Jerick.
"Kyle hintayin mo dito si Shara ngayon kaniya tuturuan nang lesson niyo sa chemistry"utos ni mom
"Stop calling me Kyle mom at may pupuntahan kami ni Kurt mamaya"inis kong sabi sa kanya.
"Bakit sino bang gusto mong tumawag sayo nang Kyle?"nagtataka niyang tanong
"Si Gail"bulong ko sa sarili ko parang hindi naman narinig ni mama
"Hindi na babalik si Gail kaya kalimutan mo na siya"akala ko hindi niya narinig akala ko lang pala
"I can't"
Hanggang ngayon umaasa parin akong makikita ko siya ulit kung hindi lang sana niloko ni daddy si mommy hindi ako nakaalis papuntang Korea. Siguro ngayon magkasama pa kami ni Gail.It is all your fault Dad.
"Mabuti pa mag almusal kana at papunta na dito si Shara within 1 hour"sabi ni mommy
"But mom"sasagot na sana ako
"Sino bang importante para sayo Jerick?ako o yang barkada mo?"hindi na ako nakasagot agad akong lumabas nang bahay at naglakad lakad sa village
Habang naglalakad may narinig akong sumisigaw
"Tulong!"sigaw niya hindi ako pwedeng magkamali si Shara yun
Bigla kong pinuntahan ang lugar kung saan nanggaling ang sigaw niya.
Nakita ko ang taxi driver na nakapatong sa kanya kaya itinayo ko ang manyak na yun at sinuntok ko siya sa mukha dahilan kaya hinimatay siya.
Dali dali kong pinuntahan si Shara na nawalan na nang malay
"Shara! wake up"sigaw ko
Binuhat ko nalang siya patungo sa mansion.
"Master anong pong nangyari?"pag aalalang sabi ni yaya Gina
"Pakibukas nalang po ng gate at kumuha kayo ng gamot dalhin niyo po sa kwarto ko"utos ko sa kanya
"Sige po master"sunod naman niya
Pumasok ako sa kwarto ko at dahan dahan kung ihiniga si Shara.
"Ito na po master"inabot niya sa akin ang isang ointment
"Salamat yaya"
Pinunasan siya ni yaya nang mainit na tubig
"Maya maya baka gumising na siya"sabi ni yaya
"Sana nga po"
"Alam mo master Jerick kamukha siya ni...."hindi ko pinatapos ang sinabi niya
"Hindi siya yan yaya magkaibang magkaiba sila ang mabuti pa magluto na po kayo nang haponan para mamaya"utos ko
"Sige po master"lumabas na siya sa kwarto ko
Umupo ako sa tabi nang kama ko.Nakatingin lang ako kay Shara.Napakaamo nang mukha niya habang natutulog at oo may side na kamukha niya si Gail.Napatitig ulit ako sa mga labi niya mapula at manipis ito.Biglang bumilis ang tibok nang puso ko ngayon ko lang naramdaman to.Huli ko kasing naramdaman to noong bata pa ako at kay Gail iyon.Oo mahal ko na si Gail simula noong bata palang kami.Pero bakit naramdaman ko ulit ito?siguro kaba lang ito dahil sa nangyari kanina.
"Nasan ako?"muntik na akong mahulog mula sa inuupuan ko hindi ko namalayan gising na pala siya.Sana di niya nakita kung paano ko siya tinitigan kanina.
"Nandito ka sa mansion.alam mo naman ang nangyari kanina diba?"napahawak siya sa dibdib niya na parang iiyak
"Bago ka umiyak diyan magpa thank you ka muna sakin"sabi ko
"Huh?bakit naman ako magpapasalamat sayo?"nagtataka niyang sabi
"Hindi mo ba alam kung sinong tumulong sayo?"nag-isip siya kaya napayuko siya
"Thank you Jerick"kahit hindi siya nakatingin sakin alam kong sincere siya sa sinabi niya
"Youre welcome"naka ngisi kong sabi minsan ko lang kasi marinig ang isang tao na nagpapasalamat sakin.
Tumingin siya sa akin at tumaas ang kilay niya.Pinabayaan ko nalang siya.
Ang sarap niyang asarin.Naalala ko ang driver nang taxi na pinagsamantalan si Shara kaya kinuha ko ang telepono at tinawagan si mang Ador.
"Hello po master?"sagot ni mang Ador sa telepono
"Tawagan mo ang pulis at magtungo kayo doon sa bakanteng lote na malapit dito sa mansion may isang taxi driver kasing rapist doon na pinagsamantalahan ang walang kwentang babaeng si Shara"alam kong maiinis na naman sakin ang tutor ko na to.
"Sige po master makakaasa kayo"
"Salamat"agad kung binaba ang telepono

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...