Chapter 15

891 27 7
                                    

Make Over

Chriscely's Pov:

"Kyaaahhh! Ohmegesh girl! I'm so kinikilig talaga sa inyong dalawa!" nagtutiling sigaw ni Pepay.

Nakaupo kami ngayong dalawa sa bench. Ikwenento ko sa kanya ang lahat.

"Kayo naaaaaa! Hindi ako makagetover! Ibang iba talaga si Papa Stanley bumanat! May patalon talon pa siya ng building para lang patawin mo siya't magkausap kayo! Kyaaaaaaaaaaah!"

"Pepay?" tawag ko sa pangalan niya. Humarap naman siya sakin na ngiting ngiti.

"Yes girl?"

"Di kaba napapagod kakasigaw?" tanong ko. Biglang sumama ang mukha niya sakin. "Oh bakit?" dagdag kong tanong.

"Sinira mo ang kakiligan ko para lang sa tanong mong yan?! Girl naman eeh!" banas na banas niyang sabi.

"Sorry. " tumawa ako pero din natigil dahil nakangisi siya sa akin at nakataas ang isang kilay na animoy may masamang binabalak.

"Ano yang mga tingin mo pepay?!"

"Sumama ka sakin Girl!" tapos hinila niya na ako.

GOSH! KAHILA HILA BA KONG TAO?!

"Saan tayo pupunta? Sagutin mo muna ko!" tanong ko pero di niya ko pinakinggan hanggang sa nakarating na kami sa labas ng gate ng school. "Pepay! San nga kasi?"

"Basta girl! Wag kang mag-alala, makakauwi kapa rin naman sa apartment mo!" tapos pumwesto na siya upang.. "TAXI!" sigaw niya sa paparating na taxi.

Pagkahinto nito ay agad naman niya akong hinila.

"Saan po tayo sir?"

Gusto kong matawa sa tanong ng driver. Pero mas natawa ako sa sinagot ni Pepay.

"Sa lugar ng mga naggagandahang babae tulad ko manong!"

"Eh?" napuno naman ng pagtataka si Manong.

"Diretso lang po! Walang liko liko."

"Lugar po ba yan ma'am?" diniinan talaga ni Manong driver ang ma'am niya.

"Daan po yan manong! Slow niyo po!"

"Pepay!" saway ko sa kanya.

"Hayaan mo na!" tapos kumindat pa siya sakin. Hays...

Maya maya lang ay nakababa na kami ng taxi at..

"Anong ginagawa natin dito sa parlor mo?!" gulat na gulat na tanong ko.

Dinala niya ko sa parlor niya. PEPAY'S PARLOR. Merong parlor si Pepay na pinatayo talaga ng mga magulang niya sa kanya. Mayaman kasi sila at marami silang business na minamanage. Ang swerte nga ni Pepay sa mga magulang niya kasi tanggap at mahal na mahal siya.

Di tulad ko...

Ipinilig ko nalang ang ulo ko para mawala nanaman ang mga kapangitang bagay na nangyayari at nakaukit na sa buhay ko.

"Kakain tayo dito girl! Kakainin natin mga buhok ng mga costumers ko!" pamimilosopo niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Di ako nagbibiro pepay. Anong ginagawa natin dito?"

"Magmemake over girl!"

"Ano?! Alam mo namang wala akong pera!"

"Pera ko!"

"Nahihiya ako!"

"Kaibigan mo ko!" tapos hinila na niya ako.

Leche! Sarap nilang paguntugin ni Stanley! Ang hilig manghila!

Pagdating namin namin sa loob ay may tatlong costumer na babaeng ginugupitan. Hindi naman kalakihan ang parlor ni Pepay pero ang ganda ng decors sa loob. Lalo na't magpapasko na at December 25 naman ang birthday ko. November 25 kahapon kung saan naging kami ni Stanley. Ibig sabihin, 25 ang monthsary namin.

"Mamey!" sabay sabay na bati sa kanya ng baklang parlorista. Nagkamustahan silang lahat hanggang sa natamaan nila ako.

"Ohmegesh! Yaya mo?" nanlalaking sigaw ng baklang puti ang buhok na kulot na nakatingin sa akin.

Leche! Kaylan pako naging yaya ni Pepay?! Porket nakadaster ako?!

"Loka! Beshy ko yan no! Hindi ko yan Yaya! She's Chriscely Dizon!" sabi naman ni Pepay. Napatakip naman sa bibig niya ang baklang puti ang buhok.

"Ohmegesh! Yung kasama long girl sa picture?! Yung crush ko noong hindi pako girlalu?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng bakla. Nagtawanan naman ang ibang mga bakla sa sinabi nito. Unti-unting kumunot at napataas talaga ako ng kilay. Tinignan ko naman si Pepay at binigyan ko siya ng 'Anong-kalokohan-to? -look' Nagets naman niya kaya lumapit siya sakin at inakbayan ako.

"Girl! Tama ang sinabi ni Michy! Crush ka talaga niya nong mga panahong si Mike pa siya!"

Natawa naman ako.

"Talaga ha.." sabi ko nalang.

Lumapit sa akin si Michy at humingi ng sorry sakin.

"Sorry girl sa sinabi ko! Hindi ko siya mean talaga! Super ganda mo parin! Parang magiging lalaki ulit ako!"

"Hoy Michy! Tigilan mo yan mawawalan ka ng trabaho at malalagot kayo sa parlor boyfriend niyang si Papa Stanley!"

"ANOOOO?!"

Halos mabingi ako sa mga baklang nagkasabay talaga sa pagsigaw. Bakit?!

"Bakeeeeet?! Papa ko yun eh! Di jwk! Sige na nga, tama na ang chika! Ako ang magmemake over sayo girl!"

Akalain mo nga namang ang baklang nagmemake over sa akin ngayon ay may gusto sa akin noon. Nakakatawa lang.

Maya maya pa ay nagsimula na silang ayusan ako. Yung kilay ko, yung buhok, yung kuko ko sa kamay at sa paa. Hanggang sa minakeup-an na nila ako.

"Girl. Wag kang pipikit."

Maluha luha naman akong tumango kasi nasa pinto na sila ng paglalagay ng mascara.

"Girl. Wag kang kukurap." sabi ulit ni Michy nang sinimulan na niyang eh curlash ang pilik mata ko.

"Girl. Pikit kana." tapos nilagyan niya ko ng eye shadow at marami pang iba.

"Ayan! Tapos na! Ganda mo girl!"

"OH ME GESH GIRL! ANG GANDA GANDA MO! KATULAD NA KITANG DYOSA!" sigaw naman ni Pepay.

"WEEEEEH???" Sabay sabay na sabi ng mga bakla sa kanya.

Natawa naman ako. Tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.

Ang ganda ganda ko nga! Bumagay sa akin ang brown kong buhok. Ang eye shadow kong light brown. Ang lipstick na pink. Tapos ang blush on kong hindi makapal.

ANG GANDA KO!

"Pero girl, di pa nagtatapos dyan no! Suotin mo muna to! Tapos sumama ka ulit sakin!" sabi niya't binigyan ako ng isang bestidang pink na floral at tinulak ako papasok ng banyo.

WHAT THE HELL?!
KAIBIGAN KO BA YUN? MAKATULAK WAGAS EH! HAYS! MGA BAKLA NGA NAMAN, ANG HA-HYPER!

-----

-NnahJanexz

IntricateWhere stories live. Discover now