Chapter 11: Teasing

3.3K 120 0
                                        

Shara.

Nahulog ako sa kama ko dahil sa tunog nang phone ko.

"Hello?"I answered while yawning.

"Ay sorry beh nagising ba kita?"pag aalala niyang tanong.

"Hindi beh,nanaginip pa ako kay Jerick hanggang ngayon"pagbibiro ko sa kanya

"Jerick?sinong Jerick yung badboy ba?"gulat niyang tanong

Ngayon ko lang na realize na Jerick pala ang nasabi ko pero bakit?

"Huh?wala kaya akong sinabing Jerick,bakit ka pala napatawag"pag iba ko ng usapan baka kung saan pa umabot to eh

"May sinabi ka kaya, kaya ako napatawag dahil gusto kong magpasama sayo mamaya sa bar ng boyfriend ko na kaibigan ni Kuya Clide"sabi niya

"Bar?hindi pa ako nakakapunta diyan at tsaka ayoko no"pagtatanggi ko

"Mag tuturo pa ako sa anak ni madame Lee ng Chemistry mamaya kaya hindi din naman ako makakapunta beh"dagdag ko pa

"Edi taposin mo nang isang oras tapos susunduin kita sa bahay nila ni madame Lee para makasama ka lang beh please"pakiusap niya

"Beh naman,minsan na ngalang tayo magkasama aayaw ka pa"dagdag pa niya habang nagtatampo

Oo nga pala matagal na din kaming hindi nag bobonding nitong bestfriend kong si Devine

"Sige na nga beh pero sigurado ka bang susunduin mo ako?"

"Oo naman beh kasama ko naman si Kuya Clide magkabarkada kasi sila ni Jerick"

"Sige beh sunduin mo ako doon ng 1:00 pm"

8:00 am pa lang naman eh

"Sige beh yeheyy thank you"sabay call ended sa cellphone niya

Tatawagan ko na muna si madame Lee.

Wala pang 5 minutes nang sinagot na niya ang phone niya.

"Hello?"seryosong sagot ni madame kaya medyo kinabahan ako.

"Ahhmm ako po ito si Shara ngayon ko po tuturuan si Jerick sa Chemistry madame"dahan dahan kong sabi

"Ahh ganon ba sige gigisingin ko na muna siya"

"Ahh sige po salamat"binaba ko na ang phone at naligo na.

Bumaba na ako at nakita ko si mama na nagluluto.

"Goodmorning ma"niyakap ko siya mula sa likod

"Good morning din honey"humarap siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Aalis po muna ako ma"nagtaka si mama at biglang ngumiti ng pang asar.

"Saan pupunta ang baby ko?"

"Ma alam ko ang tingin na iyan.Pupunta po ako sa bahay nila ni Jerick kinuha po kasi ako ni madame na maging tutor niya at pupunta din po pala ako sa bar mamaya kasama si Devine"nagulat si mama sa narinig niya.

"Bar?saang bar?"tanong ni mama

"Anong bar?"tumingin kaming dalawa sa pinto nakita ko si Kuya Kenth ang cousin ko.

"Devine invited Shara to be with her"sagot ni mama.

"Huwag mo payagan yan she's only 17 years old tita"seryosong sabi ni Kuya Kenth.

"Eh ikaw kuya 17 ka pa lang din naman noon pero nagpupunta kana sa bar ha"seryoso ko ding sabi sa kanya.

"Babae ka Shara"

"Porket babae ako hindi na ako pwedeng pumunta sa mga ganun?"tanong ko kaya napakamot siya sa batok yah

"Fine,pero pagsapit ng alas 9 dapat nandito kana sa bahay"napangiti ako sa sinabi niya

Dito na tumira si Kuya Kenth simula highschool lagi daw kasi siyang nakikipag away doon sa Korea kaya dito siya pinag aral ni Tita Kris ang mommy niya.

"Sige po Kuya promise, ma alis na ako bye"paalam ko kay mama

"Sige honey ingat"

Lumabas na ako sa gate at nagulat ako sa nakita ko

"Ang tagal mo naman"inis niyang sabi

"Ano bang ginagawa mo dito ha?"pagtataray kong tanong

"Susunduin ka"sabi niya

"Sinong nagsabi?"mataray ko pa ding tanong sa kanya

"Ako"ito na naman tong puso ko nagiging abnormal.

"Bro,Bakit ka nindito?"napatingin kami ni Jerick sa kanya.

"Kenth?"gulat na sabi ni Jerick.

"Bakit parang gulat ka?dito ako nakatira bro sa bahay ng cousin kung ito"sabay akbay sa akin ni Kuya Kenth

"Ahh hindi mo nabanggit sakin bro"sabi ni Jerick

"Ikaw din bro hindi ka manlang nagpaalam na manliligaw ka pala kay Shara"sabi ni  Kuya Kenth na ikinagulat ko.

"Ako manliligaw?dito bro naman mukhang pusa yan eh"sagot ni Jerick sa kanya

"Ako mukhang pusa,gusto mo bang kalmutin ko yang asong mukha mo?"ganti ko sa kanya

"Sino sa atin ang mas mukhang hayop?"ganti din niya

"Siyempre ikaw!"sigaw ko

"Hindi kayo hayop"sabi ni kuya Kenth kaya tumingin kami ni Jerick sa kanya

"Kasi bagay kayong dalawa"dagdag pa niya kaya napataas ang kilay ko sa sinabi niya

"Napa blush ka naman Shara?"tanong ni Jerick na may mapang asar na ngiti.

"Ako mamumula,siguro dahil nakakasuka ang sinabi ni Kuya Kenth"sagot ko.

"Kenth pupunta kaba mamaya sa bar nila Kurt?"pang iba ni Jerick sa usapan nakita ko ang lungkot sa mata niya pero mali siguro itong ang nakikita ko.

"Oo bro pupunta din kasi itong pinsan ko"napatingin ako kay Kuya Kenth

"Babantayan kita doon Shara"seryoso niyang sabi.

"Fine"sagot ko

"Sumakay kana sa kotse Shara"utos ni Jerick

"Saan kayo pupunta?"tanong ni Kuya Kenth

"May gagawin lang kaming project"sumakay na din si Jerick sa sasakyan kaya sumunod na ako at dali dali niyang pinaandar ang kotse.

Habang nasa biyahe tahimik lang kami hanggang sa nakapasok na kami si village nila.

"Bakit di mo sinabi na ako ang tutor mo?"tanong ko

"Ayokong asarin ako ng mokong na yun noh"seryoso niyang sabi habang naka focus pa din siya sa daan.

"Bakit hindi ka ba sanay na asarin?"tanong ko ulit

"Alam mo ba ikaw at si Kurt lang ang nang aasar sakin"tumingin siya sakin sandali at itinuon na niya ang kanyang mata sa daan.

"Pero ok lang na asarin ako ni Kurt kasi barkada ko siya pero ikaw?"sabi niya

"Bakit ano mo ba ako?"tanong ko na nang aasar

May sinabi si Jerick pero d ko narinig napatingin kasi ako doon sa lalaking lumabas mula sa bahay niya.

Papa?

I'm The Tutor of This Bad BoyWhere stories live. Discover now