Chapter 46: Graduation

2K 61 2
                                        

Shara.

"Ms. Valedictorian gising na po"sabi ni mama habang yumayakap sakin.

Tumingin ako sa wall clock ang aga-aga pa naman ah.

"Ma, mamaya pa ang graduation eh"sabi ko

"Aba itanong mo kay Jerick bakit ang aga niya dito?"sabi ni mama kaya napaupo ako sa kama.

"Nasa baba siya"dagdag pa ni mama.

"Anong ginagawa niya dito? Baka si Kuya ang sadya niya"sabi ko kay mama

"Hindi, ang sabi niya hinihintay ka niya"sa sinabi ni mama agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Bumaba ako at tama nga si mama nandito siya.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko habang papalapit sa kanya.

"Gusto ko lang sanang mag sorry about sa nangyari kagabi"seryoso niyang sabi

"Ok"tipid kong sagot atsaka ako tumalikod pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako

"Ikakasal na ako mamayang hapon pagkatapos ng graduation."sabi niya

Huwag mo nang e remind Jerick, sinasaktan mo lang ako

"Sana tumutol ka"dagdag pa niya kaya napaharap ako sa kanya.

"Anong sinabi mo?"natatawa kong tanong.

"Shara, alam kong nakakatawa pero seryoso ako hanggang ngayon hinihintay ko parin na lumaban ka"sagot niya

"Jerick, wala nang saysay kung lalaban pa ako, tanggapin nalang natin kung ano man ang mangyari"sabi ko sabay kuha ng kamay ko na hawak niya.

"Sige na mauna kana baka hinahanap kana nang finance mo"nakangiti kong sabi pero siyempre deep inside nasasaktan.

Anong akala mo Jerick ikaw lang ang great pretender?

"Pero-"

"Jerick, huwag mo nang palalain ang sitwasyon"sabi ko at tuluyan na akong tumakbo at umakyat sa kwarto ko.

Sinarado ko ang pinto at doon na tuluyang umiyak.

Hindi ko namalayan na nandito pa pala si mama sa loob ng kwarto ko.

"Honey, stop crying please katulad ni Jerick nasasaktan din ako kapag nakikita kitang ganyan"sabi ni mama sabay lapit sakin at niyakap ako

"Ma, bakit ganito ako? Wala akong lakas ng loob para lumaban"sabi ko habang humahagulhol sa pag-iyak.

"Shara meron,natatakot ka lang, atsaka ayaw mo lang na may masaktan na iba"paliwanag ni Mama

Tama siya mama ko nga talaga siya dahil alam niya lahat ng nararamdaman ko.

"Ma, hindi ko na alam ang gagawin ko"sabi ko pero hindi ko pa din mapigilang umiyak.

"Anak, pigilan mo ang kasal nila iyon nalang ang huling paraan"sabi ni mama sakin.

"Anak, madami kaming nakasuporta sa gagawin mo kaya huwag kang matakot"dagdag pa niya

"I don't know ma"sabi tsaka na tumayo.

"Maliligo na po ako, baka kasi ma late ako sa graduation ceremony"sabi ko tsaka na pumasok sa banyo ko.

Nagbihis ako at nag-ayos tsaka na lumabas sa kwarto ko at bumaba.

"Are you ready Honey?"nakangiting sabi ni mama

"Sa graduation? Opo"nakangiti kong sabi.

"Kuya lets go"tawag ko kay Kuya kaya lumabas na siya ng kwarto

I'm The Tutor of This Bad BoyWhere stories live. Discover now