Chapter 17

860 29 1
                                    


Meet The Parents

Chriscely's POV:

"Mahal, don't be nervous." sabi ni Stanley sabay gagap sa kamay ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil papunta na talaga kami sa parents niya.

LECHE! NANLALAMIG AKO!

"Kasi naman! Paanong hindi ako kakabahan? Bigla-biglaan to Stanley! Tapos kanina sa Ate mo, ni hindi mo sinabing siya pala may ari ng boutique na yun!" pinagselosan ko pa siya! Leche!

"Mahal, close naman na kayo eh! Ayaw mo pa nun? Di pa tayo kasal, pero close na kaagad kayo ni Ate."

Pinamulaan naman kaagad ako ng mukha kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Sabagay, may point naman siya. Mahirap ngang kasi talaga yung pag kasal na kayo pero hindi kayo magkasundo ng pamilya ng mahal mo. Kaya mabuti nga na close na kami ni Ate Cleren. Kaya sana magkasundo rin kami ng parents niya.

Pero di ba masyadong maaga?

"Stan.." tawag ko sa pangalan niya. Nilingon naman niya ko.

"Yes Mahal?"

"Diba masyadong maaga pa? Tsaka---"

"Mahal, doon rin naman ang punta nating dalawa eh. Ipapakilala at ipapakilala parin kita."

"Pero---!"

"Wala nang pero pero mahal kasi nandito na tayo." nakangiting sambit niya't pinatay ang makita ng kotse't lumabas at pinagbuksan ako.

Pero hindi pako gumalaw. Parang ayokong bumaba.

"Mahal baba na." hinawakan niya ang braso ko at pilit akong hinihila.

"A-Ayoko Stan. Kinakabahan ako." sabi ko. Nanlalamig yung mga kamay ko eh.

"Wag kang kabahan mahal. Andito naman ako. Di kita iiwan." binigyan niya ko ng kampanteng ngiti kaya napangiti narin ako.

"Let's go?" he then offered his hand to me kaya inabot ko na ito.

Lumakad kami papuntang gate nila. Hindi niya naman kasi pinasok ang kotse. Nagdoorbell siya't may bumukas sa kanyang isang matanda. Nakasuot ito ng pangkasambahay at nakatingin lang sa akin ng blangko.

"Manang Perly, si Chriscely nga po pala. Asawa ko---este girlfriend ko."

Lihim ko namang siniko si Stanley sa tagiliran dahil sa sinabi niya sa matanda.

"Magandang gabi po." ngumiti ako rito pero tanging tango lamang ang isinukli nito sa akin.

"Pasok kayo." malamig na sambit nito. Agad naman akong hinawakan ni Stanley papasok sa gate na pinagbuksan sa amin ni Manang Perly.

Unang pagtapak ko palang sa bakuran nilang puno ng Bermuda grass ay napanganga na ako. Ang ganda ganda at sobrang laki ng bahay o masasabi kong mansyon na nga ito!

"Tara na mahal!" yaya sa akin ni Stanley na nasa unahan ko na pala ngayon. Kahit nag-aalangan ay sumunod parin ako sa kanya.

Pero hindi pa nga siya nakakatok sa bahay nila ay bumukas kaagad ang pinto.

"Stanleeey swetieee!" salubong sa amin ng sobrang gandang babae na chinita. Niyakap niya ng sobrang higpit si Stanley. Sa likuran naman ng babae ay isang lalaki namang may dimple dahil nakangiti ito sa amin. Sa akin. Napangiti naman ako ng sobra. Naalala ko sa kanya si Steven. Napahiwalay naman ang mommy niya sa kanya kaya natamaan niya ko.

"Oh my god!" napatakip sa bibig niya ang mommy niya nang makita ako. "Your so beautiful hija! Girlfriend ka ba ng anak ko?"

Nahihiya naman akong ngumiti at sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Stanley.

IntricateWhere stories live. Discover now