Chapter 40

644 29 0
                                    

Kilig

Habang naglalakad kami papuntang guidance office ay napapangiti ako ng malapad.

Ang gwapo kasi nung Steven!

Kyaaaah! Gusto kong tumili ng sobrang lakas. Pero naku! Baka mapagkamalan akong sira-ulo dito. Bagong salta pa naman ako. Kailangan kong magpa impress.

Pero seryoso.. naiilang talaga ako sa mga tao dito. Naiilang ako sa uri ng mga titig na ibinibigay nila sa akin. At hindi lang 'yan. Marami pa akong naririnig na mga sabi-sabi sa paligid. Halos lahat ng estudyante sa eskwelahang ito ay pinagtitinginan at pinag-uusapan ako.

Ano bang meron?

Dahil ba sa buhok kong kulay berde?

"She's back! Legit!"

"Grabe ang pinagbago niya!"

"Even her hair! It's green now!"

"She is so very pretty super! Bumagay talaga sa kaniya."

"Liligawan ko yan pare!"

"Sus! Kung makakalapit ka. Maraming tigre ang nakabantay diyan."

"Sino naman?"

"Si Stanley! Hayop 'yun!"

At nagtawanan ang grupo ng kalalakihan na huli kong pinakinggan. Kumunot ang noo ko.

Kanina ko pa naririnig 'tong pangalan na ito eh.

Stanley... Sino 'tong taong 'to?

Habang naglalakad ay napapaisip ako. Anong meron sa eskwelahang ito? Tsaka, ako ba ang tinutukoy nila?

Ito na siguro ang mga hinahanap kong kasagutan sa mga katanungan ko! Pero.. bakit hanggang ngayon wala paring sinasabi manlang si Clevor? Hindi ba niya alam ang lahat ng nangyayari sa buhay ko noon? Bakit napakatahimik niya? Meron ba siyang tinatago sa akin?

Masubukan ko nga...

"Clevor." tawag ko sa kaniya. Napahinto siya sa paglalakad. Nilingon ko siya. Kanina pa pala kami naglalakad at nasa likuran ko lang siya.

Ba't ba kasi ang laki ng eskwelahang ito! Pero infairness, maganda ang mga building. Bagong-bago at halatang alagang-alaga.

"Bakit? Malayo pa ang guidance office." umiwas siya ng tingin at maglalakad sana ulit nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan.

Naningkit ang mga mata ko. Alam niya ang guidance office. Ibig sabihin... may alam siya sa dating buhay ko?

"Paano mo nalaman?" kung alam niya, ibig sabihin, may alam talaga siya sa eskwelahang ito.

Tumawa siya. "Ang alin? Guidance office? Google audrey. Google." diniinan niya talaga ang google kaya napairap ako.

Loko!

"Ewan ko sayo!" nauna akong maglakad sa kaniya. Nababahala parin ako sa mga bagay-bagay.

Wala ng mga studyante sa paligid sa lugar na maraming puno. Field siguro 'to. Ang lawak eh. Tsaka, may net ng soccer. Soccer field 'to panigurado. Sobrang laki talaga ng school. Pero.. kahit ni konting memorya manlang ay wala akong maalala. Grabe talaga 'yung pagkaaksidente ko.

Wild pala ako dati?

"Audrey." tawag niya sa akin pero nagpatuloy ako sa paglalakad. "Audrey!"

"What?!" inis kong baling sa kaniya.

"Guidance office." ngumisi siya sa akin kaya napairap ako. "Hobby mo na ba ang irapan ako?"

IntricateWhere stories live. Discover now