Chapter 9: It Also Hurt

2.9K 120 0
                                        

Jerich.

Habang nasa biyahe kami naka focus lang ako sa daan.Napatingin ako kay Shara nakatulog na pala siya buti nalang sinabi niya kanina kung saan ang bahay nila.

Napahinto ako kasi nasa red ang traffic light.Pwede ko namang bilisan itong  pagpapatakbo ko kahit nasa red light pero ewan ko para akong nag aalala kay Shara.Kanina pa talaga ako hindi mapakali sobrang bilis kasi ng tibok ng puso ko.

Habang nakahinto kami hindi ko maiwasang tumingin sa kanya.Nakatitig ako sa mukha niya mas mabilis na ang tibok ng puso ko ngayon kaysa kanina.Patuloy lang ako sa pagtitig sa kanya hanggang sa umabot na sa labi niya.Napalapit ako nang tuluyan sa kanya para talagang nang aakit ang mga labi niya dahan dahan kung pinikit ang mata ko at naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Nagulat ako sa busina ng mga sasakyan kaya bigla kong nilayo ang mukha ko kay Shara.Naka green na pala ang traffic light kaya binilisan ko ang pagmamaneho ko hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila.

"Nandito na tayo"sabi ko pero hindi pa din siya gumigising kaya pinihit ko ang busina ng kotse ko hindi naman ako nabigo.

"Kanina pa ba tayo nandito?"tanong niya.

"Hindi naman mga 30 minutes palang tayo dito"pagbibiro ko sa kanya

"Hala!,Salamat pala ulit Jerick"sabi niya at lumabas na siya sa kotse.Sinundan ko lang siya nang tingin nakita kong may isang lalaking bumukas nang gate.Si Gelo Deguzman ang crush ni Gail noong bata pa kami.

Nakita ko na nag-uusap silang dalawa at umalis na si Gelo bigla nalang din kumirot ang dibdib ko nang makita ko si Shara na umiiyak at bigla siyang napaupo.Hindi ko na nakontrol ang sarili ko lumabas ako sa kotse.

"Shara,what happened?"nagulat siya ng makita niya ako kaya sinubukan niyang punasan ang mga luha niya pero patuloy parin ito sa pag agos.

"Jerick,ilayo mo muna ako dito please?"pakiusap niya kaya itinayo ko siya at hinawakan sa kamay.

Pinasakay ko siya sa kotse.Dinala ko siya sa isang cafe na malapit sa park.

"Umupo ka muna diyan at ako na ang mag o-order"utos ko sa kanya

"Ang bait mo ngayon ha"taray niyang sabi pero nakangiti.

Sana nga ganyang nalang siya lagi.Nagtungo na ako sa counter.

"Dalawa pong choco kisses"sabi ko

"Kyle?"nagulat ako sa sinabi niya.Bakit niya ako tinawag sa second name ko?

"Ikaw ang laging bumibili ng shake dito noon diba?kasama mo dito si Gail"dagdag niya.Naalala pa niya?

Lagi kasi kaming bumibili ng shake dito noon ni Gail

"Opo pero matagal na yun.Jerick na ang tawag sa akin at hindi Kyle"seryoso kong sabi

"Ay ganon po ba sige po Sir Jerick"sabi naman niya.

"Ito na po pala ang order niyo"iniabot niya ng choco kisses at nagbayad naman ako.

"Keep the change"nagtungo na ako sa table kung nasaan si Shara nakita ko na naman siyang umiiyak

Ewan ko ba kung bakit nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.

I'm The Tutor of This Bad BoyWhere stories live. Discover now