Shara.
"Goodmorning Honey"sabi ni mama
Sabado ngayon kaya wala kaming pasok pero maaga akong gumising para mag jogging.
"Goodmorning din ma, mag jojogging lang po ako ha"sabi ko.
"Sige anak take care"sabi ni mama
"Sama ako Sis!"boses ni Jenny na nasa itaas.
"Baka mapagod ka"seryoso kong sabi
"Ako? Hindi no"sabi niya habang bumababa.
"Fine"tipid kong sabi
Lumabas na kami ni Jenny at nagsimula nang mag jog dito sa village.
"Kailan ka niligawan ni Jerick?"tanong niya sakin habang nag jojog kami.
"Alam ko na ang galawan na yan Jenny"seryoso kong sabi.
"Huh? What do you mean sis?"pagtataka niyang sabi.
"Diba ganyan naman talaga ang mga galawan mo tuwing mang aahas ka?"seryoso ko paring sabi habang nagjojog.
"Pero dont worry hindi na ako magpapabitag pa sayo"nakangiti kong sabi.
"Kakagat din naman si Jerick dahil sa kamandag ko eh"nakangiti niyang sabi
Kaya napatigil ako sa sinabi niya.
"Don't you dare"galit kong sabi
"I will"sabi niya
"Jenny bakit mo ba ginagawa to?"pasigaw kong tanong sa kanya.
"Ayokong nakikita kang masaya Shara, inagaw mo sakin si papa kaya aagawin ko din kung anong meron ka!"sagot niya.
"Noong araw na nahuli ko kayo ni Gelo na naghahalikan sa mismong kwarto ko sobrang nasaktan ako nun Jenny! Siguro naman sapat na iyon para tigilan mo na ako"pagmamakaawa ko.
Pakiramdam ko kasi wala talaga akong laban sa kanya.
"No Shara No! I won't let you to be happy"sigaw niya
"Diba mahal mo si Gelo,magagawa mo ba to sa kanya?"tanong ko.
"I don't love him as I said gusto ko lang gawing miserable ang buhay mo Sis"nakangiti niyang sabi
"Noong araw na sinabi mo sakin na kayo na ni Gelo nakita ko na sobrang saya mo. Kaya nag-isip agad ako ng paraan para ibalik sa lungkot iyang mukha mo!"sabay tawa ni Jenny
"Hindi naman ako nahirapan kaya ayun nakagat ko siya and success nabiyak iyang puso mo that causes my Happiness"dagdag pa niya sabay tawa ng malakas
Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Jenny. Hindi ko hahayaang masaktan niya ulit ako.
"Enough Jenny!"sigaw ko kaya napatigil siya sa katatawa niya
"Hindi ko na hahayaan na gawin mo ulit iyon Jenny! Hindi na talaga"sigaw ko sabay takbo pauwi ng bahay.
Natatanaw ko na ang bahay at may isang kotse na nasa harap nito. Nakita kong lumabas si Jerick sa sasakyan.
"Shara"tawag niya sakin.
"Jerick,anong ginagawa mo dito?"tanong ko.
Kinuha niya ang towel na nasa balikat ko at pinunasan ang noo ko.
"Magbihis ka at may pupuntahan tayo."nakangiti niyang sabi.
"Saan?"nagtataka kong tanong
"Basta"sabi niya
"Ayokong sumama"pagtataray ko
"Hi Jerick!"boses ni Jenny galing sa likod.
"Hello" pilit na sabi ni Jerick.

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...