Chapter 1:I'm your tutor

5.1K 174 0
                                        

Shara.

Tumakbo ako papuntang classroom namin 2 minutes nalang magsisimula na ang klase.Nasa harap na ako nang classroom namin nang biglang tumunog ang bell sa sobrang gulat ko nadulas ako.Nakita ko ang mga kaklase kung tumatawa at hindi lang yon may isang lalaking kumuha sa akin nang litrato habang tumatawa siya.

"Stupid!"tawa talaga siya nang tawa 
Inirapan ko siya at hindi ko nalang sila pinansin.Tumayo nalang ako at pumunta ako sa upuan  ko.Hanggang sa dumating ang proffesor namin.

"Goodmorning class"bati nang proffesor namin."Meron pala kayong bagong kaklase siya si Mr. Jerick Kyle Lee"biglang nagtilian ang mga kaklase ko.

"Anong meron?"hindi kasi ako nakikinig kay Sir Paul.Bigla nalang kasing tumulo ang luha ko nang makita ko ang post nang step sister ko.

Dating with Gelo Deguzman

Hanggang ngayon mahal ko pa din si Gelo ang ex-boyfriend ko na inahas nang step sister kong si Jenny Agustin.Kaya hindi niyo ako masisi kung bakit galit na galit ako sa kanya.Ayoko ko nang balikan ang lahat nang nangyari.

"Ms.Perez are you with us?"masyado na siguro akong pre-occupied kaya hindi nako nakikinig kay Sir Paul.
"Yes po"sagot ko.Hindi ko na din namalayan na katabi ko na pala tong lalaki na to na kumuha nang litrato sakin kanina nung nadapa ako.Pero wala akong pakialam.Nakinig nalang ako sa kay Sir Paul.

Tapos na ang first period namin.Tumigin ako sa relo ko
"8:30 palang naman"bulong ko sa sarili ko.Vacant namin mula 8:30-10:00 am kaya pupunta na muna akong library.

Habang naglalakad ako narinig ko ang sigaw nang madaldal kong bestfriend na si Devine
"Beh!hintayin mo ako.Alam ko sa library ka na naman pupunta"hinawakan niya ang braso ko.
"Bakit masama ba beh?"tinarayan ko siya tapos tumawa ako.Siya ang una kong naging kaibigan sa university nato.Hindi siya katulad nang ibang kaibigan.She's one of a kind.
"Hindi ka pa din ba nakaka move on diyan sa ex-boyfriend mong si.."tinakpan ko ang bibig niya
"Hindi pa"Kinuha ko ang kamay kung nakatakip sa bibig niya
"Sasama ako beh"tumawa ako nang malakas at nagtataka siya
"Hindi ka pwede doon"nagtagpo ang dalawang kilay niya.
"Huh?bakit?"tanong niya
"Madaldal ka kasi.Bye behh!"tumakbo ako palayo sa kanya.Ayokong sumama yung Devine nayun sakin baka kasi ma buking ako ni Gelo pero kahit ganoon ang bestfriend ko mahal ko yun

-
Pumasok na ako sa last period namin this morning wala na kasi kaming pasok mamayang hapon dahil may meeting lahat nang faculty.

Nakaupo lang ako sa upuan ko habang umiiyak.

FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa library.Mga ilang minuto nakita ko si Gelo.Teka kasama niya si Jenny?May biglang kumirot sa puso ko.Tinakpan ko ang mukha ko nang libro.Nakikinig lang ako sa usapan nila.

"Anong libro ang babasahin natin dito babe?"tanong ni Jenny alam kong siya yun.
Dahan dahan kong ibinaba ang librong hawak ko

"Ito babe"kumuha  ng libro si Gelo. Isang makapal at malapad na libro.Halos sampung minuto na akong nakasilip sa ginagawa nila.

Nakita ako ni Jenny.Kaya itinuon ko ang mata ko sa librong binabasa ko.
Wala pang dalawang minuto nang nakita kong nakatakip ang libro sa mga mukha nila at alam kong naghahalikan na si Jenny at Gelo.

End of flashback

"Ang tanga ko"bulong ko sa sarili ko at tumingin ako sa pintuan ng classroom namin.Nakita ko na naman ang lalaking kumuha ng litrato sakin kanina nang nadulas ako

"Good noon class"kasama niya ang teacher namin  na si Maam Santos

"Good noon maam Santos"sabay naming sabi nang mga kaklase ko

"Alam niyo naman siguro kung sino siya?"tinuro niya ang lalaking kinaiinisan ko mula pa kanina

"Yes po maam"sabi ng mga classmate ko at parang kinikilig pa.Teka ako lang ba ang hindi nakakakilala sa kanya?

"He will be your classmate from first to last period"nagsigawan ang mga kaklase ko na parang may artista sa harap nila.Di naman kagwapuhan ang lalaking to.Pero may side din namang oo

Bigla ko na namang naalala si Gelo.Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko na naman ulit namalayan na katabi ko ang lalaking to.Parang may hinahanap siya.Pinabayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagsusulat.Ang teacher kasi namin mahilig magpa copy nang lessons.

"Ito nalang ang gagamitin ko"nagulat ako nang kinuha nang lalaking to ang ballpen ko

"Hoy!ballpen ko yan ha"medyo sumigaw ako nang kunti.Buti nalang di narinig ni Maam Santos

"Hindi mo ba ako kilala?"angas niyang tanong

"Hindi"mataray kong sagot
"Ahaa!magnanakaw ka noh?"nagulat siya sa sinabi ko

"Ako magnanakaw? I'm rich kaya kung bilhin lahat nang gusto ko kaya hindi ako magnanakaw b*tch"teka b*tch?na iinis na ako ha

"Kung mayaman ka bakit hindi mo kayang bumili nang sarili mong ballpen?"nakangisi kong sabi.Nakikita ko na parang naiinis na siya.Bigla nalang niyang pinutol ang ballpen ko.Galit na talaga ako bigla nalang tumulo ang luha ko

"Maam excuse me po"sabay taas nang kamay ko

"Yes Ms.Perez?"lumingon siya sa akin

"Masama po ang pakiramdam ko pwede po ba akong pumunta nang clinic?"
"Sige go ahead"bigla kong kinuha ang bag ko at tumingin sa lalaking malas sa araw ko
"Iyakin..ballpen lang naman yan ha?"
"Hindi siya basta-basta ballpen...magnanakaw"tinarayan ko siya at kinuha ang ballpen kung nasira na tapos pumunta na akong office ni Madame Lee

Habang papunta ako sa office ni Madame nakita ko na naman ang lalaking gumulo sa araw ko.Nagyoyosi pa talaga siya?Papunta din siya sa direksyon kung nasaan ako.Kaya lumakad nalang ako papuntang office ni Madame Lee

Ramdam ko parin na nasa likod ko siya kaya binilisan ko ang lakad ko at ganon din siya. Hanggang sa makarating kami sa office ni Madame at nag unahan kami sa pagbukas nang pinto at pumasok.

Nagulat si Madame sa aming dalawa

"Oh?magkasama na pala kayo Shara?"sabi niya habang nakangiti
"Huh?hindi ko po maintindihan?"nagtataka na ako ha
"Mom bakit niyo po ako pinapunta dito?may night out pa kami ng barkada ko.I dont have time for this stupid things"sabi niya at tinapon ang yosing hawak niya sa basurahan

"She is your tutor,son"

"What?"sabay naming sabi.
"Is there any problem?"tanong ni Madame Lee
"Wala po"sagot ko.
"Sakin meron.Mom hindi ko kailangan nang Tutor!I am not a child anymore!"sigaw niya
"Then don't act like a child Mr.Lee"sigaw ko din sa kanya wala siyang karapatan  na sigawan ang mommy niya.
"Whatever"tumalikod siya pero biglang nagsalita ang mommy niya

"Sige umalis ka pero tandaan mo to Jerich ......no more money,Parties,Cars and you're grounded,understand?"seryosong sabi nang mommy niya na si Madame Lee
"Fine"sagot ni Jerick at umupo sa bakanteng upuan
"Madali ka palang kausap"bulong ko

"You must go now Shara and Jerick para makapag simula na kayo"utos ni madame

"Sige po"sagot ko

Good luck Shara Gail Perez

I'm The Tutor of This Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon