Jerick.
Nandito kami ngayon sa mall kasama ang dalawang babaeng importante sa buhay ko si Kate at si Shara at oo I considered Shara as an important person for me.
"Punta tayo doon sa BTS merchandise"sabi ni Kate sabay takbo papasok sa loob ng store.
Susunod na sana si Shara pero hinawakan ko ang kamay niya.
"Ayoko diyan"seryoso kong sabi.
"Bakit naman?"pagtataka niyang tanong.
Ayokong pumasok doon noh baka isipin nila gusto ko din ang BTS na yan mas pogi pa nga ako sa kanila eh.
"Sige na pasok na tayo,please"pakikiusap ni Shara.
"Fine"sabi ko
Ewan ko,iba talaga kapag si Shara na ang nakikiusap napapasunod nalang ako.
"Yehey"sabi ni Shara na parang bata
Tumakbo na siya papasok sa store at ako naman nakasunod lang sa kanya na parang daddy niya pero ok lang baby ko naman siya eh
"Ang gwapo talaga ni Kim Taehyung"kilig na kilig na sabi ni Shara habang nakatitig sa lalaking nasa poster.
"Ate Gorgeous, siya din ba ang idol mo?"tanong ni Kate sa kanya.
"Yes baby girl ang pogi niya noh?"sabi ni Shara.
"Ahheeeem"sabi ko
Nagseselos na talaga ako ha.
"Jerick bibilhin ko to"nakangiting sabi niya.
"Ako din Kuya"sabi ni Kate
Kung hindi ko lang mahal ang dalawang to magagalit na talaga ako.
Kinuha ko ang poster na hawak nilang dalawa at nagulat sila.
"Anong gagawin mo diyan?"seryosong sabi ni Shara
"I will pay for it"sabi ko.
"Talaga Kuya?"sabi ni Kate
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Kate agad akong nagtungo sa counter at binayaran ang poster na to tsaka kami lumabas ng store.
"Thank you Jerick kahit nakikita ko sa mata mo na parang gusto mo nang mainis pero sinuportahan mo pa din kami ni Kate na bumili ng poster ni Kim Taehyung"sabi ni Shara nang nakangiti
Halata palang naiinis na ako?
"Shara,kung anong gusto mo kahit na ayaw ko susuportahan kita"paliwanag ko.
"Ate Gorgeous pasok tayo sa Girls Botique"pakiusap ni Kate.
Girls Botique? No, I won't dare myself to enter in that store. Never!
"Tara"sabi naman ni Shara
Ito na naman silang dalawa. Hinawakan ko ang kamay ni Shara para huminto siya.
"Huwag na tayong pumasok dun"seryoso kong sabi
"Pero gusto ko diba sabi mo kung-"sabi niya
"Fine,dito nalang ako"seryoso kong sabi sa kanya
"Ok maghintay ka lang diyan"nakangiti niyang sabi niya sabay pasok sa botique
Napakagat ako sa labi ko. Akala ko kasi mas pipiliin niyang hindi na pumasok. Nakakainis
Mga ilang minuto na akong naghihintay dito nag-iisip kong papasok ba ako o hindi hanggang sa nakita ko si Shara na may kausap na lalaki sa loob.
Hindi na ako nagdalawang isip pumasok na agad ako.

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...