Chapter 7:One Of A Kind

3.2K 128 0
                                        

Jerick.

"Saan ka pupunta?"napahinto ako sa tawag ni mommy sa akin

"Sa bar nila ni Kurt "binilisan ko ang paglalakad at lumabas na narinig ko pa ang pagtawa ni mom pero di ko na siya pinansin.

Pinaandar ko na ang kotse ko at pumunta na sa bar nila ni Kurt

Wala pang isang oras nakarating na ako sa bar bilis ko kasi eh.

"Bro!buti nakatakas ka sa tutor mo"pang aasar ni Kurt sakin

"Ako pa ba?Wala akong kinakatakotan bro"angas kong sabi

"Maliban kay Gail na kaklase natin noong grade 1?"pang aasar ulit niya.

Sa aming magbabarkada si Kurt lang ang may alam nang lahat ng sekreto ko.Alam niya din ang lahat ng tungkol kay Gail isa din kasi siya sa nakasaksi kung gaano ko kagusto si Gail noon.

Inubos ko ang isang baso ng alak na nakapatong sa mesa

"Oo bro,maliban kay Gail"seryoso kong sabi

"Speaking of her,wala kana bang balita sa kanya bro?"tanong niya

"Wala na talaga,pero simula noong naging tutor ko si Shara nakikita ko sa kanya si Gail"

"Kamukha ba niya?"

"Oo bro pero magkaiba sila nang personality sobrang bait ni Gail  tapos si Shara naku nakakasira ng araw"paliwanag ko

"Diba doon din kayo nagsimula ni Gail?sa pag-aaway"

-Flashback

Kumakain kami sa canteen noon si Kurt lang ang kasama ko.Nakita namin ang isang babaeng kumakain ng muffin kasama ang kapatid ni Clide bata palang ako pero talagang badboy na ako.

Lumapit ako sa kanya at nilagyan ng ketchup ang muffin na kinakain niya.

"What are you doing?"galit niyang sabi at tumingin siya sakin

Hindi ko maintindihan pero ang bilis ng tibok ng puso ko

"Ma-masarap yan pag may ketchup"iyon nalang ang nasabi ko at tumalikod na

"Hindi naman ah"sigaw niya at binato niya ako nang libro

Nainis ako don ha kaya bumalik ako at kinuha ang muffin na may ketchup tinapon ko iyon sa basurahan.

"Edi itapon mo" ngumiti ako para lalo siyang maasar

"Pangiti ngiti ka diyan akala mo gwapo ka? Ang pangit mo!"pagtataray niya

"Alam mo ba ikaw lang ang nagsabing pangit ako"seryoso kong sabi

"Ayaw ka kasi nilang ma offend"tawa siya nang tawa at umalis na siya

"Gail hintayin mo ako"sigaw nang babaeng kasama niya

"Si Gail lang pala katapat mo eh"bulong ni Kurt sakin

-End of flashback

"Oo bro pero magkaiba talaga silang dalawa sa mukha lang sila magkapareho"pagtatanggi ko

"Sige bro papaniwalaan kita"sabi niya

Mga ilang minuto din kaming natahimik

"Bro nandito din pala kayo?"sigaw ni Kenth samin may kasama na naman siyang babae pero alam ko bukas iba na naman kasama niyan

"Yes bro,Hi miss"sabi ni Kurt.Pati siya uhaw sa babae ako lang ang iba sa kanila kasi sa akin uhaw ang mga babae

"Hello Kurt and Hello also Jerick"Para yata akong masusuka sa pagbati niya
"Pwede ba Kenth ilayo mo na ang babaeng yan baka makasapak ako nang wala sa oras dito"inis kong sabi
"Tara na babe uminom nalang tayo"sabi ni Kenth at inakbayan na ang malanding babaeng iyon.

"Kahit kailan talaga habulin ka nang babae Jerick no?pero bakit hindi mo pa binubuksan ang puso mo sa kanila?"pagtataka niyang tanong

"Gusto ba nilang mahalin ko sila?pwes maging si Gail Perez sila"seryoso kong sagot sa tanong niya
"Pero hindi nila kayang mapantayan si Gail.She's one of a kind"dagdag ko pa

"Lakas talaga nang tama mo sa kababata mo bro"nakangiti niyang sabi

"Yun nga eh,ikaw bro kamusta kayo ni Devine balita ko seryoso kana sa kanya"napangiti siya sa sinabi ko tama nga ang balita seryoso talaga siya

"Oo bro seryoso na ako sa kanya nahanap ko na ang katapat ko eh nahanap ko na din ang sarili ko sa kanya"

"Talaga lang ha,akala ko kasi wala sa vocabulary mo ang mag seryoso"pagbibiro ko sa kanya

"Si Devine ang nagturo sakin nang salitang iyan Bro that's why I am very thankful to her"nakangiti niyang sabi

"Ikaw bro kailan mo kaya siya mahahanap?"dagdag pa niya

"Simula noong minahal ko si Gail wala nang iba pang babae ang nagtangkang pumasok sa puso ko ayaw niya talagang umalis eh"lungkot kong sabi

"Seryoso nang pinag-uusapan niyo ha"nagulat si Kurt kay Clide kaya binato niya ito ng Ice cube na nasa baso.

"Ouch!"sigaw ni Clide natamaan kasi siya sa mukha

"Isusumbong kita sa kapatid ko Kurt"dagdag pa niya

Si Clide ang kapatid nang Girlfriend ni Kurt.Si Clide ang basagulero sa aming apat na magbabarkada pero siya din ang pinaka isip bata.

"Alam mo kahit kailan isip bata ka talagang basagulero ka"sabi ni Kenth

"Tapos  kana bang makipag date sa babae kanina?teka babae ba yon?"pang-aasar ni Kurt sa kanya

Si Kenth ang playboy sa barkada.Nagsimula siyang naging ganyan nang iwan nag girlfriend niyang si Jade kaya ayan gumanti sa babae.

"Hinay hinay lang kasi Kenth"pagbibiro  ni Clide

"Bro's I have to go.Pagod na kasi ako bukas nalang ulit tayo magkita dito sa bar"pagputol ko sa asaran nila

"Kj mo naman bro,minsan na ngalang tayo magkasama"pagtatampo ni Clide
"Sige bro ingat ka"sabi naman ni Kurt

Umalis na ako alam kong aabot na naman sa asaran itong pag-uusap namin kung tumagal pa pero kahit ganon masaya pa din akong kasama sila.

Buti pa pumunta muna ako sa park


I'm The Tutor of This Bad BoyWhere stories live. Discover now