Chapter 3

1.8K 50 6
                                    

Pepay The Matibay

Pepay's POV:

Maaga akong nagising. 6:30 palang ng umaga, gising na ako.

Humanda ka talaga saking Bianca impakta ka! Magbabayad ka sa ginawa mo kay Chris!

Nandito ako ngayon naghihintay sa gate ng university namin. Bawat estudyanteng papapasok ay napapatingin sa akin.

Aba't sa ganda ko ba namang to! Kaloka sila! Mga inggiterang froglets na mukhang piglets! Hmp!

Pero siyempre dumating rin ang ikinahihintay ng beauty ko. Ang Impaktang Bianca! Poise na poise pang bumaba ang g*ga niya sa kotse. Akala mo rumarampa! Humanda ka talaga sakin pagkalapit mo sa kinatatayuan ko. Puputulin ko talaga heels ng sandals mo! Nagsimula na siyang maglakad.

Woah! Kala mo pati balikat naglalakad din? Sumasabay sa indayog eh. Pero mamaya tignan lang natin yang poise mo!

Nang makalampas na siya sa akin ay hinatak ko buhok niya.

"Oouucchh! Hey! Ang buhok ko!"

Hah! Kala niya!

"Ay hindi! Yung buhok ko to!" nakakapikon lang!

"Ano ba! Bitawan mo ko! Bakletang bakla!" pilit niyang kinakalas ang pagkakahawak ko sa buhok niya pero mas lalo ko itong hinigpitan.

"Aba! Kung bibitawan ko rin lang naman to, edi lulubus-lubusin ko muna! Tara sumama ka sakin!" sabi ko at sinimulang maglakad habang hila hila ko naman ang buhok niya.

Hmp! Kaimbyerna talaga this girl! Para akong humihila ng kabayo nito ha!

"Araayyy! Yung heels ko! Ouch! Pag ako natapilok dito, magbabayad ka!" sigaw niya sakin.

Infairness ang sakit ng mga kuko niya sa braso huh? But itchokey.. Worth it naman to! Para naman makaganti si Girl Chris.

"Edi magbabayad! Utang ko nga binabayaran ko eh!" asik ko naman sa kanya.

Hindi siya nakasagot. Paniguradong masakit na ang buhok ng impakta. Nang makalapit na kami sa cafeteria ay walang pasabi sabi ko siyang binitawan ng patulak. Ayun.. Ngumodngod sa sahig.

"Oh ano?! Okay ba? Wait lang.. Picturan kita!" sabi ko at mabilis siyang pinicturan.

"Ayan! Ang ganda! Pangmodel huh?!" sarcastic kong sabi.

Marami na ang nanonood sa malateleserye naming eksena. Pero sa ngayon, ako muna ang kontrabida. Ang impakta ang bida.

"What the hell is your problem?!" sigaw niya sa akin habang hirap na tumayo. Hindi ko na napigilan ang mainis. Sinabunotan ko ulit siya.

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! SA GINAWA MO KAY CHRISCELY MY BESHY! KAYA NGAYON PAGBABAYARIN KITA!" pinagsasabunotan ko siya. Pilit naman siyang lumalaban pero siyempre. Anong hihilahin niyang buhok sa ulo ko eh, hindi naman mahaba buhok ko. Kaya sorry siya!

"DESERVE NIYA LANG YUN NG KAIBIGAN MO! MALANDI SIYA! NILALANDI NIYA SI STAN! BOYFRIEND KO!"

Tumawa ako. Yung sobrang lakas. Yung malakontrabida talaga ang dating.

"BOYFRIEND?! NAPAKADAKILANG ASSUMING MO NAMAN! NI LIGAWAN NGA HINDI GINAGAWA NI STAN SAYO TAPOS GIRLFRIEND?! ANO YUN?! INSTANT?! MAGIC?! ABA! HINDI MOKO MALOLOKO!"

"BITAWAN MO SABI AKO!"

"HINDI! HINDI KITA BIBITAWAN! KULANG PA TO SA GINAWA MO SA KANYA!" hinila ko ang buhok niya at kinaladkad siya papuntang counter.

IntricateWhere stories live. Discover now