Chapter 48: Baguio

2.5K 76 3
                                        

Shara.

Nakatulog ako sa haba ng biyahe.

"Baby Boo, nandito na tayo"sabi ni Jerick kaya nagising na ako.

Nakababa na pala siya nang kotse at binuksan niya ang pinto ng front seat.

"Nasaan tayo?"tanong ko.

"Basta, tara?"tanong niya kaya bumaba nalang ako.

Ang ganda ng lugar, ang lamig ng hangin parang nakapunta na ako sa lugar na to.

"It looks familiar"seryoso kong sabi.

"Nasa Baguio ba tayo?"tanong ko sa kanya.

"Yup, naalala mo pa ba to?"tanong niya din sakin.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Makakalimutan ko ba iyon?"sabi ko.

Nakapunta na kami dito ni Jerick Kyle noong bata pa kami. Nag field trip kami kasi noon. Dito din kami mas naging close ni Kyle.

"Let's go?"tanong niya sakin kaya tumango nalang ako.

Hinawakan niya ang kamay ko tsaka niya ako hinila papasok ng room.

"Paano iyan Jerick? Wala tayong mga damit na dala?"tanong ko.

"Pupunta ang G3 at ang girls dito kaya wala nang problema"sabi niya

"Talaga? Kailan sila dadating?"tanong ko ulit tsaka ako umupo sa gilid ng kama.

"Mamayang gabi"sabi niya at tumabi siya sakin.

Mga ilang minuto kaming natahimik.

"Baby Boo?"tanong ni Jerick.

"Yup?"tipid kong sabi sabay tingin sa kaniya.

"Sa tingin ko malapit na ang and they live happily ever after nating dalawa"nakangiti niyang sabi kaya napatayo ako.

"Talaga? Paano mo naman na sabi iyan?"tanong ko

"Wala, nararamdaman ko lang"sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Sure ka?"tanong ko ulit sa kanya.

"Wala namang sure ehh, basta kahit matagal man o malapit ang happily ever after natin basta ang alam ko ikaw ang makakasama ko doon"sabi niya.

"Aba Dapat lang, nagpakahirap akong tumutol sa kasal mo tapos hindi lang pala tayo sa huli? No way"pagtataray ko.

"Teka, alam mo ba Jerick nong pinapili kita kanina between me and Daisy natatakot ako kasi bala hindi mo ako piliin"sabi ko sa kanya.

"Baby Boo, I'll choose you and I'll choose you over and over again. Without pause,without doubt,in a heartbeat. I'll keep choosing you because"sabi niya sabay hinga ng malalalim at ngumiti

"I love you Baby Boo"sabi niya kaya napangiti din ako.

"I love you more than forever Baby Boo"sabi ko sabay taas ng tip-toe ko para halikan siya sa noo.

"Mabuti pa Baby Boo, pumunta na tayo doon sa small beach"nakangiti kong sabi

"Ayoko"sabi niya.

"Huh? Bakit, gusto kong makita iyon"sabi ko sa kanya.

"Sa iba nalang basta huwag lang doon"sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi tumahimik nalang. Gustong-gusto ko talaga doon. Pangarap ko pa nga na doon mag po-propose ang lalaking mahal ko.

"Doon nalang tayo sa mini forest"sabi niya kaya tumango ako

May nais din kasi akong balikan doon. Lumabas na kami ng room at nagtungo na sa mini forest.

I'm The Tutor of This Bad BoyWhere stories live. Discover now