Chapter 26

667 24 12
                                    

Madly Inlove

Chriscely's Pov:

Kinakabahan ako. Nasa tapat na kami ngayon ng mansyon nila. Ikalawang punta ko na ito rito. Pero hanggang ngayon, sobrang kaba parin ang nararamdaman ko.

Parang wala lang party na nagaganap sa bahay nila. Ang tahimik. Hindi abot sa labas ang ingay. O sadyang, napakapormal ng mga bisita? Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Let's go?" inilahad ni Steven ang isang kamay niya habang nakangiti sa akin. Inabot ko naman ito at nagsimula na kaming pumasok sa gate nila.

Pinagbuksan naman kami ng gate nila ay siya namang pagbukas ng katulong nilang si Manang Perly. Blangko nanaman ang ipinukol na tingin nito sa akin bago kami pinapapasok.

Pagdating sa loob ng bahay nila ay nagandahan talaga ako. Takte! Ang gara ng mga bisita! Ang daming tao. Halos lahat mayayaman. Nanlamig tuloy ako. Nakakahiya talaga! Ba't pa kasi ako pumayag! Huhu.

"Chriscely!" isang sigaw ng babae ang nagpalingon sa aming dalawa ni Steven. And there I saw Ate Cleren. Smiling and walking towards us.

Leche flan! Kinakabahan nanaman ako.

"Hi Ate Cleren." I smiled at her. Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga bisita.

"Glad you came!" nakangiting sabi niya. "Nakakalungkot lang kasi wala si Stanley." malungkot siyang ngumiti sa akin. "We'll talk later ha?"

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang may laman 'yung sinabi niya sa huli. Takte! Baka alam na niya na hindi na kami nagsasama ni Stanley!

Umalis na si Ate Cleren. At si Steven naman sa tabi ko ay inaya akong umupo sa isang walang taong lamesa.

"Do you want some drinks?" tanong sa akin ni Steven. Tumango nalang ako bilang sagot. "I'll be right back." sabi niya't tumayo para kumuha ng maiinom na sinasabi niya.

Agad akong nagsisi. Sana hindi ko nalang siya hinayaang umalis. Nahihiya kasi talaga ako sa lahat ng bisita na narito. Halos lahat sila ay napapatingin sa akin. Halatang nagtataka sila kung sino ako. Naiilang na tuloy ako. Leche flan! Bakit ba kasi lumalabas dibdib ko sa damit na ito! Sana nag jacket nalang ako para walang problema!

"Chriscely?"

Isang masiglang tinig ng babae ang nagpalingon sa akin. And there I saw Tita Sunshine smiling brightly at me. Sumingkit lalo ang mga mata niya. Wow ha. Gabing gabi na pero kasing bright ng araw ang ngiti ngayon ni Tita.

"Goodevening po!" nahihiyang sabi ko't tumayo. And napansin ko na wala si Tito Dominic.

"You look great!" puri niya sa akin matapos akong suriin. "By the way, papunta narin dito ang Tito mo kasama si Steven." nakangiti parin siya pero agad na nagbago ang ekspresyon niya't napalitan ng pagkadismaya. "Sayang lang talaga at wala ngayon si Stanley. Mabuti at pumunta ka parin kahit wala siya?"

Takte! Ang awkward na! Huhu. Para akong nasa hot seat! Woooh!

"A-Ah opo. Inimbitahan po kasi ako ni Steven. Tsaka... S-Sabi niya, wala daw kasi siyang makuhang kapartner kaya ako nalang. At isa pa, wala naman po si Stanley kaya baka pwede daw ako as a friend." ang defensive ba ng sagot ko? Sana hindi naman.

Tumango-tango siya. "I see... Ay ewan ko ba sa batang iyon! Hindi mo maintindihan! Napakainit ng ulo nitong mga nakaraang araw. Nagtataka nga ako eh." natigil siya. "May alam kaba hija? Nag-away ba kayo?" tanong niya na nagpalunok sa akin.

Naku naman! Napunta pa dito ang usapan. Ngayon, kompermado ko ng hindi pa nila alam maliban kay Steven na cool off kami ngayon ni Stanley.

"A-Ang t-totoo po kasi niyan.." hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Takte naman oh! Anong sasabihin ko kung tatanungin niya ako kung bakit ko hiniwalayan ng pansalamantala ang anak niya?!

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon