Chapter 26

10.1K 309 7
                                    

MAVERICK'S POV

Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos ng mga gawain ko sa trabaho. Sarina doesn't deserve a friend like that Yohan guy. Pumayag lang naman ako sa agreement ng lalakeng iyon dahil ayokong masira ang imahe ko kay Sarina. I don't know why pero mahal ko na talaga si Sarina. Call me crazy, pedo or child abused pero hindi ko na talaga mapigilan pa ang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam pero pakiramdam ko ay siya na talaga ang babaeng nakalaan para sa akin kaya nga nagpapasalamat ako at nakilala siya ni Macy. Pero hindi naman ako papayag na habangbuhay na lang lokohin ng Yohan na iyon ang babaeng pinakamamahal ko.

Pagkarating ko sa bahay namin ay kaagad akong sumalampak sa sofa saka hinilot ang sentido ko. Wala na akong masyadong tulog idagdag pa na palagi kong iniisip si Sarina. Tinanggal ko ang suot kong coat at kurbata saka pumikit.

Sarina.

Napailing na naman ako. Nababaliw na talaga ako sa palagi kong pag-iisip sa high school student na bestfriend ni Macy. Tsk.

"Kuya.."

Napamulat naman ako ng mata sa pagtawag ni Macy ng pangalan ko. Napakunoot-noo na lang ako dahil may kasama siyang isang matangkad na lalake.

"Nandito ka na pala, Macy." Sagot ko naman habang inoobserbahan ang lalaking kasama niya na hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Ahh, Kuya Maverick si W-Walter pala. B-Boyfriend ko." Nauutal na sabi ng kapatid ko habang ipinapakilala ang lalakeng kasama niya saka ito napayuko.

"Hello po, Kuya Maverick. I'm Walter, Macy's boyfriend." Nahihiya namang sabi ng lalaking kasama ni Macy.

Tumitig lang ako ng ilang segundo kay Macy na hindi pa rin makatingin sa akin. Umayos naman ako ng upo at nagpahalumbaba.

"Kailan lang naging kayo, Macy?" Tanong ko.

"N-nung isang araw lang, kuya.." Sagot naman ni Macy.

Tumango na lang ako saka tumayo at hinarap sila. "Malaki ka na, Mace Ann at hindi na kita masyadong pagbabawalan sa mga gusto mo pero siguraduhin mo lang na hindi ka sasaktan ng lalaking 'to kundi marami akong kayang gawin para masira ang buhay niya." Seryoso kong sabi saka tinitigan ang Walter na boyfriend na ngayon ni Macy.

Unti-unti namang napatango si Macy saka ako niyakap sandali. "Thank you, kuya."

"Pangako ko po na hinding-hindi ko sasaktan si Macy." Sabi naman ni Walter habang nakangiti.

Napailing naman ako at iniwan sila. Nagtungo na lang ako sa kwarto ko at hinubad ang pang-itaas ko at umupo sa kama. Kinuha ko naman ang cellphone sa bulsa ko at may tinawagan.

"Hello Bryan? Nakaplano na ba ang lahat? Good.. Gusto ko na masira ang Yohan Suarez na 'yon sa buong St. Therese.. Salamat."

And I ended the call.

Nagsisimula na ang lahat. My Danger Alley.

SARINA'S POV

Nagulat na lang ako nang nagkakagulo ang lahat ng mga estudyante ng St. Therese sa buong school. Nagsisitakbuhan ang lahat papuntang Gymnasium maging ang mga kaklase namin. Dahil wala pa namang klase ay na-curious kami ni Jenica kung ano nga ba ang pinagkakaguluhan nila. Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako na ewan.

"Ano ba ang pinagkakaguluhan nila sa Gymnasium? May artista ba dun?" Tanong ni Jenica.

"Puntahan kaya natin para malaman natin." Sagot ko naman.

Tumango na lang siya saka kami nagtungo sa Gymnasium. Sumasakit ang ulo ko kagabi pa dahil sa dami ng mga iniisip ko. Kay Trey, Kuya Maverick at sa mga sinabi ni Yohan. I never thought that my life will get complicated because of those men. Hindi nga talaga ako pwedeng magstay na lang sa Comfort Zone ko at kailangan kong harapin ang realidad. Hindi na ako bata at may mga pagdadaanan talaga akong struggles and trials sa buhay ko.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon