Chapter 28

640 22 6
                                    

Not Available

Chriscely's Pov:

Linggo ngayon. At ito ang araw na may practice kami for the prom. Kahapon kasi sabado, hindi natuloy kasi may meeting ang mga teachers. Nagpapasalamat din naman ako kasi, nakapagbonding kami ni Jess at Pepay. Namiss ko rin si Jessica.

Maaga akong nagising. Nag-alarm kasi cellphone ko about sa practice. Pero anak ng--! Inaantok pa ako! Gusto kong matulog pero siyempre hindi pwedeng umabsent ako sa practice. Partner pa naman ako ni Steven. Nakakahiya naman sa kanya kung hindi ako sisipot ngayon.

Hinalungkat ko ang mga damit ko. At ANAK NG--! Wala na akong maisusuot bukod sa shorts! LECHE! Anong susuotin ko?! Lahat! Pati, daster ko gamit ko na lahat! Ibig sabihin... magsho-shorts ako ngayon?!

"AAAH! AYOKO NG SHORTS!" wow! Feeling ko, lumipad mga ibon na nakapatong sa bubong ng apartment ko ah!

Tinignan ko ang relo ko kung anong oras na. At thirty minutes nalang, mag uumpisa na ang practice. Ayoko namang malate at baka ma grand entrance pa ang dating ko doon.

Makalipas ang ilang minuto ay nakabihis na ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. T-Shirt na white at itim na shorts ang suot ko at sneakers na puti ang ipinares ko.

LECHE! Hindi ako sanay mag shorts! Pero bahala na! Kailangan ko ng umalis. Iniayos ko ng maigi ang buhok ko at isinukbit na sa balikat ko ang shoulder bag na itim na dala ko.

Pagkarating sa tapat ng gate ng school ay napahinga muna ako ng malalim at pumasok. At hindi ko inaasahan na sobrang big deal sa kanila ang ginawa kong pagsuot ng shorts lalo na sa mga LECHENG kalalakihan dito!

"Wow! Si Chriscely ba 'yan?!"

"Oo siya! Ang hot pre!"

"Ganda ng legs!"

"Ang puti! Sexy!"

"Ang ganda niya!"

"She's so hot!"

"I like her! Pero balita ko kay Stanley na 'yan pre!"

"Oo nga magagalit 'yun! Tumigil kayo baka bugbugin kayo ng boyfriend niyan."

Ang huling nagkomento sa akin ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko na siya boyfriend. Hindi kami okay. Kaya walang may magagalit.

Itinuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa makarating na ako sa gym. At halos lahat sila ay natigil sa pakikipag-usap nang dumating ako.

LECHE! DIBA SABI KO AYAW KO NG ATENSYON! BAKIT NAKUKUHA KO ITO NGAYON?!

Huminga ako ng malalim. Nasaan ba kasi si Pepay?! Inilibot ko ang paningin ko sa lahat and there he is. Nakatayo habang malamig na nakatitig sa akin. Si Stanley. Ang mahal ko. Bumaba ang titig niya sa legs ko at umakyat muli papuntang mga mata ko. Ilang saglit pa ay nag-iwas siya ng tingin. Hindi na muling tumingin pa sa akin.

WHAT THE--? PROBLEMA NIYA?!

Sa dinarami raming lalaki na ngayon ay narito ay sa kanya lang talaga bumibilis ang tibok ng puso ko. Pero bakit.. bakit parang hindi na siya ang Stanley na kilala ko ngayon sa uri ng tingin na ipinupukol niya sa akin ngayon? Nasasaktan ako. Parang hindi niya ako kilala. Hindi ko mabasa ang laman ng isip niya.

Naalala ko ang huling pag-uusap namin noong event. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Dumiretso nalang ako sa isang hagdanan kung saan walang may nakaupo. Wala pa nga si Pepay. Kasi kung nandito na 'yun, malamang sisigaw 'yun na parang lalabas na lalamunan niya. Pero wala siya eh. Asan na ba kasi ang baklang 'yun?!

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon