginawa yun! Paano na yan?! Suspended ka!" napasapo ako sa noo ko.

Ayoko talagang may nadadamay na iba sa gulo ko.

"Ano ka ba! Okay lang yun girl atleast napaghiganti kita ano!" ngumiti siya sa akin. Hindi ko na napagilang yakapin siya.

"Thank you talaga Pepay ha?"

"Asus! Ang dramey mo girl! Oh siya libre mo kong meryenda! Para makabawi ka sakin!" nagtaas baba ang kilay niya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Okay na sana eh! Kasu may kapalit pa!" ngumiwi ako.

Tinungo ko ang cabinet ko. May bread roll pa dito at peanut butter. Kumuha ako ng 4 na tinapay tsaka nilagyan ng palaman. Binuksan ko rin ang maliit kong ref na merong juice. Nagsalin rin ako ng juice sa baso tsaka dinala kasama ang tinapay sa sala. Nadatnan ko naman si Pepay na nanunuod ng TV.

"Oh eto na." inilapag ko sa mesang maliit sa harap niya.

"Thankiee girl!" nagsimula na siyang kumain. Maya maya lang ay nagsalita ulit siya. Naupo naman ako sa tabi niya.

"Eto tignan mo." inilahad niya sa akin ang cellphone niya.
Kunot noo ko itong tinignan.

"Ano to?"

"Cellphone." pamimilosopo niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tse! Alam ko! Ang ibig kong sabihin, aanhin ko to?"

"Basta! Tignan mo nalang!"

Sinunod ko naman ang sinabi niya. At halos maibato ko ang cellphone niya dahil sa nakita.

"SI BIANCA TO AH?!" gulat kong sigaw.

"Obviously girl! Bagay no?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Instead, tinignan ko ang dalawang litrato. Meron dito na nakangudngod sa sahig ang kawawang impakta. Tapos yung isa naman, hindi ko makita mukha niya kasi pwet nalang ng cake na nakadikit sa mukha niya nakikita ko.

"Ginawa mo to?!" nanlalaking mata ko siyang tinignan.

"Oo naman!" proud na proud pa ang mukha niya.

"Talaga?!"

"Bakit di ka naniniwala?! Hindi kaba bilib sa pawers ko ha?!"

"Eh sobra sobra to ah!" tinignan ko ulit ang mga litrato. Paniguradong malaking kahihiyan to kay Bianca. To her reputation.

"Anong sobra?! Pinadugo niya ulo mo girl! Nangudngod lang siya sa sahig at nadikitan ng cake sa mukha! Kulang pa nga yan eh!"

Ngumuso nalang ako. Sabagay may point naman siya.

"CHRISCELY DIZON!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses na yun. Sa pagtawag niya ng buo sa pangalan ko.

"Hala girl! Nakakaloka!" natatarantang iniligpit ni Pepay ang mga kinainan niya.

"BUKSAN MO ANG PINTO! KUNDI SISIRAIN KO TO!"

IntricateWhere stories live. Discover now