Chapter 14

876 25 5
                                    


So Lucky

Chriscely's Pov:

Leche sila! Nakakainis! Grrr.. Ni hindi pa nga nadigest ang kinain ko tapos ginawa nila kong tali?! Wow lang ha! Mga leche!
Busangot na busangot ang mukha ko habang binabagtas ang daan papuntang English class ko. Marami ang nagtataka kung bakit ako nagkakaganito at merong nagbubulong-bulongan pa.

Iba talaga pag maganda! Ginagawa kang pulutan sa daan!

Hindi ko sila pinansin at dumiretso ng pasok sa classroom. Nauna lang nga at nakaupo lang talaga ako ng ilang minuto, dumating kaagad si Sir Rivera. Wala namang bago. Mahilig parin siyang magpagawa ng assignments at naiinis ako.
Maya maya lang din ay natapos na ang klase. Pero bago ako lumabas may marahas na humila sa braso ko.

"Malandi ka talaga! Ang saya siguro nito no?!" tumawa ng malakas ang impaktang Bianca sa harap ko pero halatang halata na galit siya sakin.
Tinignan ko siya.

"Ah yan. Oo, ang saya. Sayang nga wala ka." pang-aasar ko sa kanya.

"Well, I don't care. Para lang kasi yun sa malalandi."

"Really? Wala kang pake? Ba't hinila hila mo pa ang braso ko kung wala ka ngang pake?" ngumisi ako.

"Kasi naiirita ako sayo! Napakalandi mo!"

"Yan na pala ang walang pake ngayon." tumango tango ako na parang may nadiskobreng bago.

"Sino ba satin ang malandi? Diba ikaw? Buntot ng buntot kay Stanley di naman pinapansin." tinignan ko siya na sobrang awang awa ako sa kanya.

"That's not true! How dare you!" akma siya sanang susugod sa akin nang may biglang humila sa buhok niya pabalik.

"Ops! Anong kilos yan. Balik."

Halos matawa ako sa sinabi ni Pepay at sa paghila niya kay Bianca papalayo sakin. Dahil nga sa lalaki parin ang powers ni Pepay, malakas siya.

"Bitawan mo ko!" sigaw ni Bianca.

"Edi bitaw!" pagkasabi non ni Pepay ay walang ano ano'y binitawan niya nga si Bianca. Muntik naman itong matumba dahil sa nawalan ng balanse sa heels niya.

"Tara na girl. Ewan na natin yang ahmm.. Sticky Fish."

Muntik na kong mapatawa kung hindi lang niya ako hinila agad.

"Thank you Peps. Saviour talaga kita." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Asus! Mamaya na yang thank you mo girl kasi may ipapakita ako sayo!" ngayon natataranta na ang mukha ni Pepay at putlang putla.

"Natatae ka ba?" tanong ko sakanya pero sinamaan niya ko ng tingin.

"Hindi girl! Si Papa Stanley magpapakamatay!"

"Ay bahala siya---ANO?! SI STANLEY?!" halos lumabas na mata ko dahil sa laki nito. Katulad na katulad ng reaksyon ng mga Javier kanina.

"Oo girl! Kaya tara na! Ayokong mawalan ka ulit ng minamahal!" tapos tumakbo na kami papuntang harap ng rooftop na pinuntahan ko noong araw.
Nanlaki ang mga mata ko.

Ang daming tao at--- SI STANLEY MUKHANG TATALON MULA SA TAAS. Umakyat bigla ang init sa ulo ko.

"MAHAL! PATAWARIN MO NA KO PLEASE!!!" Sigaw niya mula sa taas. Ang sama naman ng mga tingin sakin ng mga tao. Lalo na ng mga babae.

"BUMABA KA DYAN! LECHE KA! AKALA MO PAG TUMALON KA DYAN, PAPATAWARIN PATATAWARIN KITA?! NEVER!" sigaw ko pabalik.

"Ambisyosang basura!"

"Patawarin mo na siya!"

"Pag namatay si Papa Stanley papatayin rin kita!"

"Wag kang feeling girl!"

"Umakyat ka sa taas at pat---"

"WALA KAYONG ALAM!" sigaw ko kaya napatahimik silang lahat.

"MAHAL PATAWARIN MO NA KO! GUSTO MO BA KONG MAMATAY NG MAAGA? AKO KASI MAHAL, AYOKO PA GUSTO KO PA KASING MAKITA ANG PANGANAY KO!"
LECHENG LALAKING TO!
Marami ang nagtilian dahil sa sinabi ni Stanley.

"Kyaaaaaah! Ohmegesh girl! Narinig mo yun?! Panganay daw sabi ni Papa Stanley!"

Sinamaan ko naman ng tingin si Pepay kahit parang namumula na kong kamatis.

"HINTAYIN MO KONG LECHE KA AT AKO MISMONG TUTULAK SAYO DYAN!" pikon na pikon kong sabi sa kanya at dali daling umakyat ng hagdanan.
Bawat hakbang ko ay parang nanginginig ang tuhod ko. Tuwing naaalala ko ang sinabi niya sa lahat. Naiiyak din ako kasi siyempre baka malaglag siya doon.

Leche talaga siya! Ubod ng kasweetan! Kainis siya!
Pagdating ko sa pinto ay malakas ko itong hinila at malalaki ang hakbang na nilapitan siya at hinila ko ang damit niya.

"Nakakainis ka! Paano kung nalaglag ka ha?! Anong ideyang pumasok dyan sa isip mo?!" pinaghahampas ko ang dibdib niya. Hinawakan niya naman ang dalawang kamay ko.

"Ginawa ko lang naman yun Mahal para patawarin mo na ko. Di ko kasi kayang hindi tayo nagpapansinan." tapos niyakap niya ko ng sobrang higpit.
Tila kumalabog at bumilis naman ang tibok ng dibdib ko sa ginawa niya. Ang bango niya!

"Papatawarin naman kita eh.." sabi ko. Bigla naman siyang humiwalay ng pagkakayakap sa akin at sumilay ang mga ngiti sa labi niya.

"Talaga mahal?!" tuwang tuwa siya nang tumango ako. "Thank you Mahal!" tapos muli niya kong niyakap.

"Leche ka kasi! May patalon talon kapa ng building!" inis kong sabi sa kanya.

Iniharap niya ko sa kanya at tinignan ako ng diretso sa mata.
"Sorry mahal.. Sorry dahil napag-alala kita. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kasi pinaiyak kita."

"Stanley.." I uttered his name. Para kasi akong matutunaw sa mga tingin niya.

"I love you Chris.." he said at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin at hinawakan ang mukha ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unting natutunaw ang tuhod ko at nagiging isang malastatwa na ako.
Hanggang sa pumikit nalang ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin. Naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi sa labi ko. Para akong nasa ulap. It was a sweet kiss to me dahil first kiss ko to.
Unti-unti siyang lumayo sa akin. Nakahawak parin ang dalawang kamay niya sa mukha ko.

"I love you Chris.."
Dumilat ako nang banggitin niya ang mga katagang yun. Ang sarap ulit ulitin sa pandinig. Nagtama ang mga mata namin.
I love him..

"I love you too Stan.."
Nanlaki ang mga mata niya't sinapo ng dalawang kamay niya ang mukha ko.

"What did you say?" tanong niya sakin.

"Di ko na uulitin." pagbibiro ko sa kanya.

"Say it please mahal.." he sweetly said at hinaplos ang mukha ko gamit ang kamay niya.

"I love you---"

"YES! YOUR MY GIRLFRIEND NOW!" pagsisigaw niya pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Ligawan mo muna ko! Leche ka!"

"To naman! Siyempre liligawan kita mahal. Araw araw kahit maging tayo na." then he hug me and kiss me on my forehead.
Napangiti nalang ako.

I'm so lucky to have this man. I love him so much.

---

-NnahJanexz

IntricateWhere stories live. Discover now