Chapter 15: Boyfriend

3.3K 125 1
                                        

Shara.

Nagising ako sa kurot ni Kuya Kenth sakin.

"Shara! Wake up may naghihintay sayo sa baba"sabi niya habang kinukurot ako sa braso

"Aray!"sigaw ko nahulog kasi ako sa kama hindi dahil sa kurot ni Kuya kundi dahil sa kung sinong naghihintay sakin sa labas

"Sino?"tanong ko habang nakahawak sa balakang kong masakit.

"Tignan mo kaya sa labas"sabi niya

"Kanina pa ba siya Kuya?"tanong ko kay Kuya habang tumatayo mula sa pagkahulog ko sa sahig.

"Yup"tipid niyang sagot habang tumalikod na at lumabas sa kwarto.

Bago ako lumabas nag toothbrush mo na ako at nagsuklay. Pagbaba ko tiningnan ko kung sinong dumating.

"Hi Shara! Goodmorning!"bati ni Jade sakin

Masaya naman ako na nandito si Jade pero parang may ini-expect talaga akong iba na pumunta sa bahay.

"Hello Jade, so what brings you here?"tanong ko ng nakasmile.

"May gagawin ka ba ngayon Shara?gusto ko kasing magpasama sayo sa mall bibili kasi ako ng damit ko para sa birthday party bukas"sabi niya

"Gusto ko sanang magpatulong sayo maghanap"dagdag pa niya

"Huh?bakit sakin Jade?"nagtataka kong tanong

"Every time I see you kasi nagagandahan ako sa mga suot mo kahit simple lang pero maganda tingnan"sabi niya habang naka smile

"Kaya sige na Shara samahan mo na ako ililibre kitang shake"pakiusap niya sakin

"Sige na nga pero sandali lang tayo doon ha"sabi ko naman

"Oo promise thank you Shara"sabi ni Jade at niyakap niya ako.

"Teka lang may tatawagan lang ako ha sige magbihis kana"dagdag pa niya tsaka kinuha ang phone niya sa kanyang bulsa

"Sige"sagot ko

Naka isang step palang ako sa hagdan ng marinig ko ang sinabi ni Jade.

"Pumayag na siya kita nalang tayo mamaya sa cafe"sabi niya at halatang kinikilig siya.

Siguro may ibang mahal na itong si Jade pero kahit ganon gagawa parin ako ng paraan para magkabalikan sila.

-
Nandito na kami ngayon sa mall at namimimili ng damit sa susuotin ni Jade.

"Bagay ba sakin Shara?"tanong niya habang sinusukat ang damit niya.

"Oo naman hindi mo naman pala ako kailangan dito Jade kasi lahat ng sinukat mo ay bagay sayo parang kayo ni Kuya Kenth"sabi ko

Nakita kong nawala ang ngiti sa mukha ni Jade.

"Joke lang! Pero seryoso bagay sayo ang damit na yan"sabi ko sa kanya

Hindi naman ako nabigo bigla na naman siyang ngumiti.

"Ito nalang ang bibilhin ko"sabi niya at dali daling pumunta sa Counter at nagbayad.

"Tara na sa cafe?"tanong ni Jade kaya tumango nalang ako.

Naglibot kami hanggang sa nakarating kami sa cafe.

Umupo na si Jade kaya uupo na din sana ako ng may biglang humila ng upuan ko kaya natumba ako.

"Ouch!"sigaw ko kaya napatingin ang ibang costumer sakin.

Tumingala ako para malaman kung sino ang humila sa upuan ko.

"Ikaw!"sigaw ko ulit

"Opps sorry, I didn't mean to do it"sabi niya.

I'm The Tutor of This Bad BoyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ