Shara.
Nandito ako sa isang daan pero hindi ko alam kung paano ako napunta dito.
Nakita ko ang isang matandang babae na parang nahihirapan tumawid kaya nilapitan ko siya
"Lola,gusto niyo po ihatid ko kayo sa kabilang kalsada?"tanong ko
"Sige ija"sabi niya
Hinawakan ko ang kamay ni lola para alalayan siya.
"Teka lang ija,may kakaiba akong nararamdaman sa palad mo"sabi niya kaya napakunot ako sa noo ko.
"Huh, ano po yun?"tanong ko na parang kinakabahan
"Ija, Kung sino man ang susunod na maging kasintahan mo ingatan mo siya sapagkat may isang tao na susubok sa inyong pagmamahalan"
"Huh?wala na po akong magiging kasintahan"tanong ko
"Meron pa Ija,siya ay higit mong mamahalin kaysa sa dati mong karelasyon"paliwanag niya
"Eh ako Lola mamahalin niya din ba ako ng higit pa sa buhay niya?"
"Oo ija, kayo ay magmamahalan habang buhay kung kayo ay magpapakatatag para sa inyong relasyon"sabi ulit ni Lola
"Asan na po ang lalaking mamahalin ako ng higit pa sa buhay niya?"seryoso kong tanong
"Dumating na siya Ija,siya ang nagliligtas sayo sa oras ng iyong kapahamakan"sabi niya
"Aray!"sigaw ko hinampas kasi ako ni Kuya Kenth nang unan sa ulo
"Panaginip lang pala iyon?"bulong ko sa sarili ko habang hinihimas ang ulo ko.
"Anong binubulong bulong mo diyan,mabuti pa maligo kana kasi kanina pa naghihintay si Jerick sayo"sabi ni Kuya
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Kenth.
"Anong ginagawa niya dito?"tanong ko ng pasigaw
"Sinusundo ka"sabi niya
"Bakit?"tanong ko
"Akala mo ba hindi ko malalaman na muntik kanang magahasa ng isang taxi driver noong isang araw?"sabi ni Kuya sakin
"At ngayon araw-araw kanang ihahatid sundo ni Jerick dito para maka iwas ka sa gulo"sabi ni Kuya
"Bakit hindi ba gulo iyang si Jerick atsaka bakit siya ang maghahatid sundo sakin?"inis kong sabi
"Dahil kaklase mo siya"sabi ni Kuya
"Yun lang?"tanong ko
"At hindi ko na din mabilang ang pagkakataong nailigtas kanya sa tuwing napapahamak ka"paliwanag niya
Bigla kong naalala ang panaginip ko na ang taong mamahalin ko ay ang nagtatanggol sa akin sa oras ng akoy napapahamak
"Kaya ikaw maligo kana baka nilalangaw na si Jerick dun"dagdag pa ni Kuya
"Pumayag ba siya?"tanong ko
"Sa una hindi pero ewan ko bakit bigla nalang nagbago ang isip niya"
Siguro hanggang ngayon sinisisi parin ni Jerick ang sarili niya akala niya kasi dahil sa kanya kaya ako napapahamak. Bumabawi ba siya ngayon?
"Sige Kuya maliligo na ako"sabi ko sa kanya
Parang ayaw ko kasing tanggihan lahat ng sinabi ni Kuya
"Good"tipid naman niyang sagot at lumabas na sa kwarto ko.
Mga 30 minutes akong nag ayos sa sarili ko at bumaba na ako.

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...