Shara.
Nandito kami ng girls ngayon sa Bench naghihintay na magsimula ang Basketball.
"Ayan na girls magsisimula na!"sigaw ni Devine.
"Let's welcome our own Basketball players, Lee University!" Sabi sa megaphone.
Unang lumabas si Clide ang lakas ng hiyawan ng mga studyante dito sa gym.
"Go Mosh!"sigaw ni Caroline
Magbestfriend lang sila ni Clide pero nararamdaman kong may gusto din sila sa isa't-isa.
Pangalawa naman na pumasok si Kurt ganoon din ang hiyawan nila.
"Go Mhine!"sigaw ni Devine na parang nagseselos sa mga babaeng naghihiyawan para sa boyfriend niya.
Pangatlong lumabas si Kuya Kenth grabe din ang hiyawan ng mga girls sa gym.
"Go Bal!"sigaw ni Ate Jade. Grabi din pala siya makacheer kay Kuya.
Sumunod ang ibang players at panghuli si Jerick Kyle Lee. Parang sasabog na din ang ear drum ko ang lakas lakas kasi ng hiyawan ng mga students sa gym pati Bading nakisama.Ang hot niya kaya napatigil ako napatingin kasi siya sakin tsaka ngumiti.
"Shara,napatulala ka diyan ha"boses ni Caroline kaya nahimasmasan ako.
Hindi na pala ako nakapag cheer sa kanya dahil sa pag slow motion ng mundo ko kanina.
Nagsimula na ang basketball.Napaparami na ng points ang Lee University at si Jerick ang kadalasang nakaka 3 points.
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya kailangan kong mag-cr.
"Girls samahan niyo naman akong mag-cr hu"sabi ko pero hindi sila nakinig sakin busy kasi sila sa pag checheer sa mga mahal nila
Kaya ako nalang mag-isa ang pumunta ng Cr. Nag cr na ako atsaka lumabas nang may biglang bumato sakin ng papel. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao kaya kinuha ko ito at binuksan may picture ko at may nakasulat na.
See you in hell my Princess Shara.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pero pinili ko paring kumalma atsaka tumakbo papasok ng Gym.
Pagpasok ko tapos na pala ang game tumingin ako sa score board panalo ang University namin.
Nakita ko si Jerick na napapalibutan ng mga babae at may isang humalik sa pisngi niya, si Daisy iyon kaya napatigil ako sa ginawa niya.Nakita ko si Jerick na parang naiinis kay Daisy.
Nakita ako ni Jerick atsaka siya lumapit sakin.
"Baby Boo, saan ka pumunta?"tanong niya sakin.
"Bakit ka niya hinalikan?"pagtataray natanong ko
"Ewan ko, Baby Boo hindi ko naman alam na gagawin niya iyon ehh"seryoso niyang sabi.
"Guys total 1 week na naman tayong walang pasok. What if mag bakasyon tayo sa Batangas?"sabi ni Clide.
Kaunti na rin kasi ang tao dito at kami nalang ng G4 at girls ang nandito sa Gym
"That's nice para naman makapagbonding tayong walo diba?"sabi naman ni Kurt.
"Yes,dapat sumama lahat ha"sabi ni Ate Jade sabay tingin kay Kuya Kenth. Alam niya na din siguro na baka di ako pasasamahin ni Kuya.
"Uuwi na muna ako and by the way Conratulations"cold kung sabi atsaka naglakad palabas ng Gym.
"Anong nangyari?"narinig kong tanong ni Kuya Kenth pero patuloy lang ako sa paglalakad.
Naramdaman ko rin na sumusunod si Jerick sakin.
"Baby Boo, huwag kanang magtampo hu. Sorry na"sabi niya habang hinahabol ako.
"Fine, papalamigin ko muna iyang init ng ulo mo atsaka bukas na tayo mag-usap"sabi niya pero patuloy parin ako sa paglalakad at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Bitawan mo nga ako"sabi ko sabay kuha ng kamay ko sa kanya.
"Baby Boo, ihahatid lang naman kita sa inyo ehh"sabi naman niya sakin kaya ako mas nainis.
"Hindi mo ba nakikita? Nagtatampo ako sayo!"seryoso kong sabi sa kanya.
"Baby Boo, kahit nagtatampo ka sakin ihahatid parin kita sa inyo atsaka ayokong mag comute ka noh baka ano na namang masama ang mangyari"sabi naman niya sakin.
"Chheeee!"sabi ko atsaka binuksan ang kotse niya para pumasok.
Pumasok na din naman agad siya atsaka pinaandar ang kotse ng may biglang may nalaglag na patay na pusa sa wind shield ng kotse.
Lumabas si Jerick para tignan iyon may binuksan siyang papel na nakalagay sa bunganga ng pusa atsaka tinapon iyon. Pumasok na din naman agad siya sa kotse.
Tumahimik lang ako at hindi siya pinansin alam kong Death treat iyon. Pero para saan? May nakaaway ba ako?
Tahimik lang ako habang nagbabyahe. Wala pa talaga akong planong kausapin itong si Jerick eh.
"Baka naman may gustong kumausap sakin diyan"sabi ni Jerick alam kong ako ang pinariringgan niya.
"Baby Boo,nandito na pala tayo"sabi niya kaya napatingin ako sa labas nasa harap na pala kami ng bahay kaya dali-dali akong lumabas ng kotse niya.
"Bye Baby Boo I love you parin kahit nagtatampo ka"sabi niya atsaka niya pinaandar ang kotse niya sabay umalis.
Papasok na sana ako sa gate ng may lalaking lumapit sakin na naka maskara atsaka binigay ang isang box at bigla siyang tumakbo paalis ng village.
Binuksan ko ang box at may nakalagay na black rose at may isang papel din doon sa box kaya binasa ko.
Prepare your coffin Bitch
Natapon ko ang box dahil sa sobrang kaba ko. Tumakbo ako para pumasok sa bahay at nag lock ng pinto.
Nagulat ako ng may biglang kumatok. Hindi ko ito binuksan dahil sa sobrang takot ko. Ramdam ko na ang pawis na umaagos sa mukha ko.
"Open the door!"boses ni Kuya Kenth kaya dali-dali kong binuksan ang pinto.
"Shara bakit mo ni lock ang pinto? At ano tong box na nasa labas ng gate?"tanong ni Kuya habang hawak hawak ang box na binigay ng di ko kilalang lalaki kanina.
"Kuya isa iyang Death Treat"seryoso kong sabi at napaiyak na kaya niyakap ako ni Kuya.
"Sinong gumawa nito? Humanda ang taong gumawa sayo nito"seryoso niyang sabi.
"Kuya magpapahinga na ako"mahina kong sabi.
"Ihanda mo muna ang gamit mo para bukas dahil kahit ayaw ko kailangan mong sumama sa Batangas bukas"seryoso niyang sabi.
"Pero hindi naman ako sasama Kuya ehh"sabi ko din sa kanya
"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka dahil ayokong maiwan kang mag-isa dito sa bahay lalo ng wala si Auntie at Tito Gino dito"sabi niya kaya napayuko nalang ako.
"Bukas nalang ako mag iimpake"sabi ko.
"Ngayon na 2 days tayo doon no"sabi niya ulit.
"Fine"tipid kong sagot atsaka umakyat para mag impake.
Ayaw ko din naman talagang sumama dahil nagtatampo ako kay Jerick pero tama din naman si Kuya para sa safety ko din naman kung sasama ako sa kanila.

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...