Ito ang dahilan kung bakit gumulo ang buhay ko
Maaga akong pumunta sa school canteen namin para dito na mag breakfast nakakairita kasi sa bahay."Ms. Shara!"Buti nalang nainom ko na ang kape kong binili kanina kung hindi mabubuga ko ito sa tumawag sakin.Siya pa naman ang may ari nang eskwelahan na ito
"Pasensya kana,nagulat ba kita?"tanong niya.Hindi po ako nagulat madame ganito lang talaga ako kung tinatawag sabi ko sa isip ko habang nakangiti
"Btw can I ask you a favor?"medyo nagulat na naman ako pero tumango ako.Napaka strict kasi ni Madame Lee hindi ko siya pwedeng tanggihan noh
"I want you to be the tutor of my son"sabi niya tapos tumalikod siya at parang may hinahanap."Where is he?tinakasan na naman ako ng stupidong yun?"bulong niya sa sarili niya pero dahil kami lang din naman ang nasa canteen nato narinig ko.
"Sino po ang hinahanap niyo Madame?"tanong ko
"Si Jerick Lee my stupid son.Siya ang papaturuan ko sayo "Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Narinig ko na kasi ang pangalan niya kay Devine ang bestfriend ko.Siya daw ang dakilang badboy sa school.
"Naku madame hindi ko po kaya iyon.Sa iba nalang po siya magpaturo alam ko pong may mas better pa saking maging tutor"Tanggi ko
"Please let your self na maging tutor nang anak ko sa mga naririnig ko kasi ikaw ang pinakamatalino dito sa university na to"pakiusap niya.Nakikita ko talaga sa mata niya ang kagustuhan na ako ang maging tutor ng anak niya
"I'm sorry madame.I have to go malalate na po kasi ako sa first period ko"sagot ko at tumalikod na
"I will pay you 50,000 pesos a month"nanlaki ang mata ko sa narinig ko buti nalang naka talikod ako kaya hindi niya nakita ang expression ko.Kailangan ko nang pera para maka bili nang isang condo unit nang hindi humihingi kay Mama at papa Gino pangarap ko talaga iyon para ma prove ko sa kanila na kaya kong maging independent at makaiwas doon sa step sister kung ahas.
Should I say yes?
"Sige po tatanggapin ko po ang offer niyo kailan po ako magsisimula?ngayon na po ba?Saan po?"Nakangiti kung sabi medyo natawa pa si madame sa ginawa ko
"Are you excited?fine tomorrow pwede ka nang mag start pumunta ka sa office ko dahil may driver na maghahatid sa yo papuntang mansion"direkta niyang sabi.Tumango nlang ako at umalis.
"Good luck Shara Perez"dagdag pa niya.Kinabahan ako ah pero di bali na para naman to sakin

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...