Chapter 29

637 22 0
                                    

Love

Chriscely's Pov

"Omegesh girl! Diba siya 'yung nakabangga natin sa mall?!" nagtitili at kinikilig na sigaw ni Pepay.





"Correction. AKO lang ang nakabangga." pagtatama ko sa kanya. Eh anak ng---! Ako naman talaga ang nabangga at naperwesyo ng lalaking 'yan!




Tumaas ang kilay niya at parang nilagyan niya ng ibig sabihin ang sinabi ko.





"Uy! Type mo siya girl 'no?!" nandidilat na mata ang mukha ngayon ni Pepay at halos matawa ako. Anak ng--! Parang palaka!





"Leche ka Pepay! Hindi ko siya type!" eh totoo naman! Hindi ko type ang lecheng lalaking 'yun!





Tinignan ko ang lalaking sa pagkakaalam ko ay Gavin ang pangalan ayon sa impakta. Nag-uusap sila ni Stanley. Si Stanley naman ay seryoso habang si Gavin naman ay halatang inaasar niya ito.





"Class! Listen!" biglang sulpot ni Mr. Trininad. "May I introduce to you Mr. Gavin Cortez!" pumalakpak si Sir at ganoon narin ang lahat ng mga kaklase ko. Kaya no choice napapalakpak din ako.






Pero anong palabas to at ipinapakilala to ni Sir sa amin? Wag niyang sabihing transferee ang isang 'to eh magsasara na ang klase! Prom na eh!







"Magtatransfer ba siya dito sa school natin ngayon Sir?" malanding tanong ng isang kaklase naming babae sabay kindat kay Gavin.







Anak ng---! Ang malalandi kumakalat na talaga kung saan saan!






Tumaas ang isang kilay ni Sir Trinidad. "Aba't! Sa tingin mo ba, makakapagtransfer pa siya eh magtatapos na ang klase. Are you out of your mind?!" maarteng sigaw ni Sir Trinidad. Nagsitawanan naman ang iba. Habang ako ay umirap na lamang.




"Nagtatanong lang naman Sir."





"Pwes! Bawal magtanong hanggat hindi pa ako tapos magsalita!" galit na si Sir Trinidad.





At ilang sandali pa ay biglang pumagitna si Gavin. Nasa itaas sila ng stage at kami naman ay nasa baba pinapanood sila.





"Hi! Ladies!"





Wow ha! Ladies lang talaga binati niya! Anak ng---! Paano naman ang mga gentleman! Ang kapal nito!




"Hi Baby!"





"Hi Gavin!"





"Hi Love!"






"Ang pogi!"





What the hell?! Ba't ang lalandi!





"Kyaaaahh! Daddy Gavin! You're so pogi!" at pati si Pepay! What the hell?!




"Pepay!" saway ko sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa kakasigaw.




"So first.. gusto kong magpakilala kasi, isa ako sa mga may malaking shares dito sa school. And dahil iyon sa mga magulang ko." mayabang na sabi niya sa aming lahat.



WHAT THE PAK?! Eh magulang naman pala niya ang may malaking shares sa school eh! Bakit parang sarili niya tinutukoy niya?! Baliw din ang isang 'to eh!






"At ayon nga kay Sir Trinidad, hindi ako makakapagtransfer pa ngayon. Kaya sa next pasukan pa. Pero sa kabila noon ay mas lalo pa akong naexcite dahil sa nakilala ko ang babaeng bumihag sa mga mata ko." bigla siyang tumingin sa kinaroroonan ko, at halos lahat ay sinundan ang tingin niya kaya ang ending, ako ang natuonan ng lahat ng atensyon.




IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon