Chapter 38

616 21 0
                                    

Longing

Pepay's Pov:

"Waaahh! Miss na miss ko na talaga si Chriscley!" nakaupo ako ngayon sa damuhan. Binubunot ko ang mga bermuda grass na nakatanim. Para na akong hardinero sa ginagawa ko!

Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yun?! Nakakainis silang dalawa ni Jess! Dalawang araw nalang graduation day na ng batch namin! At going to kolehiyo na sana kami. Pero kahit si Jessica ni hindi manlang nagpapakita dito!

Biglang tumili ang mga babaeng haliparot sa paligid. Naku naku! Mas lalo akong nainis nang makita ko si Bianca impakta at Papa Stanley na magkasabay na naglalakad sa school.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa bruhang impakta na parang ahas na nakapulupot sa braso ni Papa Stanley.

Mas napabilis tuloy ang pagbunot ko ng damo. Dala na ng punong punong galit ko sa Bianca impakta at mukhang wala na nga akong paglalagyan! Ilagay ko kaya ang galit ko sa mukha ng impakta at baka magbago't maging anghel siya. Bongga ang naisip ko pero malabong magkatotoo! Asa pa Pepay! Asa pa!

"Hijo."

"Susmaryusep! Huwag mo akong tawaging hijo kasi mas malambot pa ito sa jelly izzzzz." hinabaan ko talaga para damang dama.

"Ay inday. Lilinisin ko lang ang kinauupuan mo."

Galit na lumingon ako kay Manong Janitor. "Huwaaat?! Gusto mong linisin ang kinauupuan ko?! Meghed Manong! Mukha ba akong dumi?!" tinaasan ko siya ng kilay. 'Yung tipong mukhang sampayan.

Nang biglang may tumabig sa akin. Mas lalong nag-init ang ulo ko. Paglingon ko ang impakta na ngayon ay nasa tabi na ni Manong Janitor. Nakataas narin ngayon ang kilay ng impakta habang nakatingin sa akin.

Mas lalo ko namang tinaasan ang kilay ko. Hah! Anong akala niya magpapatalo ako sa kanya?! Never! Pwe!

Napatingin ako sa latang nasa paanan ko. Hmmm. Tingnan natin. Ngumisi ako't walang ano-ano'y sinipa ito papunta sa impakta. Nasapul naman ang mga daliri niyang naka technique color pa! Ang impakta mukhang rainbow. Talo pa painting sa sobrang dami ng kulay.

Sumigaw siya sa sakit.

"How dare you?!" galit na sigaw niya sa akin.

"How dare you mo mukha mo! Tara magsabong tayo!" at pumorma ako na parang manok na sasabong.

Nanggigigil niya akong tinignan. "Napakapanget mo! Sino ka para bastusin si Manong ah?!"

WOW. At kailan pa naging anghel ang impakta?

"At sino karin para sabihan akong panget?! Hoy! Mas mukha akong tao sayo!"

Tumawa siya. "At sino namang nagsabing mukha kang tao eh mukha kang kabayo!"

Humalakhak ako. Kahit na ang laswa ng boses ko kapag tumawa ay humalakhak parin ako. Lakas din ng confidence ng isang 'to eh mukha namang hipon.

Ngumisi ako. "Mukha nga akong kabayo.." nilapitan ko siya. Tumigil ako sa gilid niya't inilapit ang bunganga ko sa tenga niya. "Atleast... hindi ahas tulad mo." hinipan ko ang tenga niya. Sinampal naman niya ako.

Gusto sampalan. Eh gusto ko suntukan eh kaya sinuntok ko 'yung mukha.

Sumigaw siya. "You b1tch!"

Sinabunutan niya ako. Kaya sinabunotan ko narin. Baka kapag sinuntok ko ulit, maflat ko 'yung mukha mahirap na.

Malakas kong hinila ang buhok niya.

IntricateHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin