Chapter 18

835 21 3
                                    


Selosan

Chriscely's POV:

Maaga akong bumangon para maghanda sa maagang practice daw namin para sa Prom. Wala naman akong gana dahil sa sinabi sa akin kagabi ni Jessica matapos akong ihatid ni Stanley.

Bakit ba kasi napakakumplekado ng buhay ko? Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng mga napatay kong tao?

Napatingin ako sa dalawang sobreng nakatago sa likod ng picture frame na nakapatong sa ibabaw ng maliit kong mesa. Binuksan ko naman ang drawer na may mga litrato ni Clevor.

Unang nakita ko ang nakangiti niyang litrato. Napakasaya niya dito. Kinuhanan ko siya ng litrato habang nagtatawanan kaming dalawa.

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumulo ang luha sa mga mata ko.

I'm sorry Clevor..

Napahagulhol ako. Ang sakit parin hindi dahil sa mahal ko siya kundi dahil sa nawalan din ako ng bestfriend.

Clevor Reyes. My bestfriend. Ang kasama ko sa lahat ng mga pighati ko sa buhay. Ang nagpapagaan ng damdamin ko tuwing nabibigatan na ako. Ang karamay ko sa lahat. At ang taong minahal ako at minahal ko rin ng sobra.

Hindi ko siya nagawang iligtas. Pero ako nagawa niyang iligtas. And it hurts me so much.

Stanley always reminds me of Clevor. Lahat ng kilos niya. Yun nga lang, Stanley has his own way kung paano talaga ako pasayahin. Sa mga pagpapatawa niya talaga at banat sa akin wala akong masabi. Ang dakilang richkid ng Carvs University.

Kaya hindi ko talaga kaya pag nawala siya sakin. I don't know what to do if he's going to walk out my life.

 
          
                        *•*•*•*

"Chris! Girl!" sigaw sa akin ni Pepay matapos kong makapasok sa gate.

Lahat ng mga studyanteng nakatambay ay napatingin sa akin. Pero ganun nalang ang paglaglag ng mga panga nila matapos akong makita.

Oh ano kayo ngayon?

"Is that the basura girl?"

"Wow! Chix pare!"

"Chriscely Dizon!"

"Ang ganda niya!"

"Unbelievable!"

Yan ang mga narinig ko sa kanila pero hindi ko na ito napagtuonan ng pansin dahil hinatak nako ni Pepay papuntang field kung saan walang tao. Naupo naman kami kaagad sa isa sa mga bench. Ito talagang lugar na to dito ako dinadala ng mga humahatak sakin. Maliban kay Stanley na dinadala ako sa kung saan saan.

"Kyaaaaah! Girl! Ikwento mo na sakin! Anong nangyari?!" pagtitili niyang tanong sa akin. Napasimangot naman ako dahil sa lakas ng boses niya.

Ikwenento ko sa kanya ang LAHAT.

"Ohmegesh girl! Ohmegesh! Kyaaaaaaaaah! Nilibre ka ng ate niya?! Tapos nag meet the parents pa kayo! Ohmegesh! Kyaaaah!"

Hinayaan ko lang siyang magtitili. Ni hindi ko na nga pinapansin ang mga nagdaraan na napapatingin samin.

Only 22days left ang natitira sa isang buwan na panahon na binigay sa akin ni Dad.

Paano ko magagawa sa loob ng 22 days ang pinapagawa niya?
Hindi ko talaga kakayanin..

"Girl? Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Pepay na nakatingin na pala sa akin ng nakakunot ang noo.

"Ok lang.." nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga. Nawawalan talaga ako ng gana ngayong araw.

IntricateWhere stories live. Discover now