Chapter 22:Meet The Parents

2.8K 111 2
                                        

Shara.

"Jerick Lee!"sigaw ko

Napatingin siya sa direksyon ko at halata ang gulat sa mga mata niya.

"Sino ang babaeng iyan ha?! At anong gagawain niyo dito sa Hotel nang kayong dalawa lang?!"sigaw ko habang papalapit sa kanya.

"At ikaw babae anong balak mo dito sa lalaking mahal ko?!"pagtataray kong sabi sa kasama niya.

Hindi ko na macontrol ang pananalita ko.

"Shara anak siya ng may-ari ng Mendoza's Hotel at kailangan ko siyang hatid dito kapalit ng kotseng hinihingi ko kay mommy"paliwanag ni Jerick

Napatakip ako ng bibig ko sa narinig ko. Nakakahiya itong ginawa ko. Lupa lamunin mo na ako please!

"Oh my gosh! I'm sorry miss hindi ko-"hindi ko na napatuloy ang sinabi ko.

"It's ok ganoon din naman ako sa lalaking mahal ko parang praning"sabi niya

Ako Praning?!Hindi naman diba?

"Sige mauuna na ako. Salamat sa paghatid Mr. Lee"paalam nang babae samin.

Ngayon kaming dalawa nalang ni Jerick ang nandito.

Tumalikod na ako sa kanya para umalis na pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako.

"Totoo ba ang sinabi mo kanina?"seryoso niyang tanong.

"Ano bang sinabi ko?"sabi ko nang nakatalikod parin.

Hinila niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya at hinawakan niya ang balakang ko para magkalapit ang mukha namin.

"Na mahal mo ako"nakangiti niyang sabi.

Mas nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko kaya itinulak ko siya palayo sakin.

"Ewan ko sayo!"pagtataray ko

Hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Shara, please tell me that you also loved me"seryoso niyang sabi.

Napabilis ang tibok ng puso ko sa  sinabi niya na halatang gustong-gusto niyang marinig iyon galing sakin.

"Oo mahal din kita Jerick pero natatakot ako baka masaktan lang ulit ako"nakayuko kong sabi.

Hindi mahirap mahalin ang bad boy nato. Sa mga araw na napapahamak ako, He is the one who saved me. Everytime na nalulungkot ako, He is the one who makes me happy. And everytime na may masakit sakin, He is the one who cared for me.

"Pag nagmahal ka hindi mo talaga maiiwasan na masaktan pero Shara, Kung masaktan tayo edi masaktan atleast naging masaya ako na nakasama at nakapiling ka"seryoso niyang sabi.

"Shara, I love you and I would not let others or even myself to hurt you."dagdag pa niya.

Alam kong namumula na ang pisngi ko dahil sa init na nararamdaman ko. Ngayon ko lang talaga naranasan ang ganito.

Hinawakan ko ang kaliwang pisngi ni Jerick

"Pwes, itataya ko ulit ang puso ko para sayo"nakangiti kong sabi.

Napangiti siya sa narinig niya.

"Shara, walang makakapantay sa saya at ligayang nararamdaman ko ngayon"sabi niya sabay halik sa noo ko.

"So, tayo na?"tanong niya sabay ngiti na parang kita pati gilagid ng ngipin niya.

"Luh?! Kailangan mo pang manligaw no"pagtataray ko

"Paano ba yun? Hindi ko pa kasi nagagawa ang panliligaw kasi ang mga babae ang nanliligaw sakin"pagtataka niyang sabi.

"Ibahin mo ako"seryoso kong sabi.

I'm The Tutor of This Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon