Shara.
"Sige mauna na ako ha" paalam ko kay Drake.
"Maaga pa naman eh,kita mo kayo palang ni Jerick ang tao sa gym
"Ok lang, hindi kasi ako nakapag practice kanina baka pag nalate ako papagalitan na ako"sabi ko kay Drake.
"Ahh ganon ba?sayang sige lalabas muna ako ha"sabi niya kaya tumango ako.
"Ingat"sabi ko atsaka na pumasok sa gymnasium.
Ang alam ko nasa unahan ako kasi valedictorian ako pero kapa umupo ako doon sa unahan katabi ko si Jerick. Salutatorian ba siya? Di bale na uupo nalang ako sa upuan ko.
Umupo ako sa unahan at ngayon katabi ko ang ex-boyfriend ko. Awkward!
Tahimik lang talaga ako at walang galaw-galaw.
"Masaya kana ngayon noh?"boses ni Jerick.
Kaya napaangat ako sa upuan. Hindi ko kasi inaasahan na kakausapin ako ng katabi ko.
"Huh? Ahhh oo naman ga-graduate na tayo ehh, ikaw alam kong masaya ka ngayon"sagot ko sa kanya.
"Bakit naman ako magiging masaya?"seryoso niyang tanong
"Siyempre ga-graduate ka nang salutatorian tapos ikakasal ka pa"nakangiti kong sabi pero hindi ako tumitingin sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa pero hindi ko alam kung may katatawanan ba iyong sinabi ko.
"Sa ga-graduate lang ako masaya"sabi niya.
"Hala! Mas masaya kaya kapag ikakasal ka, dahil may makakasama kana habang-buhay sa hirap at ginhawa tsaka once in a lifetime lang kaya iyon"nakangiti kong sabi iniimagine ko kasi ang sinasabi ko sa kanya.
"Oo nga once in a lifetime pero sana naman gusto ko din ang babaeng makakasama ko habang buhay na makakasama ko sa hirap at ginhawa"seryoso parin niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.
"Gusto mo naman siya diba? Halata kayang masaya ka kapag kasama mo siya"nakangiti kong sabi.
Ano ba itong ginagawa ko ako mismo ang gumagawa ng paraan para saktan ang sarili ko pero parang may gustong malaman ang puso ko eh.
Gusto kong malaman kong ako parin ba ang mahal niya o hindi.
"Mas halata kayang masaya ka kapag kasama mo si Drake iyong crush mo"sabi niya.
"Huwag mong ibahin ang usapan Jerick, ako ang unang nag tanong"seryoso kong sabi sa kanya.
"Ah basta, nakangiti ka kaya kapag nag kakausap kayo"sabi naman niya.
"Hindi ibig sabihin na kapag nakangiti ako ay masaya na ako Jerick"seryoso kong sabi.
"Pero sayo halatang-halata,masaya ka talaga kapag kasama mo si Daisy"pang-aasar ko sa kanya
Sarili ko lang mismo ang sinasaktan ko.
" I'm a great pretender, kaya kung may masaya man satin alam kong ikaw iyon at dahil iyon kay Drake diba?"seryoso niyang sabi.
"Hindi nga ang kulit, aba teka nagseselos ka noh?"pang-aasar ko
"Ako bakit naman ako magseselos?"nagtataka niyang tanong
Sh*t ang sakit ha.
"Ok, ahhhm lalabas na muna ako"sabi ko pinipilit kong ngumit para hindi halatang nasaktan
Tatalikod na sana ako pero bigla niya akong niyakap mula sa likod.
"Honestly, nagseselos ako pero alam kong wala na akong karapatan"sabi niya habang yakap-yakap parin ako
"Likewise Jerick"sabi ko tsaka hinawakan ang braso niya na nakapulopot sa leeg ko.
"Lalabas na muna ako"seryoso kong sabi tsaka umalis sa yakap niya.
"Bakit?"tanong niya.
"Nagugutom ako eh"sagot ko naman hindi ko na kasi kaya makasama si Jerick sa gymnasium nato.
"Meron akong ube cupcake dito gusto mo?"tanong niya sakin.
"Diba ikaw na mismo ang nagsabi sakin, that I should forget the things that reminds me of you kaya hindi na ako kumakain ng ube cupcake"seryoso kong sabi sabay labas ng gymnasium
Pumunta muna ako ng canteen atsaka bumili ng cheese cake at juice.
"Beh!"boses iyon ni Devine kaya napalingon ako
"Papunta kana ba ng gym?"tanong niya sakin.
"Oo, bumili lang ako ng makakakain"sagot ko sa kanya
"Ahhh bakit cheese cake iyang binili mo? Wala na bang ube cupcake?" Nagtatakang tanong ni Devine.
"Auhh hindi ito talaga ang binili ko"nakangiti kong sagot sa kanya
"Huh? Diba pabo-"hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya.
"I must forget the things that reminds me of Jerick kaya ito sinisimulan ko na"proud kong sabi sa kanya.
"Ayy, sure kana ba na kakalimutan mo na siya?"tanong ni Devine.
"Oo naman, masarap din naman ang cheese cake eh"sagot ko kaya hinampas niya ako sa braso.
"Gg, hindi iyan ang ibig kong sabihin, si Jerick"sabi niya kaya napatigil ako.
"Beh, hindi ko naman sana siya gustong kalimutan eh pero kailangan"seryoso kong sabi atsaka kami naglakad-lakad papuntang gym
"Ipaglaban mo kasi"sabi niya sabay siko sakin ng mahina sa tagiliran.
"Paano? Wala nang paraan"sabi ko.
Oo gusto ko nang lumaban. Sa sinabi ni Jerick kanina sapat na iyon para ako naman ang lumaban.
"Kung gusto mo may paraan iyan Beh"sabi niya ulit.
"Sa sitwasyon ko ngayon Beh parang wala nang paraan, bukas na ang graduation pagkatapos ng graduation alam mo na ang magaganap"sabi ko sabay yuko.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng gate ng gym.
"Hayy, pumasok na nga lang tayo Beh magsisimula na yata ang practice eh"sabi niya kaya pumasok na kami.
Umupo na ako sa upuan ko. Medyo madami naman ang nandito hinanap ko si Jerick siyempre hindi ako nagpapahalata. Nakita ko siya na nasa likod.
Teka, akala ko salutatorian siya? Pero kung hindi bakit siya umupo dito sa tabi ko kanina?
"Hi Shara"nakangiting bati ni Jorgie sakin sabay upo sa tabi ko.
"Hindi talaga kita malamangan no?"sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Pero di bale na, Shara gusto ko nang kalimutan ang mga hindi mabuting nangyari sa ating dalawa sana mapatawad mo ako"seryoso niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.
"Jorgie bakit mo ginagawa ito?"tanong ko.
"Shara nang dahil sayo natuto akong lumaban sa buhay dahil sa pang-aapi ko sayo pero di ko namalayan na sumobra pala ako"seryosong sagot niya sakin.
"Shara gusto kong itama lahat ng at sisimulan ko ito sayo, Shara I'm sorry"dagdag pa niya
Naramdaman ko din ang pagiging sincere niya.
"Jorgie, thank you nang dahil sayo natuto din akong lumaban iyon ngalang hindi para sa sarili ko but I am now forgiving you"nakangiti kong sabi sa kanya
Napangiti din siya tsaka ako niyakap.
"Salamat Shara"sabi niya habang yakap-yakap parin ako.
Ang sarap pala sa pakiramdam na magpatawad pero parang malabong magawa ko ito sa ama ko lalong lalo nang siya ang dahilan ng pagkadurog ng puso ko.

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...