Chapter 37

607 18 3
                                    

Heartbeat

Unang dating namin sa siyudad ang unang napansin ko ay ang mga pananamit ng mga babaeng katulad ko. Mas revealing pa nga ito kesa sa suot kong black dress.

Maraming tao na may kanya kanyang gawain. Iba't iba at napakaraming sasakyan na nagdudulot ng traffic.

Nakatayo ako ngayon sa isang sikat na korean restaurant. Dito ko napagdesisyonang huminto. Nasa likuran ko si Clevor. Hindi ko parin siya kinakausap. Pero alam ko sa sarili kong panatag ang loob ko't may kasama ako ngayon kahit papaano. Ni hindi ko nga alam kung anong lugar ito.

"Anong lugar 'to?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na siya nilingon pa't patuloy lang sa pagmamasid sa paligid.

Tumabi siya sa akin. "We're in Manila."

My lips formed in O. So... ito ang Manila? Malaki nga. Nakakahilo kapag wala kang alam.

Inayos ko ang sunglass na suot at cap. Maraming napapatingin sa akin sa hindi malamang dahilan. From head to toe, toe to head. Hindi ko alam pero mas nagiging confident ako sa mga tingin nila. Hindi ako naiilang. Siguro sanay na ako noon pa? Noong hindi pa ako nakakalimot.

"Saan mo gustong pumunta?" he asked me. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya sa akin. Hinihintay ang magiging sagot ko.


Napaisip ako. Parang ginugutom kasi ako. Total, nasa tapat naman na kami ng isang korean restaurant, dito nalang kami kakain. Bigla nalang kasi akong nagcrave sa korean food.

"Follow me." tanging sagot ko sa kanya't naunang maglakad.

Pagpasok ko sa loob, nagulat ako kasi malaki pala ang restaurant na ito. Sa labas kasi kanina akala ko simple lang at hindi gaanong malaki. Pero pag nakapasok ka na pala sa loob ay sobrang ganda. Parang feel mo na nasa korea ka kumakain. Ang dami ring tao. Pero malaki siya kaya hindi siksikan tignan. Marami pa ang mga upuang bakante.

Naglakad ako papuntang likuran. Doon malapit sa glass wall. May desinyo ito ng mga vines sa labas. Maraming nakasulat na korean words sa dingding at sobrang namamangha ako kasi hindi mo ito makikita once na hindi mo talaga lalapitan. Sayang nga lang at hindi ko maintindihan ang words na nakasulat.

"Here Audrey." iniabot niya sa akin ang menu. At first hindi ko siya na gets kaya nagtitigan kami. Pero sa huli kinuha ko ang menu mula sa kanya.

But hell! Naaawa ako sa mukha ko ngayon. I look like a kidnapper na naghahide ng identity! I am still wearing the cap and sunglass that Mommy gaves to me.

Unang hawak ko palang sa sunglass ko para kuhanin ito ay nagsalita kaagad si Clevor. Sobrang nag-aalala sa kung ano mang balak ko. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. Ang OA na eh.

"Stop it Audrey." hinawakan niya ang kamay ko bilang pagpigil.

Tumaas ang kilay ko. "Why? OA mo." kukuhanin ko sana ulit nang pinigilan nanaman niya ako.

Umiling-iling siya. "Please.."

Kumunot ang noo ko. He is begging me. Really.


"Bakit ba?" malapit na akong mainis.

"T-That's, what Tita told you. Right?" nag-iwas siya ng tingin sa akin at ngayon ay nasa menu na ang atensyon.

Tss. Bahala ka diyan.

Kinuha ko ang sunglass ko ng walang kahirap hirap. Even my cap. Kinuha ko ang dalawang bagay na nagtatakip sa mukha ko.

IntricateWhere stories live. Discover now