Chapter 19

724 23 1
                                    


Gulo

Chriscely's POV:

Nagpaalam muna akong magcr dahil hindi ko na talaga kayang matagalan ang mukha ng impaktang bianca na yun. Naiirita ako sa tuwing ngingisi siya sa akin na halatang inaasar ako sa tuwing napapatingin ako sa kanila.

Inihilamos ko ang malamig na tubig galing sa gripo ng lababo na nakaimbak na sa kamay ko. Napapikit ako nang maihilamos ko ito sa mukha ko.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin.

ANG GANDA KO! LECHE!

Kinuha ko ang suklay na nasa shoulder bag kong dala at sinuklay ang mahaba kong kulay brown na buhok. Nagretouch din ako ng make up. Nageyebrow lang ako, lipstick, tsaka powder sa mukha.

Ayoko namang agawin kay Bianca ang titulong Ms. Painting.

Habang busy ako sa pagaayos ay may biglang pumasok sa cr. At ganun nalang ang pagkairita at pagkainis ko nang makita sa repleksyon ng salamin ang mukha ng impaktang nakangisi at nakataas ang kilay sa akin.

"Nag-aayos. May pinapagandahan. Sabagay, uhaw sa kagandahan." she then burst into laughter but I didn't even bother to look at her.

Para saan pa diba? Andito ako para magretouch. Hindi para makipagrematch sa kanya.

"Iba talaga pag may talent sa pagiging malandi. Nakukuha kaagad ang gusto nila."

Itinakip ko na ang powder na hawak hawak ko. Kinuha ko naman ang pulbo na nasa bag ko at iniikot ito pa right side.

"Anong pinakain ng isang basurang tulad mo kay Stanley?! Sa Ate niyang nilibre ka ng mga damit! Mukhang pera ang mga kagaya mo at isa kang whore---"

Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya't sinabuyan ko na siya ng pulbong hawak hawak ko kanina pa. Nanginginig ako sa galit at pagkairita sa pagmumukha niya.

"K-Kunin mo to!" nauubo ubong sigaw niya sakin at dali daling pumunta sa lababo't naghilamos para makuha ang pulbong naisaboy ko sa makapal niyang mukha. "How dare you to do that to me!" sigaw niya sakin.

"I dare it Bianca. Wag mo kong subukan. Hindi mo pako kilala ng lubusan." kasabay non ang pagtalikod ko at paglabas ng cr.

Argh! Nakakainis! Sinira niya ang pagreretouch ko't pinahighblood niya lang ako.

Tinahak ko ang cafeteria kasi parang nagutom ako sa maikling eksena namin ng impaktang yun. Siguro nakapagbreaktime narin ang lahat sa gym kasi pasado 9:30am na.

Habang naglalakad ay may nakasalubong akong lalaki na malayo palang ay ngiting ngiti na sa akin. Una, parang wala lang sakin kaya nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya. Pero nang mapalapit na siya sakin ay ganun nalang ang pagkabigla ko nang huminto siya't hinarangan ako sa dinadaanan ko.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya't nakita ko kaagad ang nakakabasag araw na ngiti ng lalaki sa akin. Dahil nga sa wala akong mood at dinagdagan pa ng Bianca na yun ay nilampasan ko nalang siya. Pero hindi ko nagawa dahil nakakailang hakbang palang ako ng harangin niya ulit ako.

"Problema mo?" walang emosyong tanong ko.

"Ikaw. Bigay mo sakin number mo." walang paligoy ligoy niyang sabi.

LECHE! Ang presko! Sarap ihawin!.

"Isa. Mag-isa lang ako." sabi ko't nilampasan ulit siya pero hinabol niya parin ako at tulad kanina ay nakaharang na siya sa dinadaanan ko.

"You know what? Its not funny. Alam kong boyfriend mo na si Stanley but I don't care. Just give me your number Ms. Dizon."

Gusto ko na talaga siyang sipain sa pagmumukha niya dahil inaabala niya ang pagkain ko sana.

IntricateWhere stories live. Discover now