Chapter 11

982 28 0
                                    

Selos

Chriscely's POV:

"Nabalitaan kong binigyan ka raw ng bagong sobre." walang emosyong sabi sakin ni Jessica.

"Oo." wala sa sarili kong sabi. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung ano ang dapat kong gawin. Ayoko talagang may nadadamay sa problema at gulo ng buhay ko. Tama na yung isa. Nakakapagod na.

"Alam mo na ang dapat mong gawin." tumayo ito at aalis na sana sa bench na kinauupuan namin pero hinawakan ko ang kamay niya.

"J-Jess.. T-Tulongan mo naman ako oh. Hindi ko alam ang gagawin ko." pagmamakaawa ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya't umupo sa tabi ko. Tinignan niya naman ako diretso sa mga mata ko.

"Nakasulat sa sobre Chris. Paanong hindi mo alam?"

Hindi ako nakasagot. Paano nga bang hindi ko alam?

"O, dahil ayaw mong gawin ang bagay na papatayin mo siya?" nakita kong napangisi siya.

"Wala akong makitang dahilan para gawin yan!" napataas ang boses ko. Naiiyak na ako sa sobrang frustration.

"Bakit? Naghanap kaba ng mga dahilan noon bago mo patayin ang mga taong pinapapatay sayo?"

Literal akong natigilan. Naalala ko ang mga panahong ginagawa ko pa ang mga bagay na sobrang pinagsisihan ko.

Si Stanley. Una pa lang, nang makita ko na siya ang laman ng ibinigay na unang sobre sakin, sobra akong kinabahan. Posible bang mahal ko na siya ng mga panahong yun? Pero hindi dapat malaman ni Jessica. Paniguradong magagalit siya ng husto sa akin.

"A-Ayoko lang na may madamay na inosente." isa naman talaga sa mga dahilan ko yan.

Sobrang inosente ni Stanley para patayin ko siya. Lahat ng pinatay ko noon ay may mga malalaking kasalanang nagawa sa aming organisasyon.

Hindi siya nagsalita. Mas lalo akong kinabahan nang tinitigan niya ko. Itong kaibigan kong to, minsan napakacreepy eh.

"May gusto kaba kay Stanley?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin yan. Halata ba ko? Tumawa ako ng peke.

"Hah! N-Nagpapatawa ka ba? Paano ako magkakagusto dun eh naiinis ako sa kanya!"

"Naiinis ka dahil naalala mo sa kanya si Clevor." seryosong sambit niya na tila alam na alam talaga na yan ang dahilan ko.

Well, noong una hindi pa. Pero noong mga pinakitaan na niya ako ng mga sweet gestures niya at kung paano niya ko pasayahin, naaalala ko nga sa kanya si Clevor.

"H-Hindi ah!" nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Naluluha ako. Naalala ko nanaman kung paano nabawian ng buhay ang lalaking una kong minahal mismo sa harapan ko.

"Hindi mo ko maloloko Chriscely." hindi ako sumagot. Nilingon ko nalang siya. Sobrang seryoso niya parin hanggang sa nagsalita siya ulit. "Wag na wag kang mahuhulog sa kanya. Dahil sa oras na mangyari yun, masasaktan ka ng sobra sobra." then she left me.

Bagsak naman ang balikat ko. Napatingala ako sa langit. Parang naluluha kasi ako. Ayokong may makakita sakin dito. Paniguradong lalaitin at pagkachismisan nanaman nila ako pag nakita nila akong kaawa awa.

Napagpasyahan ko namang umalis na't dumiretso sa susunod kong klase kung saan kaklase ko ang magkapatid na Javier at ang impaktang Bianca.

Naglakad lakad ako pero may nakasalubong ako.

"Speaking of the devil.." bulong ko sa sarili. Kapag minamalas ka nga namang nakasalubong ko pa siya.

"Hi Garbage!" ngiti ngiting bati niya sakin. Halatang nang-aasar.

IntricateWhere stories live. Discover now