Chapter 4: He's dad

3.4K 142 0
                                        

Shara.

Nakauwi na ako nang bahay dumiretso nalang ako sa kwarto ko pagod na kasi ako eh

"Good evening sis"bigla kong nahulog ang shake na dala ko buti nalang at kaunti na lang ang natira

"Anong maganda sa gabi?"inis kong tanong sa kanya

"My evening is so good sis.Pumunta kasi dito si Gelo.Dito siya naghapunan kaso ngalang ngayon ka lang dumating hindi mo nakita kung paano ako mahalin ni Gelo"pang iinis niya

"Whatever Jenny.I'm tired kaya pwede ba paki tikum nang bibig mo"pagtataray ko

Bago pa siya magsalita pumasok na ako sa kwarto ko at sinara ang pinto.Humiga nalang ako sa kama at tumingin sa kisame.

"Shara just move on"bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko namalayan ang mga luhang pumatak sa aking mga mata.

Pinikit ko nalang ang aking mata.

-
Nagising ako sa sikat nang araw. Wala kaming pasok ngayong Friday may party daw kasi ang mga teacher sa university.

Nag ring ang phone ko kaya agad kong sinagot ito.

"Hello?beh?"
"Beh,na check mo ba account mo?"tanong niya medyo kinakabahan ako ha
"Hindi bakit?"
"Eh check mo now na, bye beh"utos niya at nag call ended na

Kaya dali dali ko ding binuksan ang laptop ko at nag log in
"Oh no!"sigaw ko
"Honey are you ok?"rinig kong sigaw ni mama
"Ahh,yes po ma"sagot ko naman

Nakita ko ang photo na nadapa ako kahapon nung tumunog ang bell.Hindi ko alam na kita pala ang underwear ko.

Inisip ko kung sino ang may kagagawan nito.

"Jerick?"inis kong bulong sa sarili ko

Wala namang ibang kumuha ng litrato sakin kundi siya lang.Humanda ka sakin.

Bigla nalang nag ring ang phone ko

"Hello?"
"Hello ija,ako to si madame Lee pakituro naman sa anak ko nang chemistry oh diyan kasi siya bagsak"
Pakiusap niya
"Hmmm sige po madame within 1 hour nandyan na po ako madame"Humanda ka sakin mamaya Jerick.
"Ok bye"binaba ko na ang phone ko

Pumunta na ako sa banyo at naligo. Bumaba na ako sa kwarto at kumuha nalang ng tuna sandwich na babaonin ko nalang.

"Aalis na ako ma"paalam ko kay mama

"Sige honey,ingat ka"sabay halik sa noo ko

Palabas na ako nang gate ng may biglang bumangga sa akin.

"Gelo?a-anong ginagawa mo dito?"ang bilis nang tibok ng puso ko.Hanggang ngayon mahal ko pa talaga siya.
"Susunduin ko sana si Jenny 1st anniversary kasi namin ngayon"sagot niya.Hindi ko man lang namalayan isang taon na din pala ang nakalipas nang niloko mo ako?
"That's good stay strong sa relationship niyo"pinilit kong ngumiti para hindi ako magmukhang kawawa dito.
"Thank you Gail"bigla akong tumawa kaya nagtaka siya
"Importanteng tao lang ang tumatawag sakin nang Gail"paalala ko
"Bakit?Hindi na ba ako importante sayo?"husky niyang sabi habang papalapit siya sakin.
"Hi-hindi na"tinulak ko siya at lumabas na sa gate

Tanggap ko na wala na talaga kami ni Gelo.Mag momove on na talaga ako.Ayoko nang maging tanga.Hindi na ulit ako magmamahal katulad nang pagmamahal ko kay Gelo.

Sumakay na lang ako nang taxi.tumingin ako sa daanan

Nakita ko ang lalaking bumibili nang ice cream. Hindi ako pwedeng magkamali siya ang Daddy ni Kyle.

"Manong dito nalang po ako"utos ko sa driver nang taxi

I need to talk to him.I need to see Kyle kung magkasama man sila ng daddy niya.

"Tito James!"tawag ko sa kanya. Hindi naman ako nabigo at lumingon siya

"Who are you?"nagtataka niyang tanong
"Ako po ito si Shara ang kababata ni Kyle"nakikita ko pa din sa mukha niya ang pagtataka
"Huh?hindi ko natatandaan,Gail ang pangalan nang kababata ni Kyle"
Oo nga pala si Kyle lang ang tumatawag ng Gail sakin noon.
"Ako nga po ito tito"sabi ko
"Talaga?ang laki mo na ha,siguro ganoon din si Kyle"sabi niya  at naramdaman ko ang lungkot sa kanyang mga mata
"Bakit po asan po si Kyle?"hinawakan ko siya sa braso
"Grade 1 palang siya noon nang naghiwalay kami nang mommy niya"napaupo siya sa upuan sa park
"I'm so sorry to hear that tito"ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya
"Miss na miss ko na ang anak ko"bigla nalang tumulo ang luha niya
"Ano po ba ang dahilan nang paghiwalay ninyo tito?"ayokong tanungin pero na cucurious na talaga ako eh.

"Nandito din ako sa park noong araw na yun.Nakipagkita ako sa bestfriend ko iniwan kasi siya nang asawa niya kaya wala siyang ibang masasandalan kundi ako kaya noong nahuli kamin ng mommy ni Kyle na magkayakap nagalit siya sa bestfriend ko"paliwanag niya

"Hindi niyo po ba sinabi ang totoong rason kung bakit kayo magkayakap ng bestfriend niyo?"

"Sinubukan ko pero ayaw niyang maniwala.Dati kasi kaming magkasintahan nag bestfriend ko noong highschool pa kami at siya ang first love ko pero noong makilala ko ang mama ni Kyle siya ang higit na minahal ko kaya lang ayaw niyang maniwala at tuluyan akong iniwan"maiyak iyak na niyang paliwanag

"Pwede pa din naman kayong magkabalikan diba po?"

"Malabo nang mangyari iyon lalo na't hindi ko alam kong nasaan sila ng anak ko"nalulungkot na din talaga ako sa mga narinig ko

"Hanapin po natin sila tito tutulungan ko kayo"sabi ko na may ngiti sa aking mukha

"Talaga ija?"biglang nawala ang lungkot sa kanyang mga mata

"Opo,matagal ko na din naman pong gustong makita ulit si Kyle"

Ngumiti kami sa isat-isa

-
Sumakay ako nang taxi at papasok na ako sa village nila ni Madame Lee hanggang sa makarating ako sa harap ng bahay nila.

"Dito na lang po ako manong"utos ko pero hindi parin niya hinihinto ang kotse

"Manong dito nalang po ako"ulit ko hindi parin niya ako naririnig kaya kinabahan na ako.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at kahit na nakaandar pa ito ay tumalon ako.

Buti nalang sa damuhan ako bumagsak.Nakita ko ang driver na lumabas nang taxi at dinaganan ako

"Tulong!"sigaw ko
Naramdaman ko na wala na ang manyak na lalaki sa ibabaw ko

Nanghihina na ako at ang huli kong nakita ay si Jerick na parang nag aalala

Hinang hina na talaga ako kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko

"Shara,wake up!"iyon ang huling narinig ng mga tenga ko

I'm The Tutor of This Bad BoyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora