Prologue

75.7K 1.1K 91
                                    

Nagpunta kami ngayon ni Macy sa bahay nila para gumawa ng homework namin sa Science. She's my friend or should I say "My New Bestfriend". Nagkakilala kami sa Cafeteria ng school at sobrang palagay na ang loob namin sa isa't-isa at hindi ko inaasahan na magiging kaklase ko pa pala siya.

Narating na namin ang bahay nila at nagdoorbell na si Macy sa tapat ng gate nila. Kaagad namang bumukas ito at bumungad sa amin ang isang matangkad, mestizo at gwapong lalake na kamukhang-kamukha ni Macy.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka-topless lang ang lalake at boxer shorts. Nang mahagip niya ako ng tingin ay tinitigan niya ako ng ilang segundo pagkatapos ay saka siya muling bumaling kay Macy.

"Kuya Maverick, new best friend ko nga pala, si Sarina." Pagpapakilala sa akin ni Macy sa kuya niya.

Nagbow naman ako bilang sign of respect sa mas nakatatanda sa akin. "Magandang tanghali po." Sabi ko at tumingin sa kuya ni Macy.

Nakatitig na naman siya sa akin at nakakailang iyon saka ito ngumiti. "Hi. Ako nga pala Maverick. Nice to meet you, Sarina."

Hindi ko maintindihan pero bigla nalang nanginig ang buong katawan ko sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.

Napaiwas ako bigla ng tingin sa kanya.

"N-nice to meet you rin po." kinakabahan kong sabi at ngumiti nalang ng pilit.

"Kuya, nakapagluto ka na ba ng pagkain? Nagugutom na kasi kami ni Sarina, e," Tanong ni Macy sa kuya niya.

Tumango at ngumiti naman si Kuya Maverick. "Oo. Halika na, kumain na tayo. Ayoko namang magutom si Sarina. Magbibihis lang ako." Tumingin siya sa akin saglit at pagkatapos ay naglakad na ito papaalis.

Sa lalim ng boses ng kuya ni Macy at sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kaba at takot doon.

"Tsk. Mukhang type ka pa yata ng kuya ko pero bagay naman kayo e, maganda ka tapos gwapo si Kuya Maverick at pareho ko pa kayong love kaya support ko kayong dalawa!" Biglang panunukso ni Macy sa akin na ikinangiwi ko.

"A-Ano bang pinagsasabi mo diyan Macy? 16 pa lang ako tapos ang sabi mo nga ay 25 years old na ang kuya mo saka ikwinento ko na sa'yo kung sino ang mahal ko 'di ba?" Natahimik naman si Macy sa sinabi ko saka ito napatango at humalukipkip.

"Oo na! Si Trey, 'yung kababata mo." sabi ni Macy at umirap ito ng pabiro.

Napangiti naman ako doon.

---
GENRE: Reverse-harem/Romance/Obsession

WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don't need to say offensive things to the story if you don't like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.

I started writing this story when I was only 13 years old.

Please like my Facebook page:
"Ajai_Kim WP Stories"

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2018 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon