Shara.
Alas kwatro na ng hapon pero nandito parin ako sa school wala pa akong ganang pumunta sa Family Dinner namin.
"Shara, pinapatawag ka ni Kenth sa secret room ng G4"sabi ni Clide habang papalapit sakin
"Huh? Saan yun?"pagtataka kung tanong
"Sasamahan nalang kita"sabi niya
Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang secret room.
For G4s Only!
Iyon ang nakasulat sa pintuan
"Pasok"sabi niya sabay bukas sa pinto
Nag aalangan ako
"Don't worry hindi naman malalaman ni Jerick eh"sabi niya kaya pumasok nalang ako.
Pagpasok ko nakatingin agad ako sa mga picture frame Basketball,Dance Contest at may nakita akong picture ng mga bata pero hindi ko mamukhaan kaya lumapit ako.
"Shara, come here"boses ni Clide
Tumalikod nalang ako at sumunod sa kanya.
"Nandito na siya Bro"sabi ni Clide kay kuya na nasa kitchen
"Sige pwede kanang umalis"sabi ni Kuya kay Clide.
Sumunod naman si Clide kay Kuya Kenth kaya lumabas na siya.
Wala pang isang minuto ay bigla na namang bumukas ang pinto at pumasok si Devine.
"Beh?"nagtataka kong tanong
"Alam mo ang room nato?"tanong ko
"Yup, girlfriend ako ng isa sa G4 diba beh?"paalala niya
Ay oo nga pala boyfriend niya si Kurt kaya pwede siyang pumasok dito.
Lumapit kaming dalawa kay Kuya Kenth na nasa table.
"Bakit mo ako pinapunta dito Kuya?"pagtataka kung tanong
"Nakapag decide kana ba?"tanong niya at lalo akong nagtaka
"Sasabihin mo na ba ang totoong nararamdaman mo kay Jerick o hahayaan mo nalang siyang maging ganito?"dagdag pa niya
"Hindi ba ganito naman talaga siya? Ang dakilang Bad boy ng University nato"pagtataray kong sabi sa kanya.
"Shara, He loves you"pagsali ni Devine sa usapan
"Duh?! Pati ikaw Beh maniniwala? Alam mo ba kanina nang nadapa ako dahil sa sampal ng mga schoolmates natin dumaan lang si Jerick sa harapan ko at hindi man lang tumingin sakin!"sigaw ko
"Buti na nga lang dumating ka"sabi ko kay Devine.
"Kaya ako dumating dahil sinumbong iyon ni Jerick sakin at alam mo ba ang sinabi niya?"sigaw ni Devine sakin.
"Na gantihan ko si Daisy para sayo dahil alam niya na hindi mo kayang lumaban ng pisikalan sa kanya at hindi naman daw siya pwedeng lumapit pa sayo para iligtas ka dahil gusto niyang makapag move on sayo"dagdag pa ni Devine
"Ginawa niya talaga yun akala ko wala na siyang pakialam pa sakin?"sabi ko
"Ngayon lang naging ganyan si Jerick Shara. The way he cares for you"sabi ni Kuya Kenth.
"Hindi ko masasabing nagcacare siya sakin Kuya"sabi ko
"Nakikita mo ba to?"sabi ko at ipinakita ang paso ko sa siko.
"He did this to me habang nasa klase kami nagyoyosi siya kaya palihim kong pinatay ang yosi niya gamit itong siko ko"paliwanag ko
"Pero wala siyang ginawa kundi lumabas sa classroom at hindi man lang-"hindi ko na itinuloy ang sinabi ko.
"May kinuhang ointment siya dito kanina para daw sayo"sabi ni Kuya Kenth.
"Huh? Hindi nga niya ako binalikan kanina"sabi ko
Kinuha ko ang ointment sa bag ko para ipakita sa kanila.
"Isang babae ang nagbigay nito sakin kanina"sabi ko
"Sa tingin mo siya mismo ang bibigay sayo niyan? Eh torpe nga siya eh"sabi ni Kuya Kenth.
"Mahal ko si Jerick pero-"sabi ko
Oo mahal ko na siya at sa tingin ko siya ang dahilan kung bakit naging masaya ulit ako simula ng nagbreak kami ni Gelo pero...
"Baka masaktan nanaman ako"lungkot kong sabi.
"Beh subukan mong tumaya ulit"sabi ni Devine
"Paano kung masaktan na naman ulit ako?"tanong ko
"Paano kung hindi? Paano kung siya na pala ang totoong magmamahal sayo?"seryosong sabi ni Devine.
"Mag decide kana bago pa sila makapasok doon sa Mendoza's Hotel"sabi naman ni Kuya kaya nagulat ako.
"Sila?"pagtataka kong tanong.
"Nagpaalam kanina si Jerick sakin ng 3pm na pupunta siya sa Mendoza's Hotel at may kasama siyang babae"seryosong sabi ni Kuya Kenth.
"Baka kasi makalimutan ka niya kapag-"hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.
"Nakapag decide na ako itataya ko ulit itong puso ko para kay Jerick"sabi ko at agad lumabas sa secret room nila.
Lumabas ako ng gate at nakita ko si Jenny kasama si Gelo.
"Sis! Sabi ni mama Elissa sumama kana daw samin papuntang Mendoza's Hotel"sabi ni Jenny
Hanggang ngayon naiinis parin ako sa kanya ng hindi ko nalalaman
Oo nga pala sa Mendoza's Hotel din ang Family Dinner namin. Hindi na ako nagdalawang isip pa, pumasok na ako sa kotse ni Gelo.
"Tara na Jenny"sabi ko
Pumasok naman agad silang dalawa ng boyfriend niya at pinaandar na ang kotse para umalis.
Jerick huwag kayong gumawa nang hindi maganda ng kasama mong babae ngayon kung hindi makikita mo kung paano magalit ang pusang ito.
"Sis,nakikinig ka ba?"tanong ni Jenny
"Huh? Hindi I'm sorry"sabi ko
Masyado na siguro akong pre-occupied kaya hindi ko siya napansin.
"Ang sabi ko ininvite ko si Gelo sa Family Dinner natin"inis na sabi ni Jenny
"Ok"tipid kong sagot
Tahimik lang ako sa byahe habang naglalambingan ang dalawa.
Mamaya nakarating na din kami sa Hotel.
Paglabas ko nang kotse nakita ko si mama at papa Gino.
"Shara, Jenny ang Papa Gino niyo"sabi ni mama habang papalapit samin.
"Ma, Pa babalik po ako"sabi ko
Tumakbo ako sa parking lot para hanapin ang kotse ni Jerick pero hindi ko mahanap.
Mga 5 minuto na akong naghahanap dito pero wala parin akong nakitang Jerick.
Umupo nalang ako sa sahig at tinakpan ng kamay ko ang mata ko na parang iiyak na.
Paano kung nakapasok na ang ugok na yon? Lintik na tadhana toh
"Nandito na tayo"boses iyon ni Jerick
Tumingala ako at napatayo ako sa nakita ko. Siya nga
"Jerick Lee!"sigaw ko
Napatingin siya sa direksyon ko at halata ang gulat sa mga mata niya.

YOU ARE READING
I'm The Tutor of This Bad Boy
Teen FictionBeing a bad boy is just a habit for Jerick Kyle Lee. He doesn't follow rules because he is the one who make them. He wants to see his schoolmates suffering except for one girl. Everytime she is in trouble Jerick always tried to save her and he does...