Chapter 33

8K 227 6
                                    

SARINA'S POV

"And what else, Mr. Ayala?"

Napalingon naman kami ni Kuya Cyril sa nagsalita and I didn't expect that he was here..

"Kuya Maverick?"

Anong ginagawa niya dito? Ang akala ko ba ay busy siya sa work niya base sa pagkakasabi sa akin ni Kuya Xavier? I look at him again, nakatingin lang siya ng seryoso sa amin ni Kuya Cyril and I don't think that he's happy right now.

Napangiti naman si Kuya Cyril at kinamayan si Kuya Maverick. Kinamayan rin naman siya nito pabalik pero mukhang wala siya sa mood para ngumiti. Ano kayang problema niya?

"I'm just praising Sarina dahil mukhang matured na rin siya mag-isip katulad ko. I didn't expect na makakapunta ka rito. Are you done with your works?" Tanong ni Kuya Cyril.

Tumango lang naman si Kuya Maverick. "Ano bang pinag-uusapan niyo at nasabi mo na matured na si Sarina na mag-isip?" Sabi ni Kuya Maverick.

Ano? Kailangan pa ba niyang malaman ang mga pinag-usapan namin ni Kuya Cyril tungkol kina Kuya Xavier at Ate Georgina? Ganon ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? Aalamin mo rin ang lahat ng detalye sa pakikipag-usap mo sa iba?

Tinignan naman ako ni Kuya Cyril at tinitigan ng mariin saka muli siyang bumaling ulit kay Kuya Maverick at tinitigan rin ito ng mariin. Nakakahalata na kaya siya sa ikinikilos ni Kuya Maverick kapag kaharap niya ako? Huwag naman sana.

"It's only between us, Maverick. A private matters na hindi mo na dapat pang malaman. Hindi rin naman tungkol 'yon sa trabaho natin." Sabi ni Kuya Cyril at nginitian ako.

Kumunot naman ang noo ni Kuya Maverick dahil sa sinabi ni Kuya Cyril sabay bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"I'll take you home." Sabi niya.

"Po? Eh kasama ko pa po si Kuya Xav-" Bigla naman ulit siyang nagsalita.

"He's busy talking to his co-workers kaya ako na lang ang maghahatid sa'yo pauwi. Tatawagan ko na lang siya kapag naiuwi na kita sa inyo." He said. Wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lang sa sinabi niya.

Lumingon naman ako kay Kuya Cyril at seryoso lang siyang nakatingin sa aming dalawa.

"We need to go." Paalam niya kay Kuya Cyril. Tumango lang naman siya at nginitian kami.

"Sure. Mas mabuti pa ngang ihatid mo na lang muna si Sarina. It's nice to meet you, Sarina. Mag-iingat ka." Nakangiti niyang sabi sa aming dalawa.

"It's nice to meet you rin po, Kuya Cyril." Sabi ko at tuluyan na nga akong hinila ni Kuya Maverick papaalis. 

Hila-hila niya pa rin ako hanggang sa malagpasan na namin ang table nila Kuya Xavier at naiwan ko pa doon 'yung bag ko!

"Teka, Kuya Maverick! Naiwan sa table namin 'yung bag ko!" Sabi ko nang makalabas na kami sa loob ng restaurant.

"Iuuwi naman 'yan ng kuya mo kapag uuwi na rin siya." Sabi niya lang hanggang sa makapasok na kami sa loob ng sasakyan niya.

Nang nasa loob na kami nito ay tahimik lang kaming dalawa. Parang nagpapakiramdaman pa. Ngayon ko lang ulit siyang nakita pagkatapos ng ilang araw at sa bawat araw yata na lumilipas ay mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.

"Bakit ka nakikipag-usap sa hindi mo naman kilala?" Bigla niyang pag-imik at pinaandar na nito ang sasakyan niya.

Bakit pakiramdam ko ay parang nagseselos siya? o assuming lang siguro talaga ako?

"May tinanong lang naman si Kuya Cyril sa akin at saka mabait naman siya e," Sabi ko.

Napailing lang siya. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag ka kaagad nagtitiwala o nakikipag-usap sa ibang tao dahil hindi mo naman alam kung mapagkakatiwalaan ba sila? You need to be careful at this time sa taong pagkakatiwalaan mo dahil baka katulad lang rin 'yan nung Yohan." Parang naiinis niya pang sabi habang nakatingin lang ang mga mata niya sa daan.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon