Chapter 18:Test

2.9K 116 0
                                        

Shara.

Nandito ako sa classroom tahimik lang na nakaupo hindi parin kasi dumadating si Jerick.

"Alam mo ba Bes ang tinuturing nating pinakamatalino dito sa university ay maituturing din daw na malandi"sabi ni Jorgie habang nakatingin sakin

Nagtawanan ang dalawang kausap niya habang tumitingin din sakin.

"May tinatagong baho din pala itong rank 1 natin"sabi naman ng isa kong kaklase

Napayuko ako sa sinabi nila kailangan kong umiwas sa gulo.

Nagsibalikan na sila sa kanilang mga upuan ng dumating si Jerick .

Lahat ng studyante dito ay talagang takot sa kanya maliban sakin siyempre.

Habang naghihintay sa teacher namin nag log in muna ako sa account ko.Pa scroll up and down lang ako sa profile ko at nakita ko ang picture ko noong araw ng nadulas ako.Hindi ko pa pala nagagantihan si Jerick dahil dito.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya nakaupo

"Hi Jerick"bati ni Jorgie sa kanya habang nakangiting lumalapit sa kanya

"Hi mo yang mukha mo" seryosong sabi ni Jerick

Tumawa lahat ng mga kaklase namin pero sakin lang talaga nakatingin si Jorgie kahit hindi naman ako tumawa.

"Ano bang pinakain mo kay Jerick ha?"masamang tanong niya sakin.

"Anong pinagsasabi mo?"pagtataka kong tanong

"Nagmamaang maangan kapang babae ka eh halata naman na mala-"sigaw ni Jorgie

Hindi na niya natapos ang sinabi niya dahil tinakpan na ni Jerick ang bibig niya.

"Shut your fvcking mouth or else"seryosong sabi ni Jerick

Napaatras nalang si Jorgie at bumalik sa inuupuan niya

"Good morning class"bati ni Sir Paul samin

"Good morning proffesor"sabay naming sabi maliban kay Jerick.

"We will have a surprise quiz get a paper and ballpen now"utos ni Sir Paul samin

May isinulat si Sir Paul sa blackboard para masagot namin pero kahit isa wala akong masagot sa papel ko. Siguro dahil ito sa mga pangyayari kanina kaya na mental block ako.

Napatingin ako sa papel ni Jerick ang dami na niyang sagot habang ako wala parin.Tumingin siya sakin at ngumiti na parang nang-aasar.

"Class pass your papers forward"utos ni Sir Paul.

I suddenly crampled my paper wala naman kasing sagot iyon eh.

Nakita ko si Jerick na nag susulat na pangalan pero start with letter S ito at hindi J.

Hinayaan ko nalang siya at ibinaling ang tingin ko sa bintana.

"Class kung sino ang hindi makakapasa sa test ay maglilinis sa buong gymnasium para sa basketball game next month"paliwanag ni Sir siya kasi ang coach ng basketball team

"You may now leave"dagdag pa niya

Kinuha ko na ang bag ko at tuluyang lumabas sa classroom gusto kong umiyak dahil sa mga pangyayari ngayong araw na to.

"Mamayang 3pm pumunta ka sa gym dahil magpapractice kami ng basketball"seryosong utos ni Jerick

Hindi ko kasi namalayan na nakasunod pala siya sakin

"Bakit naman ako pupunta dun?"pagtataray kong tanong sa kanya.

"Utos ni Kenth"sabi niya at nauna nang naglakad papuntang next class

Napahinto siya at naglakad palapit sakin

"Ano ang next class natin?"seryoso niyang tanong

Tumawa ako dahil sa sinabi niya

"Ayan!nauuna kang maglakad pero hindi mo naman pala alam kung nasaan ang pupuntahan mo"sabi ko habang tumatawa

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila.

"Huwag mo akong inisin"seryosong sabi parin niya

"Fine,ituturo kung saan ang next period natin pero bitawan mo muna ako"sabi ko at tsaka ako huminto

Tumingin siya sakin at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang hawak-hawak parin ang kamay ko kaya ito ang puso ko ngayon ang bilis ng tibok sana nga di niya marinig.

"Bibitawan lang kita kapag nasa next class na tayo,understood?"seryoso niyang sabi

Ang higpit ng kapit niya sa kamay ko habang patungo kami sa next class namin.

Ramdam ko din ang mga matatalim na matang nakatingin sa aming dalawa.

"Jerick ang dami nang nakatingin oh,bitawan mo nalang kasi ako"bulong ko sa kanya habang nakayuko ako

Hindi man lang niya ako sinagot. Tiningnan ko siya pero walang emosyon ang kanyang mga mukha.

Napahinga ako ng maluwag nang makarating na kami sa next class.

Umupo ako at tahimik na yumuko. Si Jerick naman ay tumabi sakin kaya napatingin samin ang mga classmate namin.

Nakita ko rin si Jorgie na inis na inis ang mukha.

Lumapit si Jorgie sakin at may binigay na papel.

"Shara ikaw lang daw ang nakapasa sa test ni Sir Paul kanina"pagtataray na sabi ni Jorgie na ikinagulat ko.

Tinignan ko ang papel at may pangalan ko iyon.Ang naalala ko kasi hindi ako nagpasa ng papel.

"Jerick,hindi ka daw nagpasa ng papel kanina kaya kailangan mong pumunta kay Sir Paul mamayang 3pm"kinikilig nadagdag ni Jorgie

"I dont care,umalis ka nga sa harapan ko"inis na sabi ni Jerick

Agad na bumalik Jorgie sa upuan niya at halata ang hiya sa mukha niya.Nakita ko din ang ibang kaklase namin na nagpipigil ng tawa.

"Jerick,pangalan ko ang isinulat mo sa papel mo noh?"seryoso kong tanong sa kanya

"Eh bakit parang ikaw pa ang galit?"tanong niya sakin

"Hindi tama ang ginawa mo at alam kong maglilinis ka ng buong gymnasium dahil akala ni Sir hindi mo sinagotan ang test"sabi ko

"Jerick kailangang malaman to ni Sir"sabi ko

Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

"Kung magsusumbong ka pati ikaw madadamay edi pareho tayong maglilinis ng gymnasium"tama nga naman ang sinabi niya

Hinila niya ako kaya napaupo ako.

"Running for honors ka kaya kapag nalaman nila na hindi ka nagpasa ng papel baka paghinalaan ka nila"bulong ni Jerick sa tenga ko

Tama nga naman ang sinabi niya atsaka hindi ko naman siya inutosan na gawin iyon.

"Bakit mo ba ginawa yun?tanong ko sa kanya

"Naaawa ako sayo eh,ayokong isipin nila na dinaig ko pa ang tutor ko"pang-asar niya

"Ako naman ang nagturo sayo niyan eh alam ko din naman yun noh kaso nakalimutan ko lang"pagtataray ko

Ngumiti nalang siya kaya ako nahawa na din. Ang galing ni Jerick magpabago ng mood kanina pareho kaming seryoso ngayon nakangiti na kami

Inaamin ko nakakalimutan ko lahat ng problema ko kapag kasama ko ang Badboy nato.

I'm The Tutor of This Bad BoyWhere stories live. Discover now