Chapter 26: Madame

2.6K 92 1
                                        

Shara.

Naligo ako at nagbihis sa kwarto ni Kate pinahiram lang ako ni Jerick ng damit na scooby doo at isang jersey short.

"Kumain na tayo sa baba"sabi ni Jerick

"Anong oras na?"tanong ko sa kanya.

"7:00 pm"tipid niyang sagot.

"Hala, kailangan ko nang umuwi"sabi ko sa kanya.

"Nagpaalam na ako sa mommy mo na dito ka matutulog atsaka pupunta din naman ang G4 dito mamaya at dito sila matutulog"sabi ni Jerick sakin.

"Talaga?"pag uusisa ko.

"Yup Baby Boo, kaya halika na at maghaponan na tayo"paglalambing niya sabay hawak sa kamay ko.

"Teka, nasan si Kate?"tanong ko

Nakita ko din kanina sa mukha ni Kate na masaya siya sa desisyon kong sagutin ang Kuya niya niyakap pa nga niya kami.

"Pinapatulog na siya ni Yaya dahil maaga pa siya bukas para sa exam niya"paliwanag niya ulit.

Hala! Sunday pala ngayon at may pasok bukas.

"Jerick, kailangan ko talagang umuwi may pasok pala tayo bukas"sabi ko.

"Ako na ang bahala"nakangiti niyang sabi.

"Ayokong umabsent"sabi ko

"Hindi ka naman aabsent eh kaya huwag kang mag alala"sabi niya ulit.

"Tara na kain na tayo"sabi niya sabay hila sakin palabas ng kwarto ni Kate.

Bumaba na kami at pumunta sa table nila para kumain nakaupo na din si Madame Lee kaya medyo nahihiya ako.

Hinila ni Jerick ang upuan para lumabas ito atsaka niya ako pinaupo. Umupo na din siya sa tabi ko.

"Mom, may importante akong sasabihin"nakangiting sabi ni Jerick.

"What is it?"seryosong tanong ni Madame

Jerick huwag ngayon hindi pa ako ready noh.

"Kami na po ni Shara"nakangiting sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Oh? Seriously thats good to hear"nakangiting sabi ni Madame hindi ko alam kung totoo ba ito o pilit.

Kumain na kami at ilang minuto lang nagsalita ulit si Jerick.

"Baby Boo magbibihis lang ako ha hindi kasi ako komportable sa suot ko"bulong niya sakin

Ayokong iwan niya ako ditong kasama si Madame pero tumango nalang ako atsaka siya umakyat sa taas.

Dalawang minuto din kaming tahimik ni Madame.

"Shara,Nakita ko kayo kanina ni Jerick at Kate sa garden"seryosong sabi ni Madame kaya napatingin ako sa kanya.

"Ngayon ko lang sila nakitang ganoon kasaya lalong lalo na si Jerick"sabi niya mula sa pagiging seryoso ay napangiti siya.

"Shara hindi ko alam kong paano kita mapapasalamatan"sabi niya sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Madame kung tatanggapin niyo po kami ni Jerick bilang magkasintahan magiging masaya po ako"sabi ko sa kanya habang nakangiti

"Hindi ko iyon ipagkakait sa anak ko lalo na kung iyon ang makakapagpasaya sa kanya"sabi ni Madame

"Salamat po"nakangiti kong sabi.

Masayang masaya ako dahil sa sinabi ni Madame Lee.

"Baby Boo! Nasa garden daw ang G4, sumunod ka sakin"sabi ni Jerick kaya tumayo ako at sumunod sa kanya.

"Bro!"tawag ng G4 sa kanya.

Lumapit kami sa kanilang apat.

"Shara,nandito ka din pala yung girls papunta na dito"sabi ni Kurt

"Bakit mo pala kami pinapunta dito?"seryosong tanong ni Kuya Kenth.

"I have something to tell you"sabi ni Jerick.

"Ano naman yun? Huwag mong sabihing-"sabi naman ni Clide

"Kami na ni Shara"sabi ni Jerick.

Mga ilang sigundo kaming natahimik. Siguro nagloloading pa ang mga utak nila.

"Seriously Bro?"gulat na sabi ni Kurt.

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Kurt.

"Shara, thank you for bringing back his love and happiness"sabi ni Kurt.

Hindi ko maintindihan kung bakit iyon lahat ang sinasabi ng mga kakilala ni Jerick dati ba siyang malungkot?

"Bitaw"sabi ni Jerick sabay hila kay Kurt na nakayakap sakin.

"Kahit kayo hindi pwedeng hawakan ang girlfriend ko"seryosong sabi ni Jerick at umakbay sakin.

"Ok po master"sabi naman ni Clide.

"Behh!, Oh my"sigaw ni Devine

"What's the meaning of this?"gulat na sabi ni Ate Jade sabay tingin sa amin ni Jerick.

"Tell them"bulong ni Jerick

Tumango nalang ako.

"Sumunod nga kayo sakin"sabi ko sabay lakad papunta sa direksyon ng pool.

Umupo ako atsaka ko inilusaw ang paa ko sa swimming pool at ganon din silang dalawa.

"Are you in a relationship with Jerick?"nakangiting tanong ni Devine.

"Yup"tipid kong sagot.

Siyempre dapat kong itago ang kilig noh.

Hindi na sila nakapagpigil bigla silang tumili.

"Shara, kinikilig ako"sigaw ni Ate Jade.

Napatingin ako sa boys na nasa garden nakatingin pala sila sa amin.

Nakita ko rin ang ngiti ni Jerick.

"Shhh,tumahimik na kayo please"sabi ko at nakinig naman silang dalawa.

"Shara, Nakamove on kana ba kay Gelo?"seryosong tanong ni Ate Jade.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Oo Ate,atsaka hindi ko naman sasagotin si Jerick kung hindi ko siya mahal hindi ako ganon Ate alam mo yan"sagot ko naman sa kanya.

"Eh kay Kyle?"dagdag ni Devine.

"Si Jerick ang dahilan kung bakit ko nalimutan na malungkot pala ako noon. Sa tuwing kasama ko si Jerick nakikita ko si Kyle sa kanya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ko siya minahal"paliwanag ko

"Nararamdaman kong masaya na din si Kyle kung ano man ang meron siya ngayon" nakangiti kong sabi.

"Sa ngayon si Jerick lang talaga ang dahilan nang totoong ngiti ,tawa at kilig ko"dagdag ko pa.

I love Jerick for just the way he is.

I'm The Tutor of This Bad BoyWhere stories live. Discover now