Chapter 43

6.8K 180 4
                                    

SARINA'S POV

Dahil sa ginawang pagtulong ni Kuya Maverick para madakip ang kapatid ni Yohan na si Ace Suarez at ang iba pang mga kasama nito sa gang na kinabibilangan nila ay mas lalo pa akong nagkaroon ng rason para sagutin na siya sa panliligaw niya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka napatay na ni Ace Suarez si Kuya Bryan dahil sa malalang bugbog na natamo nito sa kanya. Sobrang laki ng pasasalamat ng buong pamilya ni Trey kay Kuya Maverick dahil nakulong na rin ang mga taong pumatay kay Trey. Kung hindi pa sila nahuli ay baka may mangyari rin na masama kay Ate Annika at bigla na lang siyang atakihin nila Ace Suarez at ng grupo nila.

Bumubuti na ang kalagayan ni Kuya Bryan at palagi rin siyang binabantayan ni Ate Annika sa Ospital. Sa nakikita ko ay sobra ang pag-aalala ng kapatid ko para kay Kuya Bryan. Siguro marahil ay baka may pagtingin na rin si Ate Annika kay Kuya Bryan.

Nalaman rin ni Kuya Xavier ang ginawang pagtulong ni Kuya Maverick para madakip sila Ace Suarez at wala man lang siyang naging reaksyon tungkol doon.

Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin niya matanggap si Kuya Maverick para sa akin?

Nagulat ako nang makita ko si Jenica na pumasok sa classroom namin. Ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok dahil nagkasakit daw siya sabi ng mga teachers namin. Hindi ko naman siya macontact sa phone niya dahil palagi itong nakapatay. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako ng tipid saka ito umupo sa upuan niya. Malungkot naman akong ngumiti at pumunta sa pwesto niya. Nakita ko pa si Macy at ang mga kaklase namin na nakamasid lang sa aming dalawa.

"Jenica-"

"Don't worry about me, Sarina. It's not your fault at saka ayaw ko munang pag-usapan 'yon." Sabi niya.

Tumango naman ako at tinitigan siya. Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa sa kanya ni Alex dahil nakikita ko ang sakit mula sa mga mata niya pero alam kong nagpapakatatag lang siya. She's been a good friend to me ever since at hindi niya deserve na masaktan ng ganito nang dahil lang sa mga lalaking minahal niya.

"Gusto mo bang ilibre kita ng food mamaya?" Sabi ko na lang.

Ngumiti naman siya. I felt relief dahil sa wakas ay ngumiti na rin siya ng totoo. "Oo ba. Huwag kang magreklamo kung marami akong oorderin, ha? Sabi mo kasi libre mo e," Nakangising sagot niya.

Tumawa naman ako. "Sure. Friend kita kaya lang dapat na ilibre kita." Sabi ko.

Bigla namang naging seryoso ang mukha ni Macy. "Sarina, nagkausap kami ni Ulysses nitong mga nakaraang araw. Medyo naguilty ako dahil sinisi kita sa break-up namin ni Alex. Bakit kasi lahat ng lalaking minamahal ko ay nagkakagusto sa'yo?" Malungkot niyang sabi.

Natahimik naman ako at parang maluluha na. "Pero nung sinabi niya na choice naman nila ni Alex na magkagusto sa'yo at wala ka namang kasalanan dun ay natauhan ako. He also said that you're always considering my feelings noong umamin rin siya ng nararamdaman niya para sa'yo. I'm such a bad friend para pag-isipan ka ng masama." She said then she hugged me.

I hugged her back. "It's okay, Jenica. I'm sorry too." Malungkot kong sabi. Kumalas naman siya sa pagkakayakap niya sa akin at hinarap niya ako sa kanya.

"I don't want to ruin our friendship nang dahil lang sa lalaki. Alam ko namang may darating rin na tamang tao para sa akin. Baka siguro ngayon ay hindi ko pa siya namemeet." Tumawa siya kaya natawa na rin ako.

Bigla namang lumapit sa pwesto namin si Macy. "It's good to see na okay kayo. Ang akala ko ay mag-aaway pa kayo nang dahil lang sa jerk na 'yon!" Sabi niya at inirapan kami ng pabiro.

"Syempre naman. My friendship with Sarina is stronger than the rock." Jenica said at kinindatan ako.

Tumango naman si Macy at nginisian ako na ipinagtaka ko. "Jenica, alam mo na bang nililigawan na ng kuya ko si Sarina?" Sabi niya na ikinapula ng buong mukha ko.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon