Chapter 48

8K 191 7
                                    

SARINA'S POV

Nagpang-abot na ako ng 7pm dito sa loob ng school at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako umuuwi ng bahay. Gusto ko munang mapag-isa at pag-isipan ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Tama ang sinabi sa akin ni Kuya Cyril, kailangan kong maging totoo sa sarili ko at huwag kong pigilan ang nararamdaman ko para kay Kuya Maverick. Dapat lang na kausapin ko siya ng maayos at hindi ko siya kailangang iwasan katulad ng sinasabi sa akin ni Kuya Xavier.

My brother keep on saying that Kuya Maverick is very dangerous for me. Kahit sinasabi sa akin ni kuya iyon ay hindi ko iyon maramdaman sa tuwing kasama ko si Kuya Maverick at nakilala ko na siya ng lubusan. At first ay ganon ang naging impression ko sa kanya pero nagkakamali pala ako. He helps me a lot to build myself again. He takes care of me noong namatay si Trey at tinulungan rin niya ang pamilya nito para mapakulong sila Yohan, ang mga kapatid niya pati na rin ang ibang mga kagangmates nila. I owned him a lot.

Kung wala siguro siya ay hindi ko makakaya ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko. That's why I fell in love with him. 

Habang nakaupo ako dito mag-isa sa loob ng classroom namin ay may pumasok sa loob at nagulat ako kung sino ang taong iyon.

Si Alex.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at sinamaan siya ng tingin.

Lumapit naman siya sa akin at umupo sa upuang nasa tabi ko. "Kanina pa talaga kita gustong makausap at inaabangan kita sa labas nitong classroom niyo pero hindi ka pa lumalabas kaya napagpasyahan kong puntahan ka na dito. Dalawang oras na kitang pinagmamasdan diyan sa bintana pero hindi mo pa rin ako napapansin." Sabi naman niya at sumandal sa upuan.

Dalawang oras na niya akong tinitignan sa labas ng classroom? Hindi ko na nga napansin iyon dahil masyado nang naoccupied ang utak ko sa sitwasyon ko ngayon.

"So? Ano pa bang kailangan nating pag-usapan, Alex? Kung dahil ito sa sasabihin mong gusto mo ako pwes umalis ka na. Galit pa rin ako sa'yo hanggang ngayon dahil sa ginawa mo kay Jenica." Prangka kong sabi.

"Ayon nga ang gusto kong pag-usapin nating dalawa. Since alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan ay okay lang 'yon sa akin. Gusto ko lang na mabalik tayo sa dati na magkaibigan lang." Napatingin naman ako sa kanya. Mukha nga itong seryoso at hindi nagbibiro.

Pero makakaya ko ba siyang kaibiganin ulit sa kabila ng ginawa niyang paggamit kay Jenica?

Napagitla ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinarap niya ako ng diretso sa mga mata niya. Tama nga ang sinasabi nila na gwapo si Alex lalo na kapag nakita mo ito ng malapitan. "I know that I've been jerk and I also hurt Jenica's feelings pero pinagsisisihan ko na 'yon, Sarina. Kung pwede nga lang maibalik sa dati ang lahat ay ginawa ko na. Mali ang move na nagawa ko kaya sana patawarin mo na ako." Bigla namang lumungkot ang tono ng boses niya.

Dahil sa ilang na nararamdaman ko sa paghawak niya sa kamay ko ay kaagad kong tinabig iyon at tumingin sa ibang direksyon. Napalunok ako sa tensyon.

"Kapag ba pinatawad kita ay magsosorry ka rin sa ginawa mo kay Jenica?" Tanong ko at hinarap siya ulit.

Ngumiti naman siya sa akin at tumango. "Oo naman. Gusto ko lang na maging magkakaibigan tayo ulit. Kahit papaano naman ay may pinagsamahan tayo nila Jenica." Sabi niya.

Napakagat-labi na lang ako at bumuntong-hininga. Tama rin naman siguro si Alex. Kailangan ko siyang patawarin para na rin sa ikatatahimik ko at mukha namang tanggap na niyang hindi ko naman talaga siya gusto dahil may mahal na akong iba at iyon ay si Kuya Maverick.

"Sige, pinapatawad na kita." Sabi ko at ngumiti ng alanganin.

Mukha naman siyang natuwa sa sinabi ko at nilapitan ako para yakapin. Kaagad ko namang tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at para siyang napahiya dahil dun.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon