Shara.
Masarap ang tulog ko kaya lang may naramdaman akong parang may yumayakap sakin kaya medyo napagising ako.
"Good morning Honey"boses ni mama
Pagdilat ko nang mata ko nakita ko si mama na ngumingiting nakatitig sakin.
"Good morning din mama"sabi ko at niyakap ko din siya pabalik.
"Maligo kana Honey may pasok ka pa ngayon"sabi ni mama.
"Ma 5:30 palang kaya"sabi ko habang nakatingin sa wall clock.
"Ang aga naman ng boyfriend mo?"sabi ni mama kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko.
"Nasa baba siya naghihintay sayo"dagdag pa ni mama.
Agad akong bumangon sa kama at tsaka lumabas ng kwarto.
Pababa palang ako nakita ko na siyang nakatingin sakin habang nakaupo sa sofa.
"Bakit ka nandito?"tanong ko
"Sinusundo kita"sagot naman niya.
"Akala ko aabsent ka ngayon?"tanong ko ulit sa kanya.
"Oo,pero ihahatid parin kita mamayang 9:30 pa naman ang last practice namin ehh"sagot naman niya
"5:30 palang kaya, 8:00 am pa yung pasok ko"sabi ko
"Kaya nga napaaga ako para makapag breakfast ka kasama ako"sabi niya.
"Ganon ba,sige magbibihis na ako"sabi ko sabay talikod.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila para yakapin ako.
" I love you my cat"mahina niyang sabi habang yakap-yakap parin ako.
"I love you more my dog"sabi ko sabay bitaw sa yakap niya.
Umakyat na ako at nagpuntang cr para maligo at nag-ayos ng sarili ko.Pagkatapos ay bumaba na din ako.
"Tara na?"sabi ni Jerick
"Mag brebreakfast pa ako"sabi ko.
"Sa Cafe na tayo kumain"sabi naman niya.
"Pero may niluto si mama na cupcake"sabi ko sa kanya. Paborito ko kasi ang cupcake lalo na pagluto ni mama.
"Ok,sige mag breakfast kana"sabi naman niya. Hinawakan ko ang kamay niya sabay hila ko sa kanya.
"Samahan mo ako"sabi ko at sumunod naman siya.
"Good morning po Tita"bati ni Jerick kay mama na nag peprepare ng breakfast.
"Good morning din Iho,mag breakfast na kayo"sabi naman ni mama.
Umupo na ako at ganoon din si Jerick.
"Maiwan ko na muna kayo ha,may aasikasuhin pa kasi ako sa kompanya eh"sabi ni mama habang kumukuha ng cupcake.
"Sige po ma ingat ka"paalam ko sa kanya.
"Sige Honey ikaw din"sabi naman ni mama at umalis na.
"Ano ba ang trabaho ni mama?"tanong ni Jerick.
Napatingin ako sa sinabi niyang mama.
"Mo"dagdag niya. Napatawa ako ng mahina sa ginawa niya pero it feels sweet.
"Auhhh, fashion Designer si mama"sabi ko sa kanya.
"Kami ang nag mamay-ari ng Vereyna Company"sabi ko
"Narinig ko na yan.Sikat iyan sa Korea ha"sabi naman ni Jerick.
"Yup,paano mo nalaman?"tanong ko.
"Doon kasi ako nag-aral noong Elementary. Doon ako nakatira since 7 years old palang ako"sabi niya.
Magkatulad pala sila ni Kyle baka magkakilala sila. Tiningnan ko ang kamay ni Jerick na kumukuha ng cupcake sabay lagay ng ketchup sa ibabaw nito.
Bigla ko naalala ang nangyari noong bata pa ako. Nilagyan din kasi ni Kyle ang cupcake ng ketchup doon pa nga kami unang nagkakilala.
"Ano yan?"tanong ko.
"Masarap to,promise"sabi naman niya.
"Na try ko na iyan noong bata ako, hindi ko talaga siya magustuhan"sabi ko
Napatingin ako sa relo ko 7:30 am na pala.
"Jerick tara na,30 munites nalang magsisimula na ang klase ko"sabi ko.
"Fine,tara na"sabi naman niya sabay kuha ng bag ko na nakapatong sa mesa.
Lumabas na kami atsaka sumakay ng kotse para umalis.
Mga 15 minutes din ang biyahe namin hanggang sa natanaw ko na ang University.
"Baby Boo, dito nalang ako may practice pa kasi kami ehh"sabi niya sabay abot ng bag ko sakin.
"Ok, bye"sabi ko.hinintay ko na umalis na siya pero hindi parin niya pinapaandar ang kotse.
"Bakit?"tanong ko
Nag pout siya sakin at parang kawawa ang mukha. Sign na gusto niya nang kiss kaya nag flying kiss nalang ako.
Nag-act naman siya na parang sinalo niya ang halik ko at nilagay din sa labi niya.
"Chhheee, bye na"sabi ko sabay tawa at pumasok na sa University.
Pagpasok at pagpasok ko palang nakita ko na si Daisy palapit sakin.
"Hey Bitch, how dare you to stole my boyfriend!"sigaw niya
Nag-akma akong tatawa
"Ilusyonada"bulong ko sa sarili ko at naglakad palayo sa kanya.
"Bumalik ka dito!"tawag niya pero hindi ko na siya hinarap pa.
Pumasok na ako sa room. Buti nalang wala pa si Sir Paul kundi baka ma detention ako. Umupo nalang ako
"Hoy ikaw babaeng makati!"boses iyon ni Jorgie
Napalingon ako sa kanya at nakatingin pala siya sakin
"Anong pinakain mo kay Jerick, bakit mo siya naging boyfriend? Ginayuma mo siyang mangkukulam ka noh!"sigaw niya sabay lapit sakin.
"Ako pa talaga ang tinawag mong mangkukulam?"nakangiti kong sabi para medyo confident.
"At pwede ba tigilan mo na ako!"sigaw ko rin sa kanya.
"Huwag mo akong sigawan ha,malandi ka!"sigaw niya sabay taas ng kamay niya para sampalin ako.
"How dare you!"napatigil siya sa sigaw ni Jerick.
Lumapit si Jerick samin sabay hawak sa kamay ni Jorgie at tinulak niya ito kaya napaupo si Jorgie sa sahig
"Ouch! Jerick minahal lang naman kita ah,kaya huwag mo naman ako saktan ng ganito"sabi niya
"Hindi lang ganyan kasakit ang aabutin mo kapag sinaktan mo ulit ang girlfriend ko!"sigaw ni Jerick sa kanya.
Tumayo si Jorgie atsaka niya ako inirapan. Bigla siyang tumakbo palabas ng room.
"Good morning class"boses ni Sir Paul napatigil kaming lahat maliban kay Jerick.
"Usap tayo mamaya Baby Boo"sabi ni Jerick sabay labas ng classroom. Hindi talaga siya natatakot sa teacher namin.
Medyo kinakabahan ako sa pag-uusapan namin mamaya.
Umupo na kaming lahat atsaka nagsimulang mag lesson si Sir. Makalipas ang isang oras ay natapos na din ang discussion niya tsaka nagpaalam.
Lumabas na ako ng room para magpunta sa next period. Habang palakad ako nakikita ko ang mga ibang estudyante na abalang gumagawa ng tarpoline na may G4 na nakasulat. Siguro para mamaya sa dance contest.
Wala na akong ibang maisip mamaya kundi ang manuod at suportahan nalang ang boyfriend ko at ang buong G4 pati na ang girls.
Pumasok na ako sa next period atsaka nag-lunch. 1:00 pm palang naman. 2:00 pm magsisimula na ang Dance contest kaya dali-dali akong nagtungo sa gymnasium dahil doon magaganap ang Dance Contest.

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...