Chapter 13

898 32 1
                                    

Javier Brothers

Steven's Pov:

Matapos kong ihatid sa bahay niya si Chriscely ay ngiting ngiti ako. Unang beses kasi itong naihatid ko siya sa kanila.

Si Chriscely, una palang crush ko na siya. Maganda siya sobra. Lalo na pag nagtataray. Sa malayo, palagi ko siyang pinagmamasdan. Nagtataka nga ako kung bakit daster ang suot niya. Mukha kasi siyang mayaman. Pero kahit ganon, di parin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya. Kahit nagtataray siya, alam kong mabait siya.

Pauwi na ako ngayon sa bahay. Nagbusina ako upang pagbuksan ni Manang Perly na kasambahay namin. Agad niya naman itong binuksan kaya dumiretso nako sa garahe. Agad ko namang nakita ang kotse ng kapatid ko.

Nakauwi na pala siya?

Naikuyom ko ang kamao ko. Dahil sa kanya umiyak si Chriscely. Lumabas ako ng kotse at pumasok ng bahay. Pero hindi pa nga ako nakakapasok, may umindayog na kaagad ng suntok sa mukha ko. Napahiga ako sa sahig dahil sa lakas nito. Napapunas rin ako sa labi kong may dugo. Tumayo ako.

"Alam mong mahal ko siya!" sigaw ni Stanley sa akin. Galit na galit ang mukhang niyang nakatingin sa akin.

Napangisi ako. "Talaga?"

"Tarantado! Alam mo yan!"

Sumiklab ang galit ko sa sinabi niya.

"IKAW ANG TARANTADO SATING DALAWA! BAKIT MO SIYA PINAIYAK KANINA?!" malakas na sigaw ko.

Wala nakong pakialam kung marinig kami ni Ate Cleren. Literal siyang natigilan. Hindi siya nakapagsalita. Unti unting kumunot ang noo niya sakin. Ngumisi ulit ako.

"Wala kang alam. Dahil ang alam mo lang ay ang paiyakin siya!" "P-Pero hindi siya umiiyak kanina.. Hindi ako naniniwala sayo! Hindi siya basta bastang iiyak!"

"SIRA ULO!" sinuntok ko rin siya ng malakas. Napatumba rin siya sa sahig. Kinuwelyohan ko kaagad siya. "BUSY KA KAY BIANCA KAYA MO NASASABI YAN!"

"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA DAHIL LANG YUN SA PRACTICE AT NAPAGUTOSAN AKO!"

"KASAMA BA SA PRACTICE ANG MAGYAKAPAN HA?!" sigaw ko kaya natigilan nanaman siya. "HINDI DIBA?! YUN! YUN ANG NAKITA NIYA STANLEY KAYA SIYA UMIYAK!"

Napayuko siya at mukhang malalim na ang iniisip niya.

"B-Bakit siya iiyak?" bulong niya na tila takang taka.

"TANGA KA! HINDI MO ALAM?!" galit na galit ko siyang tinignan.

"Hindi.." mahina niyang sabi. Nakahiga parin siya sa sahig at nakatayo ako sa harap niya.

"NAGSESELOS SIYA SAYO!" sigaw ko.

"Ano?" gulat na gulat niyang sinabi. Hindi ko pinansin ang tanong niya. Imbes ay dinuro ko siya.

"Itong tatandaan mo bro. Pag pinaiyak mo ulit siya, aagawin ko siya sayo." tapos tumalikod na ko. Pero nagsalita siya ulit.

"Yan ang hinding hindi mo magagawa."

"Tignan natin." sagot ko at dumiretso nang kwarto ko.

*•*•*•*

Chriscely's Pov:

Ilang araw nang iniiwasan ko si Stanley. Yung tipong papalapit palang siya, papalayo na ko. Ewan ko ba, parang ayaw ko muna siyang makita. Gusto ko munang mapag-isa. Isa pa, may dalawang araw pa na natitira sa punishment ko kaya dapat ko muna siyang iwasan para magawa ko ng maayos ang paglilinis ng cafeteria. Nandito ako ngayon sa library. Tinatapos ko hung assignment ko sa English na pinapagawa samin para maipasa namin mamaya.

IntricateWhere stories live. Discover now