Chapter 34:New memory

2.2K 81 0
                                        

Shara.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Jerick. May pag-uusapan daw kasi kami. Alam kong ito na ang pagkakataong masabi ko lahat tungkol sa buhay ko.

"Baby Boo,bakit ka tumigil sa pagkakanta?"tanong ni Jerick sakin.Umupo kami sa gilid ng kama.

"Sinong nagsabi?"tanong ko rin sa kanya.

"Na ikwento lang sakin ni Kenth,pero ang sabi niya ikaw daw dapat ang magpaliwanag ng lahat"paliwanag niya sakin.

"Tumigil ako sa pagkakanta dahil sa tatay ko at alam mo ba kung sino siya?"seryoso kong sabi sa kanya

"Sino?"tanong naman niya sakin.

"Si Sander Perez ang step dad mo na papa ni Kate"paliwanag ko sa kanya.

Halata ang gulat at pagtataka sa mukha niya.

"Si Kate ay half sister natin?"pagtataka niyang tanong.

"Oo,pero wala namang bawal sa pagmamahalan natin eh kaya huwag lang mag-alala"paliwanag ko ulit.

"Pero bakit siya ang rason kung bakit ka tumigil sa pagkakanta?"tanong niya sakin.

"Noong bata pa kasi ako siya na ang nagturo sakin ng pagkakanta. Siya ang naaalala ko tuwing kumakanta ako kaya nang-iwan niya kami ni Mama iniwan ko na din ang pagkakanta"paliwanag ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Baby Boo, pwede ka pa din naman bumalik sa pagkakanta diba?"dahan-dahan niyang tanong

"Paano? Dahil sa tuwing kakanta ako, ang walang kwenta kong ama ang naaalala ko?"sabi ko atsaka na tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"Edi baguhin natin"nakangiti niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

"Dapat ako na ang maaalala mo sa tuwing kakanta ka"dagdag pa niya kaya medyo na gets ko na.

Your Love
By:Alamid

"You're the one that never lets me sleep
Through my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasy" kumanta siya at tumayo pero hawak-hawak parin ang kamay ko.

"Come on Baby Boo, Just try to sing with me"sabi niya pero nagdadalawang isip pa ako kung sasabay ako sa trip nito.

"I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see" pagkanta niya ulit at doon na ako tumayo para sabayan siya

Tama siya kailangan kong baguhin ang mga alaalang nagpapalungkot sakin kailangan kong maging masaya at magagawa ko ito kung si Jerick ang naiisip ko sa tuwing kakanta ako, hindi ang papa ko.

"Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside"sumabay ako sa pagkakanta niya habang nakangiti ako. Pinunasan niya ang luha kong namuo kanina atsaka ako niyakap.

"Every time I hear our music play
Reminds me of the things that we've been through
In my mind I can't believe it's true
But in my heart the reality is you
I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see" solo kong pagkakanta habang pa sway-sway kaming dalawa na parang nagsasayaw sa prom.

Ngayon wala na akong ibang naaalala kundi si Jerick lang na siya ang nag-inspired sakin na bumalik sa pagkakanta.

"Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside"pagsabay niya sa kanta ko.

"Your love, your love, won't you give me, your love"pagkanta ko sa last part at tsaka bumitaw sa pagkayakap niya sakin.

"You did it Baby Boo"nakangiti niyang sabi sabay hawak sa magkabila kong pisngi kaya napangiti din ako.

"Thank you"mahina kong sabi. Itinaas ko ang aking tip toe atsaka ko siya hinalikan sa noo.

"I love you"sabi niya sabay hawak sa bewang ko para buhatin ako

"I love you more and more"nakangiti kong sabi.

"Baby Boo,ibaba mo muna ako nauuhaw kasi ako eh"sabi ko.

"Sige samahan na kita sa kusina"sabi naman niya.

"Huwag na kaya ko naman eh"sabi ko

"Ok,bumalik ka agad ha"sabi niya sakin kaya tumango na ako.

Lumabas na ako sa kwarto niya atsaka nagtungo sa kusina medyo kabisado ko na din naman kasi ang mansion nila.

Kumuha ako ng isang basong tubig sa ref atsaka lumabas ng kusina. Nakita ko si Yaya Gina sa isang kwarto nakabukas kasi ang pinto.

"Yaya Gina"tawag ko sa kanya at napatingin naman siya.

"Gail?"tanong niya na parang may lungkot sa mata niya.

"Bakit po may problema po ba? Teka kami ni Kyle iyan ha"sabi ko nakita ko kasi si Yaya na may hawak na photo album at mga pictures ni Kyle namin ang nandoon.

"Gail, alam mo bang masaya na si Kyle ngayon dahil sa girlfriend niya. May gusto si Kyle sayo simula bata palang kayo hanggang sa nakilala niya ang isang babae na hustong bumihag sa puso niya"kwento ni Yaya.

"May gusto po siya sakin?"nagtataka kong tanong.

"Oo iha, nawala ang saya sa mga mata niya noong nalaman niyang pupunta siya nang Korea kasama ang mommy niya alam niya kasi na hindi na kayo magkikita pa hanggang sa nakauwi siya dito ikaw parin ang laman ng puso niya umaasa parin siya na baka magkita kayo ulit. Alam mo bang nagpariwara siya Gail? napapaaway,mahilig sa bisyo kapag umuwi siya laging may pasa ang pisngi niya"paliwanag niya.

"Pero nagbago ang lahat ng may nakilala siyang babae. Iyon ang girlfriend niya ngayon wala na siyang pinapahalagahan na iban kundi ang kasintahan niya lang. Napatigil siya sa pagbibisyo,wala na ding mga pasa ang mukha niya sa tuwing uuwi siya ng mansion"dagdag pa ni yaya.

"Nandito pa po ba siya?"tanong ko ulit.

"Baby Boo ang tagal mo naman-"boses ni Kyle na nasa likod na pala namin ni Yaya Gina.

"Kyle?"sabi ni Yaya Gina na ikinagulat ko

"Yaya Gina ilang beses ko na bang sasabihin sa inyo na-"sigaw ni Jerick.

"Kyle, siya si Gail"sabi naman ulit ni Yaya

Pareho kaming nagulat ni Jerick sa sinabi ni Yaya. Si Jerick na boyfriend ko at si Kyle na kababata ko ay iisa?

"What?"pagtatakang tanong ni Jerick.

"Siya ang girlfriend ko Yaya Gina atsaka-"di na natapos ang sinabi ni Jerick este Kyle ahh basta.

"Ibig sabihin ikaw at si Gail ay iisa?"tanong ni Yaya Gina sakin.

"Yaya, naguguluhan na ako"sabi ko.

"Hayaan niyo na po muna kami ng boyfriend ko na mag-usap please"sabi ko kay yaya sabay hawak sa kamay niya kaya tumango naman siya.

Lumabas ako ng mansion at pumunta sa park na pinupuntahan namin ni Kyle noong bata pa kami. Hindi ko alam kung sumunod ba si Jerick sakin o hindi.

I'm The Tutor of This Bad BoyWhere stories live. Discover now